IV - Movie Date (2/2)

1317 Words
Veronica's POV "Hey, love what happened to your shirt?" Brian asked nang makalapit ako sa kanya. I looked at my shirt and saw that it also has a coffee stain. Damn it! Pati pala shirt ko nadumihan. Bwiset talaga yung lalaking 'yon! "Eh kasi naman, love I bought a coffee tsaka green tea frappe for us but there's this arrogant guy na bumangga sa akin kaya natapon!" Hindi ko na mapigiliang mag-sumbong sa boyfriend ko, nakakainis kasi talaga eh. "Here, isuot mo muna 'to." He took of his blue polo over his white shirt then gave it to me. "We'll just buy a shirt for you pagdating sa mall." "Thanks, love." Kinuha ko sa kanya yung polo then I wore it. "By the way, tumawag na pala sa akin si Brent. Nakalapag na daw ang plane na sinasakyan niya, he just went to the CR first." I nodded at him. I was about to ask him kung pupuntahan pa ba namin si Brent or we'll just wait here when I heard a familiar voice behind me. "Bro, sorry kung natagalan. Just need to change my shirt first." s**t! That's . . . That's the same deep voice I heard a while ago. Hindi kaya. . . "It's okay," Brian said at nakipag-fist bump pa sa kapatid niya. "Nga pala I'd like you to meet my girl, si Veronica." I hesitated to turn around but I chose to do so then I found out that I wasn't wrong of what was I thinking a while ago. He's that guy at the coffee shop! Si Brent yung bwiset na lalaking 'yon! I can't believe na siya si Brent! Brent looked at me for a few seconds. Ewan ko, pero parang nagulat din yata siya when he saw me. "Uhmm. . . Hey, I-I'm Veronica." Medyo awkward yung pagtitig niya sa akin so I decided na ako na lang ang unang magsalita. I faked a smile at him. "So you're Veronica, huh?" He gave me a taunting smile. I don't know kung ako lang pero parang nakakaasar din yung tono niya when he greeted me. "Yup. So you're Brent. My pleasure to meet you." Sabi ko na lang, pretending na hindi ko siya kilala. "I think you two will get along." Brian said while he's smiling at us. "Yeah, I guess. Your girl seems nice and smart naman." Ugh! Bwiset! Hindi nga lang siguro napansin ni Brian but I swear, sobrang sarcastic ng pagkakasabi niya no'n! "Tara, love. Mag-dinner na lang tayo, dun tayo sa Italian resto na sinabi ko ah?" Niyaya ko na lang si Brian mag-lunch, ignoring his Brother's sarcastic remark. Pumayag naman siya so we all headed to his car. ●●● Bwiset. Bwiset talaga. Paano ba naman kasi, ang usapan ihahatid na si Brent sa bahay tapos tutuloy na kami sa date namin. Kaso, Brent said na mabo-bore lang daw siya sa bahay nila kaya sasama na lang daw siya sa amin ni Brian. At ang magaling niyang kuya, Pumayag naman! And instead na pumunta kami do'n sa Italian resto na sinasabi ko, we end up eating sa karinderya sa tapat nung mall na nagtitinda ng ihaw-ihaw, na-miss daw ni Brent yung ganito. And guess what? Pumayag na naman ang kuya niya! Bakit ba ang lakas ni Brent kay Brian?! "Love, okay lang ba na dito tayo? Minsan lang naman kasi umuwi 'tong lokong 'to," He motioned to Brent. "Kaya pinagbigyan ko lang." I nodded. "Oo naman," I faked a smile. "Besides, nagke-crave din naman ako sa ihaw-ihaw ngayon." I lied. Wala talaga ako sa mood kumain ng ihaw-ihaw ngayon because I'm really in the mood for Seafood Marinara Pasta. "Okay, pili lang kami ni Brent ng ipapa-ihaw. What do you want to eat pala?" I just told him to buy me some barbecue, yun lang naman ang alam kong kainin dito since hindi naman ako mahilig sa street food. Namili na sila ng ipapaihaw. Ako naman, naiwan sa table. Maya-maya lang rin, bumalik na sa table namin si Brent. "Do you really need to come with us?" Naiiritang tanong ko kay Brent. Nakakainis kasi talaga siya eh! "Bakit ba? Libre naman ng kuya ko di ba?" Tingnan mo ang angas pa! "Oo nga! But can't you give us this day?" Katwiran ko. Ngayon na nga lang ako babawi kay Brian because of what happened last V-Day. "Eh palagi naman kayong nagde-date eh!" Sasagot pa sana ako nang biglang dumating si Brian. "Here's the food! Oy, bilisan niyong kumain ah? Baka ma-late tayo sa next screening." We just continue to eat in silence, si Brian lang ang dumaldal sa amin. ●●● Pagdating namin sa ticket booth, I offered na ako na ang bumili ng ticket para sa sine since si Brian na ang bumili ng food namin but he disagreed and said na siya na rin daw ang bibili ng ticket. "Ano palang papanoorin natin?" Brent asked, tinuro ko naman sa kanya yung poster ng movie na papanoorin namin. "Ha?! Bakit 'yan, bro? Nahilig ka na rin sa rom-com? Corny 'yan eh." Sabi ni Brent sa kapatid niya. "Brent." Brian said in a threatening voice. 'Yan kasi! Masyado siyang ano eh! "It's okay. Ano ba kasing gusto mong movie, Brent?" I tried to sound nice as I ask him. Though I still sound fake. "Ayan na lang, o." He said refering dun sa isang horror movie na showing din ngayon. Pumayag na lang ako. Baka mamaya kasi, isumbat na naman niya sa akin na kuya niya naman ang gagastos tsaka napanood ko na rin naman yung movie na dapat papanoorin namin. Well, worth it naman yung movie, mahilig din naman kasi ako sa horror pero ang nakakainis lang eh yung namili ng movie! "Hayaan mo na lang si Brent, love. Pagod lang siguro 'yan." Brian said, napansin niya kasing masama ang tingin ko sa kapatid niyang kanina pa humihilik. Oo, natulog ang loko! Sasama-sama pa, matutulog din naman pala! Tsk! "Siguro, dapat pala hinatid muna natin siya so he could rest." At para wala ring istorbo sa atin! Maya-maya, nag-ring ang phone ni Brian, he said na si Tita daw ang tumatawag so he got out of the cinema para kausapin ang Mom niya while me, I was left with this sleeping asshole beside me. I just turned my attention sa movie. Sheez. Naglalakad na yung bida when the lights suddenly turned off. Good thing he has his flashlight but when he opened that, nakakita na siya ng mga foot prints na may dugo. I covered my eyes dahil medyo kinakabahan na ako pero sumisilip pa rin naman ako. Lalo akong natakot when I saw na sinundan pa nung bida yung foot steps na nakita niya. He suddenly stopped when a blood dropped to his hand. He looked up then. . . "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!! s**t!" Kasabay kong sumigaw yung iba pang nanonood nung nagpakita na yung evil spirit dun sa bida. Shit! Parang hindi na maalis sa utak ko yung itsura niya! Sht. Sht. Sht. "Ugh! Ano ba?!" Nagulat naman ako nang sigawan ako ng katabi ko. Teka, tulog si Brent ah? Oh my. . . That's when I realized na nahila ko pala siya then I used the sleeve of his shirt para takpan ang mukha ko! "S-Sorry naman. Nakakatakot kaya!" Nauutal na sabi ko. Nakakatakot din kasi yung tingin sa akin ni Brent. Hala! Baka sapakin ako nito! "Istorbo." Naiiritang bulong niya, he continued to watch the movie too at hindi na natulog. Bakit ganon? Parang bored pa si Brent while watching? Eh ako nga parang gugulong na sa takot eh! "Waaaaaaaaaah!" "The f**k!" Halos sabay kaming napasigaw ni Brent when the evil spirit showed up again. "Love?" Napalingon ako when someone called me, it's Brian. He looked at me intently at dun ko lang napansin na. . . Nakayakap pala ako kay Brent. And he was hugging me back. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD