Chapter 36 Natalie POV MAAGA pa kinabukasan ay bumangon na ako. Magkahalog excitement at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Excitement dahil may trabaho na ako. Pangamba dahil kay Amery. Kaya bumuo ako nang desisyon na kay Brad ako magtatatrabaho, maganda na ang umiwas kaysa madala ako sa tukso. Isang dark gray na ternong palda na lampas–tuhod ang haba at blazer ang napili kong isuot. Na may pares na three inches high heels. Its really fits me, bagay naman sa'kin. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok, hindi ko na rin inabala ang sarili na magmake up dahil wala ako 'nun. Namilog ang mga mata ni Amelia ng makita ako. "Wow, mama! You are so pretty today!" papuri ni Amelia sa'kin nang mabungaran ko sila sa kusina. Amused na nakatitig sa'kin ang bata, lumapit sa'kin at inikot

