"Hindi ako makakasama," paalala ng binata. Umirap naman ako at nilingon siya sa kama niya habang siya ay nagbabasa ng script. "As always," suplada kong giit. Ibinalik ko muli ang atensyon sa pag-aayos ng tumabinging damit ni Zeal. Ang likot-likot kasi eh kaya paulit-ulit ko ring inaayos. "Tampo?" He scoffed. "Pwede mo namang iwan sa'kin ang kambal para hindi ka na mahirapan pa." "Iiwan ko naman talaga." Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko upang magbihis. Kanina pa ako naligo at nagbihis lang ako ng pambahay dahil ang sabi ni Craig nasira ang kotse niya kaya kay Uriel niya na muna ako pasasabayin. Ang usapan namin ni Uriel ay 9:30 dapat nasa parking lot na ako dahil doon siya maghihintay ngunit ng masulyapan ko ang digital clock, mag-aalas dyes na. Tumungo agad ako sa walk-in-c

