Alyannah 's POV...
Ang hapon ay papalubog na, humahawi sa kalangitan ang mga kulay kahel, lila, at rosas. Magkahawak-kamay na naglalakad sina Alyannah at Lucho pauwi sa kanilang munting tahanan. Tahimik ang kalsada, tanging mga huni ng ibon at ang padyak ng kanilang mga paa ang maririnig. Hawak ni Lucho ang kanyang lobong binili kanina sa parke, habang si Alyannah naman ay bitbit ang kanilang pinamili sa palengke.
Biglang bumitaw si Lucho sa kamay ni Alyannah at tumigil sa paglalakad. Nagtataka naman si Alyannah at lumingon sa anak.
"Mi?" Ang boses ni Lucho ay tila may pag-aalangan.
"Bakit anak? May problema ba?" Lumapit si Alyannah sa anak at hinawakan ang balikat nito.
"Mi… ano po ba ang tatay?" Ang tanong ni Caleb ay biglang nagpabigat sa puso ni Alyannah.
Lalo na nang tingnan sya nang kayang anak sa mata, kita sa mata nito ang lungkot sa di mawaring kadahilanan.
Parang piniga ang kanyang puso nang makita ang emosyon sa mata ng anak.
Sandaling natahimik si Alyannah. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa anak. Alam niyang darating ang araw na ito, pero hindi niya inakalang ganito kaaga.
"Anak… ang tatay ay… isang lalaki… isang lalaking nagmamahal sa iyo… Isang taong naandiyan para sa iyo, para protektahan ka, alagaan ka…" Nauutal na sagot ni Alyannah.
"Katulad po ba ng tatay ng mga kaklase ko?" Tanong ni Lucho.
Nagulat si Alyannah sa sinabi ng anak, siguro ay sa mga kaklase nito narinig ang salitang ama.
"Oo anak… katulad ng tatay ng mga kaklase mo," sagot ni Alyannah.
"Mi… bakit po ako walang tatay?" Ang tanong na iyon ay sumaksak sa puso ni Alyannah. Napayuko siya at niyakap ang anak.
"Anak… mahal na mahal ka ni Nanay. Sapat na ako sa iyo. Ako ang tatay, ... at .. ako rin ang nanay mo," sabi ni Alyannah habang pinipigilang umiyak.
"Pero Mii… iba po kasi… Kanina po kasi… pinagmamayabang ng mga kaklase ko na may mga tatay sila. Tapos tinanong nila ako kung nasaan daw ang tatay ko. Sabi ko po, nasa langit. Tapos sabi nila, hindi daw totoo. Sabi nila, bakit daw hindi ako sinusundo ng tatay ko sa school? Bakit daw hindi ko kasama ang tatay ko sa playground?" ang mga salitang iyon ni Lucho ay parang isang patalim na humiwa sa puso ni Alyannah.
"Anak… huwag kang makinig sa kanila. Mahal na mahal ka ni Nanay. At nandito lang ako palagi para sa iyo. Hindi kita iiwan," sabi ni Alyannah habang hinahaplos ang buhok ng anak.
"Pero Mii… gusto ko rin po ng tatay… Gusto ko rin pong maranasan na may tatay na naglalaro sa akin, nagtuturo sa akin magbisikleta, nagdadala sa akin sa mga amusement park…" Naiiyak na sabi ni Lucho.
Naramdaman ni Alyannah ang sakit na nararamdaman ng anak. Parang pinagbagsakan sya ng langit at lupa.
Ayaw nyang iparamdam sa anak nya na may kulang, ayaw man nya na lumaki itong di kompleto ang pamilya. Pero mas pipiliin niyang siya nalang ang tumayo bilang ama at ina nito kaysa naman bigyan ito nang Oo isang buong pamilya pero hindi naman nagmanahalan ang ama at ina.
Alam niyang hindi niya mapapalitan ang presensya ng isang ama, pero susubukan niya ang lahat para punan ang kakulangan na iyon.
"Anak… pangako ko sa iyo… susubukan kong maging tatay at nanay sa iyo. Maglalaro ako sa iyo, tuturuan kitang magbisikleta, dadalhin kita sa mga amusement park… Lahat ng gusto mong gawin kasama ang isang tatay, gagawin natin. Okay ba iyon?" Sabi ni Alyannah
habang nakatingin sa mga mata ng anak.
Tumango si Lucho at ngumiti. "Okay po Mii."
Muli niyang hinaplos ang Mukha nang anak na puno ng pagmamahal.
Lucho anak, di man kita kayang bigyan ng isang marangyang pamumuhay at ama. Pero ibubuhos ko naman sayo ang lahat nang klase ng pagmamahal na alam ko, pag intindi at buong atensyon ibibigay ko saiyo anak. Ayukong lumaki kang nararamdamang may kulang sayo. Buong ko, ibibigay ko saiyo anak ko. Mapasaya kalang.
"Sige anak… tara na, uwi na tayo. Magluluto ako ng paborito mong adobo," sabi ni Alyannah at hinawakan ulit ang kamay ng anak.
Habang naglalakad sila pauwi, naisip ni Alyannah ang mga nangyari. Alam niyang hindi madali ang magpalaki ng anak nang mag-isa, pero gagawin niya ang lahat para sa anak niya. Kahit kailangan niyang maging tatay at nanay, gagawin niya. Para lang sa kaligayahan ni Lucho.
Nang makarating sila sa bahay, agad na nagtungo si Alyannah sa kusina para magluto. Habang si Lucho naman ay naglalaro sa sala. Habang nagluluto, biglang may kumatok sa pinto.
"Sino kaya ito?" Tanong ni Alyannah sa sarili.
Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang kanyang pinsan na si Angela.
"Angela! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Alyannah.
"Naku, dinalaw lang kita. Nakita ko kasi si Lucho sa park kanina, mukhang malungkot. Kaya naisip kong dalawin kayo," sabi ni Angela.
"Naku, napakabait mo talaga," sabi ni Alyannah.
"Tara, pasok ka. Nagluluto ako ng adobo, sakto pang hapunan," sabi ni Alyannah.
Pumasok si Angela at umupo sa sala. Maya-maya lang ay lumabas na rin si Lucho.
"Tita Angela!" Masayang bati ni Lucho.
"Hello Lucho! Ang gwapo naman, ng bata na ito!" bati ni Angela sa bata.
"Mii, pwede po ba si Tita Angela magdinner dito?" Tanong ni Lucho.
"Oo naman anak, sige," sagot ni Alyannah.
Nang matapos magluto si Alyannah, magkakasama na silang kumain. Masaya silang nagkwentuhan at nagtawanan. Nakita ni Alyannah na masaya ang anak niya. Sa gabing iyon, naramdaman ni Alyannah na hindi siya nag-iisa. May mga kaibigan at pamilya siya na handang tumulong sa kanya. At higit sa lahat, may Lucho siya. Ang anak na nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon para magpatuloy sa buhay.