Frances P.O.V.
"Seriously Frances, how do you feel na malapit na bumalik si Migs?" tanong ng bff ko na si Amanda habang inaayos ang buhok nito sa harap ng salamin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng comfort room.
Nagpaalam muna kami sa teacher namin, sobra nakakabore na kasi sa klase. Lets just say ....Math lang naman ang least favorite subject naming dalawa ng bestfriend ko.
Saglit akong natigilan habang naglalagay ng strawberry flavored lip gloss at tumingin ako sa kanya mula sa reflection ng salamin.
"Honestly, hindi ko alam ang dapat ko maramdaman, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot..." matamlay na sagot ko.
Muli ay bumalik ang alaala ng huli naming pagkikita ni Migs.
-Flashback-
"France, para sa'yo din naman to. Ayoko matali ka sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung kailan o babalik pa ba kami dito sa lugar natin.." malungkot na sabi ni Migs habang nakahawak sa kamay ko. Bakas sa itsura nya ang labis na lungkot at halatang naghihirap din ang kalooban.
Nakaupo kami sa labas sila ng bahay namin, sa may swing sa ilalim ng malaking puno. Tatlong araw na lang at aalis na ang pamilya nila Migs papuntang New york.
Halos maiyak iyak ako sa narinig. "No Migs! Sabihin mo nagbibiro ka lang!" masagang luha ang dumaloy sa pisngi ko.
We were both 15 during that time at 1st time lang namin magkakahiwalay sa buong buhay namin. Sanay ako na nandyan lagi si Migs pag kailangan ko...inaaliw ako kapag malungkot ako at tagapagtanggol sa mga nang aaway sa akin.
Kaya hindi ko malaman ang gagawin sa idea na aalis na siya ng tuluyan.
"I'm serious France.." si Migs lang ang inaallow ko na tawagin ako sa nick name na France, not even my friends, let alone my bestfriend Amanda..Si Migs lang ang may pahintulot ako,si Migs na mahal na mahal ko.
Tumalikod ang binata habang nakakuyom ang palad saka muling nagsalita "Ayokong.... " napabuntong hininga muna sya bago nagpatuloy "ayokong... matali ka sa akin, gusto ko maging malaya ka sa mga bagay na gusto mong gawin ng walang pumipigil sa'yo.." nakatungo ang ulo nito habang nagsasalita. Ramdam ko ang lungkot sa boses nya.
Tahimik pa din akong lumuluha, nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha habang humihikbi. Naiintindihan ko naman ang gusto iparating ni Migs, pero nasasaktan pa din ako...hindi ba pwede itry muna nila ang long distance relationship bago sya sumuko?
Hindi yun igigive up lang nya ng ganun ang lahat ng pinagsamahan nila.
Ang hina mo naman Migs! sigaw ng isip ko. Ang hina mo to give up on us without even fighting!!
Napalitan ng galit ang lungkot na nararamdaman ko kanina "I hate you Migs, I Hate you! Ayoko na sayo, ayokong makita ka pa!" nagbabaga sa galit ang mata ko, nababanaag ang sama ng loob.
Halatang nagulat si Migs sa narinig nya. Natulala lang sya napatingin sa akin, marahil ay hindi nya inasahan na sasabihin ko yun sa kanya.
Mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng bahay at nagkulong sa kwarto ko. Kinakatok ni Migs ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko na iyon pinansin...
Yun na ang huling araw na nakita kami ni Migs Fuentebella.
Bumalik ulit si Migs ng papunta na sila ng airport pero hindi ko na sya nilabas. Alam ko kasing masasaktan lang akong makita syang umalis.
Ilang araw din ako nagkulong sa kwarto. Hinahatiran lang ako ng pagkain ng kasambahay namin.
Maging ang mga magulang ko ay hindi na ako pinilit at inintindi na lang ang nararamdaman nya. Pagkatapos ng araw na yun ay wala na ako naging balita kay Migs..hanggang sa ngayon na lang ulit.
-End of flashback-
Pagkatapos ng pangyayari na yun ay alam ko na nag iba na ang paguugali ko, naging masungit ako, mainitin ang ulo at hindi na palakaibigan. I became cold hearted and distant .
Ang grupo ng mga kaibigan ko ngayon ay nakilala ko lang dahil kay Amanda, si Amanda ay nakilala ko pa noong mga bata pa kami, we stuck with each other dahil sa tingin namin ay kaming 6 ang dapat magsama sama dahil sa mga pareho naming estado ng pamumuhay at hindi dahil sa anupaman.
Ayaw ko na ulit maranasan ang sakit na naramdaman ko dati, ang sakit ng iniwan ka ng taong mahal mo.
Hindi ko na din nya sinubukan magboyfriend ulit, siguro ay si Migs pa din ang nilalaman ng puso ko kaya hindi ko magawang magmahal ng iba.
"Frances?" pukaw ni Amanda habang nag aalalang nakatingin sa akin.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pla ang luha ko nang manumbalik ang masakit na alaala na iniwan ng pag alis ng unang lalaking minahal ko. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at saka nagsabing...
"I want him back Amanda.....I'll take him back no mattter what!" puno ng determinasyon ang aking mga mata.
"I don't know what to say, but if you still love him, I understand.." sagot ng bestfriend ko. Alam ko ang pagaalala nararamdaman nya kasi saksi sya sa pagiging empty ng buhay ko dahil sa masakit na bahagi na yun sa buhay ko. Malaking puwang talaga ang nawala dahil sa pag alis ni Migs.
Nang makabalik na ulit sila sa loob ng klase ay tahimik na umupo lang kami naupo. Nagkatinginan ang apat pa naming kaibigan dahil sa pagtataka, halata kasi sa mata ko na kakatapos ko lang umiyak dahil medyo namumugto pa ang mata ko.
Nagkibit balikat lang si Amanda, at sumenyas na na saka na lng nila pag usapan pagkatapos ng klase, tumango na lang ang apat.
Wala sa klase ang isip ko,blangkong nakatingin lang ako sa labas ng bintana.. minamasdan ang mag estudyanteng nagdaraan.
Nang biglang...
Tok! Tok!
Lumabas saglit ang guro namin para tignan kung sino ang kumakatok sa pintuan. Pagbalik nya, may kasama na sya matangkad na lalaki.
Pinagmasdan ko ang lalaki na pumasok. Mohawk ang gupit ng buhok nito, nakatshirt na pula na may bandila ng America, malaki din ang pangagatawan. Halatang banat sa sport, may sukbit din ito na itim na backpack.
Nang tinitigan ko yun mukha nya ay narealize ko na napakafamiliar...tapos parang light bulb na na umilaw ang utak ko.
Could it be??...it couldn't. Ibang iba kasi and itsura ng lalaking nasa unahan.
Maya maya pa ngumiti ng matamis sa buong klase ang lalake.
Kinilig ang mga babaeng kaklase nya at yun iba nagbulong bulungan.
Umingay tuloy bigla sa klase.
Ang mga ngiti na yun..ang nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Pinagpawisan ako ng malamig. Isa lang ang nasa isip ko..
Si Migs....
Parang may hinahanap ang mga mata ng lalaki, nang makita ang kinyang hinahanap .. Ngumiti ulit ito ng mas matamis.
Natigilan ako.. tila biglang namiss ko ang ngiti na yun, yun ngiti na alam ko na sa akin lang ibinibigay ni Migs.
Nang mahimasmasan ako, saka gumanti ako ng ngiti. Ayaw ko isipin ni Migs na suplada na ako ngayon.
Dahil nga nagkakaroon na ng kaguluhan, umiksena na si teacher. "Class quite!" malakas na sigaw nito.
Nasira pa tuloy ang titigan moment namin ni Migs.
Pero sa halip na tumahimik mas lalo pa naging maingay ang klase.
Nainis na ako lalo na at nasira ang "moment" naming dalawa ni Migs, sa asar ko ay bigla ako napasigaw ng-
"Shut up everyone!"
....biglang natahimik ang lahat.
"Thank you Ms.Montejar." tumango sa akin si teacher bilang pasasalamat.
"Class this is Mr. Miguel Fuentebella, he will join us starting today. He already attended Brentwood high 2 years ago, kaya I'm sure some of you kilala na sya.." pagpapakilala nito.
"Ok Mr. Fuentebella, you may take your seat at the back."
Mabilis na naglakad si Migs papunta ng bakanteng upuan. Pero all that time ay hindi nya inaalis nito ang pagkakatitig kay sa akin. Marahil ay napansin din nya ang malaking pagbabago sa akin. Mas humaba na ang buhok ko, mas nagkahubog na ang katawan ko ..mas lalong gumanda.
Naconscious tuloy ako. Since sa unahan ako nakaupo, kahit hindi ako lumingon alam na alam ko nakatitig si Migs, pinagmamasdan ako.
Ilang beses tuloy nahulog ang ballpen ko sa tensyon na nararamdaman. Hinihiling ko na sana matapos na ang klase namin.
Nang magring na ang bell, nagmamadali pinasok ko ang mga gamit sa bag ko saka tumayo. Hinila ko si Amanda na nagulat din sa pagmamadali ko.
Paano naman, hindi ko alam paano kung pakikiharapan si Migs. Magkahalong tuwa at hiya ang nararamdaman ko. Naalala ko din yung time na umalis na sya at hindi ko talaga sya nilabas. Baka kasi nagtampo sya sa akin dahil doon, nahihiya ako sa inasal ko.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na papalapit si Migs.. kaya mas binilisan ko pa ang kilos ko.
Nakalabas na kami ng classroom, halos kaladkarin ko na si Amanda. May pagtatakang tinignan kami ng mga nabubundol naming estudyante pero wala akong pakiaalam.
Gusto ko lang makalayo sa lugar na yon.... makalayo kay Migs. Hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Hindi pa ako prepared.
"Slow down Frances." sabi ni Amanda at alam kong alam nya ang dahilan ng pagiging tuliro ko.
Saglit akong tumigil sa paglalakad nang matiyak ko na walang sumusunod sa amin. Hinila ko si amanda sa isang bakanteng classroom.
"Did you see him? Ang laki ng pinagbago nya." Nanghihinang pahayag ko, napasandal ako sa pintuan. Hindi pa din normal ang t***k ng puso ko hanggang ngayon.
"Of course...i'm not blind Frances. Mas gwapo siya ngayon.." nakataas pa isang kilay nyang sabi.
Nang makabawi na saka ako nag isip. Ramdam ko pa din sa sarili ko na mahal ko pa din si Migs.
Nang makita ko si Migs, mas lalong tumindi ang pagnanasa ko na magkabalikan kaming dalawa.
"Now he's already here, magiging akin ulit sya. I can feel na mahal pa din nya ako." I said while smirking.
"Good. So what are we waiting for? Let's go and get your man back." sagot ng bestfriend ko sabay hila nya sa akin palabas ng classroom.
I couldn't wait to be with him again..