"Himala at nag-aya ka," natatawang sagot ni Becca sa'kin. I took a deep breath bago pinag-isipang mabuti kung itutuloy ko ba o hindi. But my mind was really sure. Napakaboring rin naman sa bahay lalo pa't nandun si Craig. For sure, magbabardagulan lang kaming dalawa dun'. Kaya mas mabuti naring lumabas ako minsan kasama nina Becca at Ariana upang magsaya. "Tumatanda na tayo, kailangan na nating makahanap ng taong hindi tayo paghihintayin ng matagal!" utas ko. "Bakit pakiramdam ko, si Zacheo ang pinapatamaan mo?" "He's not!" "Bakit defensive ka? Totoo ba?" "Hindi nga kasi! Ayoko lang tumandang walang dilig!" "I felt something weird eh—" "Tumahimik ka na nga lang d'yan at tawagan mo si Ariana para ready to go na tayo." Binaba ko agad ang tawag baka kung saan pa mapadpad ang us

