Chapter 46 Natalie POV TUWANG–TUWA ako habang pinagmamasdan ang mag–ama kong naghaharutan dito sa salas. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mangilid ang mga luha ko sa aking mga mata, sobrang saya ko at sa wakas buo na ang pamilya namin. Ang kasiyahan ng aking anak na makita at makasama ang ama nitong taon ding hindi nakita ay walang mapaglagyan 'yan. Pinahid ko ang mga luha ko at nagtuloy ako sa kusina upang maghain ng aming hapunan. Tiyak akong marami nang magbabago sa nakasanayang gawin ni Amelia ngayong alam na niya ang kanyang ama. "Mama, p'wede ba kaming mamasyal ng Papa bukas?" tanong ni Amelia nang nasa hapag–kainan kami. Ang dami niyang k'wento na kung anu–ano sa kanyang ama. Ngumiti ako sa bata at nagtama ang mga mata namin ni Amery. "Saan mo balak ipasyal ang Papa?" T

