"Kuya, gising na. Maligo ka na aalis na tayo---" Pinilit kong idilat ang mga mata ko na pakiramdam ko ay kapipikit lang. "1 pm na." Napabalikwas ako ng bangon. "Ha? Akala ko ba two hours ka lang maliligo at magbibihis?" "Ang sarap kasi ng tulog mo nakanganga ka pa. Hinayaan ko na lang muna na makatulog ka. Kaso 1 pm na nagugutom na 'ko. Maligo at bihis ka na para alis na tayo--" "Anong ginawa mo habang naghihintay kang magising ako?" "Naglinis ng bahay. Nakaligo at bihis na nga ako ulit." "Sana ginising mo na lang ako--" Bigla akong na-guilty dahil nag-iba ang plano nang makatulog ako. "Hindi naman aalis 'yang shopping district. Pwede 'yan kahit ngayong hapon. Ano? Dalian mo na, ha. Katukin kita after thirty minutes." "Sige." Alam ng kapatid ko na mabilis akong maligo at magbihi

