Frances P.O.V.
"Is there anything that you need??" masungit na tanong ko kay Nathalie. Napapansin ko lagi nya sinisira ang moment namin ni Louise at hindi na ako natutuwa.
"Ahh wala naman, sorry kung naistorbo ko kayo." parang wala lang na sabi nya bago naglakad pabalik sa resthouse.
"Ano problema ng friend mo? " baling ko kay Louise na noon ay tahimik lang na nakatayo.
"Ewan ko dun, hayaan mo na yun. Tara balik na tayo sa kanila." yaya nya sakin bago inabot ang kamay ko.
Pumunta na kami palapit kina Amanda na kasalukuyang nagpapahinga sa may kubo.
"Hey girl saan kayo galing ?" Makahulugang tanong ni Amanda. Tumabi ako sa kanya sa mahabang upuan na gawa sa kawayan.
"Dyan lang nagikot ikot." maikling sagot ko.
"Kayo na ba ulit ni Migs?" Bulong na tanong nya sakin bago sumulyap sa direksyon ni Migs na nasa tapat namin. Napansin siguro ni Migs na tinitignan namin sya kaya ngumiti sya.
"Ahh kasi Amanda-" gusto ko sabihin sa kanya na wala na ko nararamdaman kay Migs, pero syempre hindi ko sasabihin na dahil yun sa may gusto na ko iba.
"Its too obvious naman kasi, yun titigan nyo kanina sa videoke room." tila kinikilig pa sya habang sinasabi yun.
"You don't understand kasi..-" ieexplain ko na sa kanya yun situation namin ni Migs now at parang ayaw ko na ituloy pa yun plano na nabanggit ko sa kanya dati.
"Oh really ! Sabi na nga ba kayo na eh!" medyo napalakas yun boses nya kaya napatingin sa amin si Louise.
"Effective yun plan mo girl, kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na couple kayo dalawa ni Louise. Ang lalagkit din ng titigan nyo. "
Napilitan na lang ako ngumiti. Gusto ko kausapin ang bestfriend ko pero hindi dito, pagpasok na lang siguro sa Monday. Pag may privacy na kaming dalawa.
Nang dumating na ang gabi naisipan naman namin magparty sa may living room. itinabi namin lahat ng gamit sa gilid, para clear ang center.
Naglabas sila ng 2 malaking speakers at nagpatugtog ng disco music, pina dim yun ilaw kaya para ka talagang nasa disco house na medyo madilim.
Gumawa lang sila ng improvise na disco ball kaya naging makulay ang paligid. Naglagay din kami ng pica food sa mahabang dining table, beer, softdrinks, chips and ice.
Huling gabi na namin dito sa Batangas kaya gusto lang namin mag enjoy ng bongga.
Unang pinatugtog yun song na "Titanium", nagsayawan sina Tiff, Nathan at Enzo at Nathalie habang kami nina Amanda at Louise nanonood lang habang kumakain ng pica pica.
"Tara guys sayaw na tayo!" aya ni Amanda habang tumayo na from the couch. Hinila nya yun kamay namin ni Louise.
Nagtatawanan na kami ng "Gentleman" naman ni Psy ang sunod na naplay.
Nagpakita pa ng dance moves nya si Amanda, habang kami ni Louise walang ginawa kung hindi tumawa.
Maya maya pa may braso na yumakap sa waist ko, paglingon ko si Migs pla. Nagsayaw kami na ang background music naman ay "Locked out of heaven" ni Bruno Mars.
Ang saya ng gabi namin, wala kami ginawa kung hindi sumayaw, magtawanan at uminom. Nang mga tipsy na sila saka na nagkukulitan, si Enzo inaya nya sumayaw si Tracy.
Noong una ayaw pa pumayag ni Tracy kaso kinumbinsi ko siya kaya pumayag na din, sinabihan ko si Nathan (siya kasi ang house DJ) na palitan ng sweet yun music.
At nagmistulang JS prom ang aming party party. Nakisayaw na din si Nathan syempre partner nya si Tiff, si Migs and Amanda, at si Nathalie pupormang aayain sumayaw si Louise kaya mabilis ko syang hinila sa kamay at niyakap sa waist.
Natatawa sya sa ginawa ko pero pinandilatan ko lang sya ng mata.
"Old friend" na version ni Kyla ang music namin, one of my favorite songs. I close my eyes and feel the music, sumasabay ako sa kanta ang ganda kasi ng lyrics.
Pagmulat ng mata ko, ang matang puno ng emosyon ang nasilayan ko "I like that song too." pabulong na sabi nya.
"I love you...old friend..." nakasmile na sabi nya habang yun kamay nya iniyakap nya sa leeg ko saka nya ako masuyong tinitigan.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nakainom. Pero ng mga oras na yun wala ako ibang nararamdaman kundi ang malakas na t***k ng mga puso namin..wala ako ibang nakikita kundi ang magandang mukha nya na hindi ko pagsasawaan masdan kahit kailan...
Around 12am tinapos na namin yun katuwaan namin, nagpasya na kami matulog. Pare pareho ng mga pagod at medyo tipsy. Hindi na muna namin inayos ang mga gamit na inalis namin, pero ang mga pagkain na natira, mga kalat at bote ay tinapon na namin sa basurahan,
Kanya kanya na kami akyat sa mga kwarto namin, inabangan ko kung sa amin ulit makikitulog si Tracy pero mabilis naman sya pumasok sa kwarto nila ni Nathalie. Pare pareho kasi nakainom kaya im sure bagsak agad sila.
Pagpasok namin ni Louise sa kwarto nagpunta ako ng bathroom para magbath at mag toothbrush. Paglabas ko ay sya naman ang gumamit ng bathroom, nagsuot na lang ako ng gray wife beater at short.
Nahiga agad ako sa kama at nagkumot, ang lamig ng panahon kaya kahit walang aircon malamig pa din dito. Dahil medyo nakainom ako ay nararamdaman ko na bumibigat na ang mata ko.
Nang biglang bumukas ang pinto ng bathroom, iniluwa si Louise na nakasuot ng pajama and white sando. Patakbo sya tumabi sakin sa kama at nakishare sa kumot ko.
Nagtalukbong kami sa kumot saka nya ako siniil ng halik, yun halik na parang sobrang namiss nya ako. Mahigpit nya ako niyakap habang patuloy ang kiss namin, ang sarap talaga nya magkiss kaya parang nawala bigla ang antok na nararamdaman ko kanina.
Pinasok nya yun kamay nya sa loob ng damit ko na akala mo may hinahanap. Nang matagpuan naman parang ayaw na pakawalan ang diin ng hawak nya.
Yun kiss nya from torrid naging mild kiss..kaya yun antok ko parang bumabalik na naman. Bumibigat na naman yun mata ko hindi ko mapigilan.
Narinig ko na lang si Louise na tinatawag ako "Mine" sabi nya at huling narinig ko bago ako tuluyang nakatulog ay "Pambira tinulugan ako." bago ko naramdaman na niyakap nya ko at kiss sa pisngi ko.
Kinabukasan ang sarap ng gising ko, parang ang haba ng tulog ko. I checked the time 8:00am na pala, nilinga ko si Louise sa tabi ko ayun tulog na tulog pa din.
Naalala ko kagabi we were kissing kaso inantok ako bigla at nakatulog.haha im sure badtrip si Mine ko.
Humarap ako sa kanya saka ko sya pinagmasdan, mamimiss ko yun ganito, yun magkasama kami lagi, katabi ko sya matulog..kahit 2 days pa lang kami dito sa resthouse nina Tiff parang ang dami na naming napagsamahan dalawa.
I slowly touched her flawless face, maingat din baka magising sya eh. Sobrang saya namin dito parang ayoko na matapos yun sandali na kagaya nito, pagbalik namin mamaya back to reality na naman kami.
School, bahay, family...nakakalungkot.
Naramdaman ko na nagising na pala siya, she's now holding my hand. Medyo nakadilat lang ng konti yun mata nya na nakatitig sa akin, halatang inaantok pa.
"Good morning Mine.." nakasmile na sabi nya "Sarap ba tulog mo? Tinulugan mo ko kagabi ah." nagtampo bigla ang tono nya.
Hindi ko mapigilan matawa ng naalala ko yun nangyari kagabi. Napatawa din sya kaya sabay kami nagtawanan ng halos maluha na yun mga mata namin.
Nang natapos ang tawanan namin "Sorry Mine napagod lang ako kagabi, loaded kasi tayo kahapon.." malambing ang boses na sabi ko sa kanya.
"Hmp, lagay ba eh ganun ganun na lang?" Sabi nya while raising her eyebrow.
"May ganun? O sige ano po ba ang gusto ng Mine ko para mapatawad nya ko?" Pigil ang ngiti na sabi ko.
"Hmmmm.." tila nagiisip pa na sabi nya habang nakatingin sa ceiling ng kwarto.
Kaso biglang mabilis na bumukas ang pinto ng kwarto.
"Hey bumangon na kayo dalawa dyan ...uuwi na tayo maya maya." si Amanda yun kasunod si Tiff, halatang may mga hang over na naman.
"Oo nga ang bilis natapos ng bakasyon natin, sa summer mga 2 weeks naman tayo para hindi bitin."sabi ni Tiff bago naupo sa gilid ng kama sa tabi ko.
"Himala aga nyo nagising na dalawa ha?" medyo na surprise na sabi ko. Naalala ko kahapon ako pa ang gumising sa kanilang dalawa.
"Ikaw ba naman sigawanan nina Nathan at Enzo, gutom na daw ang mga bakulaw." natatawang kwento ni Amanda.
"Ganun ba tara ng bumaba ng mapakain na mga alaga natin."sabi ko sabay bangon, hinila ko na din si Louise.
Nagpunta muna ako ng bathroom para maghilamos at mag ayos ng sarili. Ganun din ang ginawa ni Louise.
Pagbaba namin ang mga gutom at may hang over na itsura nina Migs, Enzo at Nathan ang naabutan namin. As usual mukha na naman silang mga wasted. Nakaupo na sila sa dining area, nag aabang na ng makakakain.
Pinagkape muna namin sila para mahimasmasan. Nagprito kami ng hotdog, gumawa ng scrambled egg at french toast.
Hayok na kumain ang mga boys kaya kami ni Amanda wala din tigil sa pagluluto, buti na lang madaming supplies sa ref nina Tiff.
Pinagluto ko din si Louise with extra T.L.C. as in tender loving care and as usual din P.G. pa din ang Mine ko lakas kumain parang yun mga boys lang.
Minsan nga naiisip ko bakit hindi sya tumataba sa lakas nya kumain, siguro mabilis lang ang body metabolism nya at bukod dun athletic pa sya.
Si Nathalie dinedeadma ko na lang, hindi ko na pinapansin pa ang mga tingin nya sa amin.
Pagkatapos namin kumain binalik lang nila yun inalis na kasangkapan kagabi sa living room, nag ayos na ng mga gamit namin, naligo, nagbihis, and we're all ready to go.
Nagsuot lang ako ng maong short, green sleeveless, white vans and adidas cap and sunglass.
Dinala ko na yun mga gamit ko sa ibaba tinulungan ako ni Louise, she's wearing pink adidas short, white adidas shoes and white adidas sport shirt. O diba adik lang.
Bago kami bumaba nagkiss muna kami ng torrid, niyakap ko sya sa waist bago hinapit sakin. Ang sexy sexy ng Mine ko, natuturn on ako sa kanya. Gusto ko na nga sya ikulong sa bathroom saka reypin, kung hindi lang kami tinatawag nina Tiff sa baba. Aalis na daw kami.
Hawak kamay kaming bumaba. Kami na lang pla ni Louise ang inaantay, oh well ganun na ba katagal yun kissing session namin? Feeling ko seconds lang naman.
Nang macheck na wala na kami naiwan at nakalock na ang resthouse ay lumarga na kami sakay ng Grandia.
Mga antok pa din kami lahat kaya tulog pa din kami habang nasa byahe, nagpapalitan na lang sa pagdrive sina Nathan at Enzo para makatulog din isa sa kanila.
Kami ni Louise natulog lang din, minsan pag nagigising nagkukulitan lang.
Dumaan muna kami sa fastfood na nakita namin para maglunch kasi past 1pm na din pla kaya nagrereklamo na ang mga kasama ko at nagugutom na daw.
Pagkakain diretso ulit sa byahe and after an hour ayun nakauwi na din.
Isa isa na kami hinatid ni nathan, una sina Tiff and Tracy, then si Nathalie at Enzo, Amanda, after nun kami naman ni Migs since magkalapit lang ang bahay namin.
Nagkiss ako sa cheek ni Louise bago ako bumaba ng van, pigil na pigil ako na ikiss sya sa lips baka mawindang sina Migs at Nathan.
May selos ang mga mata ni Louise dahil sabay kami ni Migs bumaba. Bumulong lang ako sa kanya na wag sya magselos and magtext na lang kami later.
"Hatid na kita sa inyo France." sabi sakin ni Migs habang naglalakad papunta sa bahay namin.
I checked the time 4pm na pala, hindi ako sure kung nasa bahay sina Mom and Dad.
"Ahh ok Migs.."
Kinuha ni Migs yun bags na dala ko saka nya binuhat. Nagdoorbell ako at sandali pa lumabas si Manang Lory.
Pagpasok namin sa gate ay binati nya si Migs. Pagdating namin sa loob ng bahay naabutan namin sina Mom and Dad na nag uusap. Napansin nila kami at saka binati.
"Kamusta po Tito at Tita?" nakangiting bati ni Migs sa kanila.
Umakyat muna ako sa room ko habang si Migs ay nakikipagusap sa parents ko. Nilapag ko yun bags ko sa sahig bago ko naisipan tawagan si Louise, namimiss ko na sya agad.
Rinnggggg Ringggg
Louise : Hello?
Me : Hi Mine kakauwi ko lang.
Louise: kasama mo pa ang kulugo?
Me: haha funny. Yup nasa baba sya kausap sina Mom and Dad.
Louise: Paalisin mo na!
Me: Napakaselosa mo talaga Mine.
Louise: Ikaw din naman ah.
Me: Alam mo ba na namiss kita agad (sabay smile ko)
Louise: I miss you too mine... ( smile din sya for sure)
Me: Napagod ka ba sa byahe?
Louise: Hmmm hindi naman nakatulog tayo diba.
Me: Good, papagurin kasi kita later..
Louise: oh really now? (halatang naexcite)
Me: Naexcite ka naman...haha!
Louise: Pang asar ka talaga kahit kailan (pout ng lips)
Me: Don't pout your lips like that halikan ko yan eh..haha!
Louise: haha how did you know i'm pouting?
Natigil lang ang kulitan namin dalawa ng nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto. Nagpaalam muna ako kay Louise bago ko binuksan ang pinto.
"Hey France."
Si Migs pla.
"Hmmmm aalis kana?" hindi naman obvious na pinapaalis ko na sya.
"Ahh p-pwede ba tayo magusap?" nag aalangang tanong nya.
"Ok sige pasok ka." isinara ko yun pinto pagpasok nya.
Ano naman kaya paguusapan namin?