"Hmm?" "Wala." Mabilis niyang tugon sa'kin. Sinilip ko siya sa kama habang shinake ko ang nursing bottle ni Zhane. Siya naman ay pinadede na si Zeal at tinatapik-tapik ito sa paa. "Bukas uuwi na muna ako..." I trailed off. Lumapit ako sa nakahigang si Zhane katabi ni Zeal at iniabot ang nursing bottle upang maka-inom na s'ya ng gatas. Mabilis naman iyong tinanggap ng bata at dumede na. Pagkatapos ay tinabihan ko siya sa paghiga sa kama at tinapik-tapik rin ang paa niya upang makatulog na agad. "Bakit?" "Isasama raw ako ni Craig sa Mindanao," sagot ko naman. "Mindanao?!" Napa-igtad siya sa pagkaka-upo at mabilis akong hinarap. Tumango ako. "You knew Jake?" "Who's that?" Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya. "Your stepbrother." "Yeah of course! Pero... what's with him?"

