Chapter 31 Natalie POV "G–GOOD morning, Sir..." Hindi ko mapigilang mag–stammer. Nanatiling nakayuko si Amery nakakunot ang noong nakatitig sa mga papel na nasa harapan niya. "Please, sit down , Miss," sabi sa'kin nang babaeng nakatayo sa tabi niya sabay turo sa visitor chair na nasa likuran ko. May tatlong babae pang naunang nakaupo dito. Kinakabahan akong naupo sa tabi nila, panay ang lunok ko. Ganoon na lang ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang dapat gawin, ang layuan siya? O ang alamin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Kung bakit hindi n'ya ako maalala? Makalipas pa ang ilang segundo ay sa wakas humarap din ang lalaki sa'min. Nagsalimbayan ang katakot–takot na kaba sa aking dibdib na lumukob sa aking pagkatao. Sa kabila ng iritasy

