Veronica's POV
Walang gana akong umakyat papunta sa kwarto namin. Pagkapasok ko, tumalon ako pahiga sa kama.
*BLAG!*
Ugh! Nabitin yung talon ko. Plakda tuloy ako sa sahig. Masakit. Shet lang.
"O, ayan kasi, tatalon-talon pa." Veera said habang tinutulungan akong tumayo.
I just ignored her at humiga na lang sa kama ko. She sat beside me then she talked again.
"You should've at least told me na yung gustong-gusto mo palang shoes yung binili niya para naman binilihan ko siya ng mas maayos na regalo."
"Eh ikaw naman kasi, bibili ka na lang, buy one take one pa!" Bumangon ako ng konti para maka-harap ako sa kanya. "You didn't even bother na tanggalin yung resibo! Nakakahiya tuloy kay Brian!"
"Eh ano namang nakakahiya do'n? Branded naman 'yon. Nagkataon lang na sale!" Katwiran pa niya. Hay, suko na ako kay Veera. Wala rin namang patutunguhan 'to.
"Veronica, I have something to ask. Sumagot ka ng totoo ah."
"Ano na naman?"
"Mahal mo ba talaga si Brian?"
Napa-lunok ako because of what she asked. I want to say something but no words came out of my mouth.
"What made you think na hindi?" Pabalik na tanong ko when I finally found my voice.
"Your actions. Look, hindi lang 'to about the gift thingy. Kunwari na lang pag magkasama kayo ni Brian. He looks so happy pag kasama ka niya pero ikaw parang pinipilit mo lang ngumiti."
I sighed. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"I bet hindi mo alam kung kailan anniversary niyo? Or the little things about him, hindi mo rin alam 'no?" Veera added.
"Of course not! Mahal ko sa Brian 'no. I love him, Veera kaya ko nga siya sinagot kasi I want him to be my boyfriend."
"You sound like you're convincing yourself."
Again, I just ignored her at humiga na lang patalikod sa kanya.
I hate to admit this but I think Veera has a point.
•••
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni Veera. Mahal ko naman si Brian eh, kaya nga tumagal kami ng two years, I think? I sighed. Tama na naman si Veera. Ni hindi ko alam kung ilang taon na kami.
"Veronica, amuyin mo 'to." I was trying to watch a movie at my laptop when Veera showed up at pinapa-amoy sa akin ang daliri niya, kakalabas niya lang ng banyo.
"Naku, Veera, baka kung saan galing 'yan ah."
"Tse! Ang baboy mo! Amuyin mo na lang, mabango naman eh."
Kinuha ko ang kamay niya then I smelled it. Mabango nga, parang cologne ng baby?
"What's this?" I asked her. "New cologne?"
"Hindi ah! 'Yan yung binili mong lactacyd. Blue kasi yung nabili mo di 'ba? Eh pink yung gamit natin dati."
Bigla ko namang nai-layo sa mukha ko yung kamay niya when she said that.
"Yuck, Veera! Ano ba 'yan!"
"Bakit? Mabango naman talaga ah? Tsaka malinis naman 'tong kamay ko. Kakaligo ko lang eh."
Umirap na lang ako sa kanya then I continued to watch the movie sa laptop ko. Kahit na hindi ko na rin maintindihan yung pinapanood ko.
"What are you watching?" Veera sat beside me while she's drying her hair.
"What's Your Number." Sagot ko sa kanya. Naisipan ko lang na panoorin 'to ulit.
I have a huge crush to Chris Evans kasi. Crush na crush din kasi siya ni Nanay and she talks about him a lot kaya naman naging crush ko rin siya.
"Ah. . . I didn't know na si Annabelle pala leading lady niya dyan." She said. Sinong Annabelle? Si Anna Faris leading lady niya dito ah?
I gave her a confused look. Tiningnan niya lang rin ako then she looked at my laptop.
Tumingin din ako sa laptop ko then I saw that Annabelle was playing. Sht. Bakit ba hindi ko napansing hindi pala What's Your Number pinapanood ko?!
"Uhm. Ano kasi. 'Yon kasi pinapanood ko kanina tapos nalipat lang." Palusot ko na lang kahit hindi ko alam kung paano talaga naging Annabelle yung pinapanood ko.
"Ano, Veronica? Lutang lang?"
Pinatay ko na lang ang laptop ko. Buset. Ayoko na munang manood ng movie, wala naman akong maintindihan.
"So, bakit nga lutang ka?" She asked teasingly.
"Wala. Inaantok lang ako."
"Weh? Really?" She pushed.
"Oo nga. Kulit naman nito."
"I'm not convinced. What's bothering you ba?"
Nag-isip muna ako if I'm going to tell Veera what's bothering me. I sighed. Sasabihin ko na lang, siya rin naman kasi may kasalanan nito eh. Tsk.
"Eh kasi I'm still thinking about what you told me last night." I spilled.
"O bakit? You realized that I was right?"
"No! Tumigil ka nga, Brian is a very nice guy. Mahal ko nga siya." Naiiritang sabi ko sa kanya. Bakit ba kasi kinukulit niya ako about what I feel for Brian?
"Fine, fine. Why so grumpy?" Tumagilid siya ng upo then she positioned herself paharap sa akin. "I know that Brian is a nice guy and I really like him for you."
I didn't say anything. I just raised my eyebrow at her kaya she continued.
"Ayoko lang na dumating ka sa point where you have to choose between his happiness or your happiness."
I don't know why but there's a part of me who wants to agree at what she said. But, no. Mahal ko si Brian.
"Anyways, nagpa-luto na ako kay manang ng lunch kanina. Bumaba ka na." She said the she headed down stairs.
•••
Veera slept after naming mag-lunch. And now, 6:30 na tulog pa rin siya. Ang kulit talaga nito. I already told her na 8:00 pm ang landing ng plane nila nanay.
"Veera, bumangon ka naman na dyan! Jusko! Parang nakadikit ka na sa kama eh!" Pangatlong punta ko na dito sa kwarto namin. Nakakainis naman kasi, makakatulog pa kaya 'to mamaya?
"Ano ba naman, Veronica! Nambubulabog ka na naman eh." She said then she stretched.
"Bumangon ka na kasi!" I said before I buried her on her pillows.
"Ito na nga! Maliligo na!"
Hanggang sa pagligo niya, minadali ko siya. Knowing her, alam kong magtatagal pa siya sa pagpe-prepare bago kami umalis. And I don't want that to happen kasi baka madakdakan ako ni Nanay.
•••
When we arrived at the airport, nandun na sila Nanay. Tsk. I knew it, nauna pa tuloy sila sa amin. Ang bagal kasi ni Veera!
"Nay, kanina pa po ba kayo? Sorry we're late." Bumeso ako kay sa kanya then kay Tatay.
"Nako, anak. Kanina pa kami dito. Nagta-tantrums na nga ang Nanay mo eh." Tatay said jokingly kaya we laughed.
"Hey, don't believe your Tatay. Nasira na naman yata ang ulo niya." Ganti ni Nanay sa kanya. "Tsaka, kakalabas lang rin namin, anak kaya it's okay."
Nanay smiled at me kaya I was relieved.
"Pero sorry talaga if we're late. Si Veronica kasi, Tay. Ayaw bumangon agad kanina." Sinamaan ko agad nang tingin si Veera when she said that.
Loko talaga 'to! Binaliktad pa.
"Weh?" Tatay said as if he really doesn't believe Veera then he turned to me. "Don't worry, anak alam kong si Veera talaga ang ayaw bumangon kanina."
"HAHA! Paano mo nalaman, Tay?" Natatawang tanong ni Veera sa kanya.
"Syempre, mana ka sa akin." He said then ruffled Veera's hair.
Nauna na kaming naglakad ni Nanay sa kanila. Nagkukulitan pa kasi sila habang naglalakad.
"Nako, anak. Ang kulit talaga ni Veera tsaka ng Tatay mo." Nanay told me while we're walking. "Buti na lang I have you.
I smiled nung sinabi ni Nanay 'yon. Kahit noon pa naman talaga, close na kami while Veera is close to Tatay. Kahit noong bata pa kasi kami, sobrang kulit niya na kaya tuwang-tuwa din si Tatay sa kanya.
I received a text message nang makasakay kami sa kotse. It was from Brian.
From: Brian
Love, remember that movie na sinasabi mo? Meron na sa MOA ngayon. Nood tayo?
I remembered the movie na sinasabi niya. Two weeks na after nung release date no'n sa U.S. pero ngayon lang ang showing dito sa Philippines.
I immediately replied.
To: Brian
Okay, love. See you.
I sent the message then after a while, my phone beeped again.
From: Brian
I'll pick you up tomorrow. Last showing na tayo manood. I love you.
Hindi na ako nakapag-reply with that.
Sana wag na naman akong distracted bukas. I don't want to give him a crappy date. Again.