ONE NIGHT WITH YOU

2504 Words
(ONESHOT STORY) Title: One Night with You Genre: Romance Hawak hawak ko ang kamay niya habang nakatingin kami sa langit. Kasama ng buwan ang mga bituin. Sila ang nagsisilbing palamuti sa langit. Napaka ganda netong pag masdan. "Love!" tawag niya sa'kin. "Yes love?" tugon ko. Kinuha niya 'yung kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya. Nakunot naman 'yung noo ko don. "T-Teka Tristan, Para saan naman 'yan?" pag tataka ko. "Eto 'yung Regalo ko sa'yo ngayong Christmas, Gusto ko bubuksan mo'tong maliit na Box na'to kapag okay kana. Kapag okay na okay na" sabi niya. "Ha? Pero bakit?" pagtataka ko. Ngumiti lang siya sa'kin. Kinuha niya 'yung kamay ko. NapaTingin naman ako sakaniya. "Tara!" aya niya. "Saan naman?" tanong ko. Hindi na siya sumagot at hinatak niya ko papalayo sa kinaUupuan namin kanina. Maraming tao dito. Lahat sila mukhang inaabangan 'yung pagsapit ng pasko a. "Wait mo lang ako rito ha" sabi niya. Habang hinihintay ko siya ay napatingin nalang ako sa langit. "Ano po ba 'yung inaabangan niyo rito?" tanong ko sa isang babae habang nakatutok 'yung camera niya sa langit. "Magandang spot kasi 'to para makuhaan 'yung Shooting Star pero pinaka magandang spot 'yung dun sa taas sa may Moon Rialle kaso antaas hahaha" sabi nung babae. "Love!" napalingon agad ako at andito na kaagad si Tristan may bitbit siyang mga snacks. "Ah sige po ate thankyou po" sabi ko sa babae. Ngumiti lang 'yung babae sa'kin. Hinatak ako ni Tristan papunta sa isang damuhan. Maraming couple den ang narito. May nakalatag na ,na higaan at umupo kami ro'n. "Love alam mo bang mamayang 11:59 dadating 'yung falling star bayun?" sabi ni tristan. "Ah oo nga nabanggit sa'kin 'yun nung babae kanina" sagot ko. "Saka pagkatapos no'n may pa-FireWorks sila rito. Gusto kong makasama kang makita 'yun" sabay tawa niya. "La bakit parang hindi naman totoo na gusto mo'kong makasama? Natatawa kapa e" sabi ko. "Mahal na mahal kita okay?" sabay halik niya sa labi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin pero parang nag iinit ng kaunti ang pisnge ko. Napatingala ako do'n sa langit. Ang ganda talaga! Nag kikinangan ang mga bituwin. Maliwanag ang buwan. Nagulat ako ng biglang may pinunas sa mukha ko si Tristan. Napatingin ako sa kamay niya na may kulay black? Na parang chocolate? Tawa lang siya ng tawa sa'kin. Hinawakan ko 'yung pinunas niya sa mukha ko. "Shocks chocolate?" sambit ko. Natatawa lang siya sa'kin. "Ampanget mo love! Grabi parang kumalat 'yung eyeliner mo" sabay halakhak niya. Agad kong kinuha 'yung salamin. Shocks!Hindi naman Eyeliner 'to e! Kumalat 'yung mascara sa mata ko dahil sa ginawa niya! "Tristann!" naiinis na parang naiiyak ang emosyon ko dahil sa ginawa niya. Tawa parin siya ng tawa. Kinuha ko 'yung Cake at kumuha ren ako ng chocolate dun. Nang mapansin niya na mukhang gaganti ako, Bigla siyang napatakbo. "Hoy baliw ka talaga tristan!" sigaw ko na parang naiiyak sa hiya. Marami ang tumitingin tingin sa'min ni Tristan na mga tao. "Bumalik ka dito Tristan!" sigaw ko pa. "Kailangan mo muna 'kong maabutan" sabay halakhak niya. "Napaka panget ni Aviory, Tignan niyo!" sigaw ni Tristan sa mga tao sabay tawa niya. "Manahimik ka nga Tristan!" saway ko. "Psh! amPanget ni Aviory!" sigaw niya pa. "Shut up!" saway ko pa. Panay parin ang habol ko sakaniya at nag patuloy lang ang pang aasar niya sa'kin dahil alam niyang pikunin talaga 'ko. Mabilis talagang tumakbo si Tristan kaya hindi ko siya naabutan. NapaUpo nalang ako sa damuhan sa sobrang pagod sa kaka-Habol sakaniya. Nang nakita niyang napaUpo na'ko ay agad niya 'kong nilapitan at tinabihan. "Akala ko ba kaya mo'kong habulin?" sabay halakhak niya. "Shut up! I'm tired okay?" pag susungit ko. Tumawa lang siya saka bigla akong niyakap. "Ikaw, Napaka pikunin mo talaga!" tumawa muna siya bago halikan 'yung noo ko. "H'wag kana kasing maging pikunin para hindi na kita aasarin lagi!" he said. "Psh" i just rolled my eyes. "H'wag kana mag sungit jan! Tara!" hinatak niya nanaman ako sa kung saan. "Saan nanaman ba tayo pupunta Tristan?" i asked. "Basta!" he said. Malapit na kami sa may mga nag sasayawan. Malakas ang tugtog halos lahat ay umiindak. "Hey Tristan! Are you sure? You know that i'm not good at dancing, right?" i said. "So what? Atleast you can dance kaso para ka ngalang kawayan kapag sumayaw" pang aasar niya. "Ayoko dito please nakakahiya!" pagpupumilit ko sakaniya na umalis na kami dito. Hinarap niya 'konat hinawakan niya ang mukha ko. "Hey love H'wag kang mahiya sakanila no! Kasama mo'ko 'di ba? Hindi naman kita pababayaan no! Sasayaw lang tayo walang masamang mangyayari, Kahit para kapang kawayan sumayaw, Wala silang pake!" natawa pa siya habang sinusubukan na pataasin ang confidence ko. Ngumiti ako sakaniya. Alam niyang mejo natanggal niya na ang hiya ko kaya hinatak niya 'ko papunta sa gitna para mag sayaw kami. Maganda ang tugtog kaya hindi ko narin napigilan na hindi sumayaw. Habang sumasayaw kami ay may iilang babae na sinasapawan ako kay Tristan. Pilit nilang hinaharangan si Tristan sa'kin. "Hey Baby, Can you be my Jasmine?" tanong nung babae kay Tristan. Maganda 'yung babae ,Lamang siya sa'kin. Sobrang pula nung labi. Maikli sobra 'yung palda niya saka naka Sando siya na pang Sexy talaga. "Jasmine?" pagtataka ni Tristan. Naririnig ko lang 'yung usapan nila. Hinarangan na kasi ako nung babae. "Jasmine without Jas" sabi nung babae kay Tristan sabay haplos nung babae sa leeg papuntang balikat ni Tristan. "Sorry baby, May girlfriend na'ko" he smiled sweetly. Hinawakan ni Tristan 'yung kamay ko. "She's my Girlfriend, She's prettier than you baby. I love her" ngumisi si Tristan sa babae sabay kumindat. 'Yung masayang mukha nung babae kanina, Napalitan ng inis. Tinarayan lang ako nung babae bago umalis. Hinatak ko si Tristan sa walang masyadong tao. "Ipinagyabang mo nga 'ko pero 'yang pagiging babaero mo hindi nawala may pa-Baby baby ka pa dun sa babae tapos kumindat kapa sakaniya psh!" inis na inis kong sabi sakaniya. "Tinawag ko lang siyang Baby pero ikaw parin 'yung Love ko!" pangbobola niya. "Psh, Bulok!" basag ko. Tumawa lang siya. "I love you Aviory!" sigaw niya. "Psh manahimik ka nga!" sita ko. Nilingon niya 'ko "i love you Aviory!" he sweetly smiled at me. "Psh nambobola ka lang, Bulok Tristan!" i rolled my eyes at him. Natawa siya sa naging reaksyon ko. Inakbayan niya'ko saka nag lakad na kami. "I love you! Ilove you! I love you! I love you!" inulit ulit niya pa sa'kin sabay halik sa pisnge. Kahit may kilig ako'ng nararamdaman ay itinago ko lang 'yun dahil ayaw kong umabuso siya na kapag galit ako unting lambing niya lang okay na. Pumunta kami sa isang Park dito. "Uy love tignan mo oh angganda! Pwedeng pang Couple naten. " sabay turo ko dun sa isang Silver na Relo. Hindi kumibo si Tristan. Moon Rialle 'yung tatak nung wrist watch. "Ate legit po ba na silver 'to?" tanong ko dun sa tindera. "Ah yes po ma'am! 'Yan po 'yung pinaka magandang wrist watch dito" sabi nung tindera. "We hindi nga?" pagbibiro ko. "Char lang! Ang ganda! Lalo na 'yung diamonds na nakapalibot, Cute!" puri ko sa relo. "Thankyou miss a" sabi ni tristan sa babae. Hinila na'ko ni Tristan palayo dun sa Store. "Hala oy Tristan! Andali lang! Bibili nga 'ko ng pang Couple naten e!" i said. "Ayaw ko nun!" he said. "E ano naman? Edi bibilhan ko nalang sarili ko! Ganda kaya!" i said. "H'wag na!" tristan. "Tristan tignan mo! May Carousel dun" sabay turo dun sa malaking carousel. "Ano bayan! Pang bata 'yan e" reklamo niya. "Masaya jan!" sabi ko sakaniya. "Sige na nga! Gusto mo e" halatang pilit lang siya. Inalalayan niya'ko sa pagsakay sa carousel. Kaunti lang ang mga tao dito dahil lahat sila nakaAbang dun sa pag sapit ng Pasko. "Wooh!" sigaw ko habang umiikot ikot kami sakay ng carousel. "Hey aviory para kang bata!" mahina ang boses niya ng sitahin niya 'ko. "Akala ko ba sabi mo h'wag akong mahihiya kasi kasama kita?" nakangiti ko sakaniyang ipinaalala. Imbis na mainis o magalit siya sa'kin ay sinabayan niya 'ko sa pag hiyaw. Para kaming bata na ngayon lang naka sakay sa carousel. "Wooh! Ansaya!" sigaw namin. Kahit may mga taong nag titinginan sa'min at wala kaming pake. Hinawakan niya 'yung kamay ko. Nasa kalapit na kabayo ko lang kasi siya. Itinaas niya 'yung kamay namin. Itinaas niya pa 'yung isa niyang kamay kaya ginaya ko siya saka sumigaw siya na parang bata. Sinasabayan niya lang ako sa kung ano'ng trip ko hindi niya na 'ko sinisita. Pabalik na kami sa pinaka magandang pwesto para makita 'yung shooting star saka sabay naming salubungin 'yung pasko. "Uy teka love sa'n tayo papunta?" i asked him. "Sa Moon Rialle ,Love" he answered. "Ay maganda nga daw dun love! Sabi nung babae 'yun daw talaga pinaka magandang pwesto para makita 'yung shooting star" i said. Mataas tass ang inakyat namin. Mejo mahaba 'yung hagdan na inakyat namin jusmiyo nakakapagod! "Love angganda pala dito sa Moon Rialle no! Tanaw na tanaw lahat ng mga nasa baba tapos 'yung mga bahay saka mga building ang cute tignan dito" manghang mangha kong sinabi sakaniya. "First time mo lang ba dito love?" he asked me. "Dito sa Moon Rialle? Oo!" i answered. Ngumiti lang siya sa'kin. "Tara na bumaba na tayo 12:58 na!" sabi nung babae sa kasama niya. Umalis na nga silang dalawa kaya kami nalnag ni Tristan 'yung naiwan dito. Ang ganda ng langit sobra. Gandang pag masdan. "Love, Hindi mo na 'ko iiwan ulit 'di ba?" nahihiya pero lakas loob kong itinanong sakaniya. Hindi niya 'ko nililingon. Nakatingin parin siya sa langit. "L-Love..." tawag ko sakaniya. Sa wakas ay nakuha ko naren ang atensyon niya. Lumingon siya sa'kin na pawang inosente. Unti unting nag kakaroon ng matamis na ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makatingin sakaniya ng diretso. Dahan dahan lang ang pag tanggal niya sa iilang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. "Love, Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita!" pawang naglalambing ang boses niya. Magkalapit na magkalapit na ang mukha namin sa isa't isa. "Love please! ,answer me" mangilid-ngilid na ang mga luha sa mata ko. Inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin. At dahan dahang lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi na napigilan ng luha ko na hindi bumuhos. Niyakap ko siya ng napakahigpit dahil ayaw kong umalis siya. Ayaw kong mawala siya ulit sa'kin. Ang kamay niya ay bumaba patungong likod ko upang mahigpit na yakapin den ako. Ang mga yakap niya na laging nag papagaan ng loob ko kapag napapaaway ako o kung masama ang loob ko. Siya lang ang may kayang kontrolin ako. "Aviory mylove.." malamig na tawag niya. Kumawala siya sa mahigpit naming pag yayakapan. "Love?" pagtataka ko sa ikinikilos niya. "Aviory, Lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita! Lagi lang ako'ng nandito sa tabi mo, Lagi kitang babantayan. Oras na aviory to say goodb—" kahit namamaos maos na ang boses niya pinilit niyang maging malambing parin. Hindi ko siya pinatapos pa sa pagsasalita at agad kong tinakpan ng kamay ko ang bunganga niya. "Don't say that Tristan!" i shouted with falling tears. Inalis ko ang kamay ko sa bibig niya at muling niyakap siya ng napaka higpit. Nag patuloy ang pag buhos ng luha ko. Gumanti siya ng yakap saakin. "Tristan please don't leave me!" pag mamaka-awa ko. "Tristan please!" pag pupumilit ko sakaniya. "Ayaw kong iwan ka Aviory pero kailangan. Oras na." malamig ang namamaos niya boses. "Ipangako mo sa'kin na hindi mo'ko iiwan please! Trista please!" sigaw ko. Pumipiyok piyok na 'ko dahil sa pag mamakaawa kong h'wag niya 'kong iiwan. "Tristan please!" sigaw ko habang humahagulgol parin. Kumawala ako sa pag kakayakap namin at hinalikan ko siya. Habang patuloy na bumabagsak ang luha ko habang mag kalapat ang mga labi naming dalawa ay nag sisimula nang maglaho si Tristan. Lalong bumuhos ang luha ko habang palala ng palala ang pag lalaho ni Tristan. "I love you Aviory" huling nasambit ni tristan bago pa siya tuluyang maglaho. "Bakit ang bilis? Kahit isang minuto pa please! Gusto ko siyang makasama!" sigaw ko habang patuloy ang paghagulgol. "Tristannnn!" sigaw ko sa pangalan niya habang patuloy ang pag hagulgol. "Aviory! Aviory!" Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. "Iha bakit ka umiiyak?" tanong sa'kin ng mama ni tristan. "Tita.." may iilan ilang luha parin ang bumabagsak na galing sa mga mata ko. "Bakit 'nak?" tanong niya sa'kin na tila ba'y nag tataka. "Si Tristan.." sambit ko. Napatigil si tita sa pag haplos ng buhok ko at parang nagulat siya sa sinabi ko. Napa ngiti ako na parang wala sa sarili sabay punas ng luha. "Nakasama ko po siya bago magsapit ang pasko, 'Yung hinihiling ko na makasama siya ulit bago sumapit ang pasko.." paliwanag ko kay tita na may halong tuwa sa tono ko. "Natupad" dugtong ko. Nakangiti ako habang nag kekwento sakaniya ng nangyari sa'min ni Tristan no'ng gabi na sinamahan niya 'ko. "Ohsha sha pinapaiyak mo'ko e! Pero masaya 'ko na kahit nasa langit na siya naisip ka parin niyang dalawin kahit sa panaginip mo! Osha, Halikana Noche Buena na!" aya sa'kin ni tita. "Susunod po ako, Saglit lang po" sagot ko. Kahit na maaga siyang kinuha sa'kin. I'm still thankful dahil nakasama ko siya bago sumapit ang pasko. Naalala ko bigla 'yung araw ng aksidente. 'Yun 'yung araw na hinding hindi ko malilimutan. Pasko ren ng mawala siya sa'kin. Pauwi na kami, Motor lang ang sasakyan na sakay namin no'n. Kakatapos lang umulan nun saka kami bumyahe pauwi. "Bagalan mo lang 'yung takbo ng sasakyan! Baka madisgrasya tayo!" saway ko sakaniya. "Hindi 'yan!" pagyayabang niya. Malayo layo na kami nun at malapit ng makauwi kaso sa hindi inaasahan ay may pusang biglang tumawid. Mahilig sa pusa si Tristan kaya iniwasan niya 'yun. Ayaw niyang mamatay 'yun. Sa dulas ng daan ay bumangga kami sa barrier. Tumilapon kaming dalawa. Mas maayos ang nabagsakan ko kesa sakaniya. Mabato ang nabagsakan niya. Ako lang ang may helmet nung mga oras na 'yun. Pinipilit ko na sakaniya nalang 'yun kasi siya ang driver. Pero ayaw niya kasi kung sakali daw na may mangyari e ayaw niyang mawala ako. Pero ayaw ko ren na mawala siya. Mahal ba mahal ko siya. Hindi napigilan ng luha ko na hindi tumulo dahil sa ala-ala'ng 'yun. Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa ilalim ng unan ko. May maliit na box dun. Pamilyar 'to.. Teka, Heto 'yung binigay sa'kin ni Tristan ah? Pero sa panaginip ko lang 'yun. Binuksan ko 'yung box at bumungad sa'kin ang Silver Wrist Watch na gusto kong ipang-Couple namin ni Tristan. Moon Rialle. Tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Pero mas maganda sana kung siya parin 'yung kasama ko ngayon. Thank god dahil pinayagan niyang magkita uli kami ni Tristan kahit na sa panaginip lang 'yun. "Iloveyoutoo Tristan" i whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD