Frances P.O.V,
Nag iinat inat pa ko paggising ko kinabukasan. Tatayo pa sana ako..kaso parang may humaharang?
Kinusot kusot ko yun mga mata ko, hindi pa ko masyado makakita ang liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana.
Pag alis ko ng kumot, may napansin akong nakayakap sa bewang ko na..... maputing braso? Sino 'to?
Pag angat ng tingin ko, mukha ng natutulog na mukha ni Louise ang nasilayan ko.
Halos mashock ako. Ano ginagawa nya sa kama ko?
Sisigaw na sana ako nang naalala ko kagabi dito nga pala natulog ng walang habas ang babae na 'to.
Pinagmasdan ko ang maamong mukha nya, ang cute nya matulog. Parang baby. Parang napakapayapa. Pinigilan ko haplusin ang mukha nya.
In fairness, kahit pinagpawisan sya sa kagabi ang bango nya pa din amoy strawberry. Dahan dahan ko inipit sa tenga nya yun ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nya saka patuloy na pinagmasdan.
"Do you like what you see?" Biglang sabi nya habang nakapikit pa din.
Shit gising na pla siya! Hindi ko maiwasan magblush kahit alam ko na hindi nya naman ako nakikita.
"Yeah right Lavapiez, ang bigat mo kya!" pagsusungit ko habang tinatanggal ko ang braso nya na nakayakap sa akin.
Dumilat siya at diretsong tumingin sa akin "Good morning, what's for breakfast?" Nakangiting tanong nya.
"Ay ang kapal mo din ano, nakitulog na nga makikikain pa!" nakasimangot kong sagot.
Napatawa lang sya. Ang cute ko daw pag bagong gising. Nang aasar ba o nang aasar lang? If I know baka may muta lang ako o something.
"Halika nga dito!" hinila nya ko palapit sa kanya pareho kami napahiga and take note naka sports bra pa din sya. Niyakap nya ko saka sya sumiksik sa crook ng leeg ko.
"Hey! Ano ginagawa mo? Close ba tayo?" sabi ko habang nagpipilit na kumawala sa kanya.
Pinipigilan nya ko, obviously mas malakas sya sa akin kaya wala na ko nagawa.
"Dito ka muna please antok pa ko eh,and beside you smell good. Do you know that"? Malambing na boses na bulong nya.
I swear tumayo ata lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig yun!
Stop seducing me Lavapiez!
Naramdaman ko na lang na nakatulog na sya, narinig ko ang mahina nyang paghinga. Tinignan ko muna siya and then I just closed my eyes and fell asleep too.
Nagising ako sa mahinang katok sa pinto.
"Senorita tanghali na po. Hindi pa po ba kayo magtatanghalian?" Si Manang Lory pala, nagtataka siguro tanghali na ay nakahilata pa ako. Usually kasi ay maaga pa din ako nagigising kahit walang pasok.
"Sige po Manang Lory bababa na po." saka ko narinig ang palayo nyang yapak.
Niyugyog ko si Louise, na nakasiksik pa din sa akin "Gising na Lavapiez,uy tanghali na!!"
Napadilat sya saka luminga, siguro ay nagtataka din kung nasaan siya. Pero nang nagtama ang aming mata ay bigla syang napangiti.
Lumabas tuloy ang cute na dimples nya and I swear para may mga paro-parung nagliparan sa stomach ko.
Pinilit kong umiwas ng tingin para hindi nya mahalata ang epekto ng simpleng pag ngiti nya sa akin.
Tumayo na siya at pumasok sya ng bathroom saka narinig ko na nagshower.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakaalis na siya sa kama. Ewan ko ba ano 'to nararamdaman ko, hindi ko alam bakit ganun kalakas ang epekto nya sa akin.
I checked muna may angkle, napansin ko na medyo wala na ang pamamaga. Salamat naman, umepekto na ang gamot at yun ice na nilagay kahapon saka ako bumangon na at tinignan ang sarili salamin. Nagsuklay ng buhok at nagpalit ng damit.
"Pahiram naman ng damit." hindi ko namalayan nakalabas na pla si Louise ng bathroom. Nakatapis lang sya ng towel habang tumutulo pa ang buhok na basa.
Saglit na napatitig ako sa mala diyosang nasa harapan ko, may mga tulo pa ng tubig ang katawan nya..mabilis sinundan ng mata ko yun tulo ng tubig mula sa buhok nya at dumaloy at hanggang sa naglaho sa pagitan ng dibdib nya.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa katawan nya, ang mga mata ko para nakaglue na sa dibdib nya.
She cleared her throat "Eyes are up here honey. " pilyang sabi nya, saka ko lang nabawi ang tingin ko sa katawan nya papunta sa mga mata nya. Napansin ko nakangiti na naman sya, huling huli na naman nya ako.
Dali dali ako lumapit sa dresser ko saka kumuha ng damit bago ko sya hinagisan ng tshirt at shorts. Kahit medyo matangkad sya sakin feeling ko naman ay kakasya na sa kanya yun.
"Ok na ba yan sprain mo?" Tanong nya habang nakatingin sa paa ko.
"Oo ok na wala na pamamaga." sabi ko habang papasok na ako sa bathroom saka naghilamos at nagsipilyo.
Paglabas ko ay nakabihis na sya. Thank God.
In fairness, bagay sa kanya yun damit ko, so sexy tignan.
Sabay na kami bumaba ng hagdan at dumaretso sa dining area.
Sugpo at nilagang baka ang ulam namin. Wow favorite ko. Napansin ko si Louise parang naglalaway pagkakita sa pagkain.
"Manang sina Mom and Dad?"tanong ko kay Manang Lory habang umuupo.
"Naku señorita may problema ata sa munisipyo na kailangan ayusin si Mayor at si Señora mo naman nasa Hongkong ngayon may business trip daw, bukas ng hapon daw uuwi para sa birthday ni Governor."
Tumango lang ako. Mabuti na nga din yun wala sila ngayon kung hindi magtatanong kung sino 'tong nakitulog sa bahay. Hindi kasi ako mahilig magpatulog ng ibang tao sa bahay kahit ang mga kaibigan ko pa.
Kaya nga nakakapagtakang napapayag ako ng U.C. na 'to na matulog sya sa bahay at mismong sa kama ko pa at hindi sa guest room.
"Pinapatanong din pla kung ok ka na daw." sabi pa nya, marahil tinutukoy nya ang sprain ko.
Naalala ko tinawagan pla nina Migs si Dad kahapon dahil nga sa nangyari sakin.
"Ok na naman po, malayo sa bituka." pagbibiro ko pa habang sumasandok ng kanin.
Pinakilala ko sa si Louise kay Manang Lory, dahil sa madalas na wala sa bahay sina Mom and Dad. Si Manang Lory na yun tumayong pangalawang ina ko.
Si Louise ang bilis ng subo halatang nagutom, ang laki pa ng subo nakakatawa. Naka 4 na plato ata sya samantala ako naka isa lang.
Pagkatapos namin kumain ay biniro ko sya "You eat like a pig, ganun ba talaga mga athletes?" natatawang komento ko.
Kasalukuyan kami ngayon nasa living room nanonood ng cartoons..fave ko si spongebob.
Ang sama ng tingin sakin, tapos sabay irap.
Haha ang cute nya talaga. Gusto ko tuloy kurutin sa pisngi.
Naalala ko bigla may lakad pala kami mamaya ni Amanda.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok ang mata ko sa TV.
"Ah ganun pinapaalis mo na ko?" kunwari'y nagtatampo na sabi nya.
"Eh kasi naman po may lakad ako mamaya." paliwanag ko, kailangan ko na kasi bumili ng dress para sa party.
"Sasama ako, wala din naman ako gagawin sa condo." habang ngumangata. Isang malaking bag ng Cheetos ang kasalukuyan nyang nilalantakan. Isa pa to na PG eh ihahalera ko kay Tiff.
Tinext ko si Amanda kung what time kami magkikita. Sabi nya mga 4pm daw aagahan na lang nya tapusin ang practice nila. Kinamusta ko ang routine namin sabi nya ayos daw at madali naman nakukuha ng mga ka mate namin.
Pagcheck ko ng watch ko mag 1:30 pa lang. Inisip ko din kung isasama ko si Louise, baka kasi magtaka lang yun bakit kami magkasama. pwede ko ba sabihin na dito sya natulog? Siguradong katakot takot na tanungan yung kung nagkataon.
Pinakukumplekado talaga ng babae na 'to ang buhay ko.
Nagtext din si Migs, he's asking kung pwede daw sya dumalaw sakin.
Patay. Hindi pwede nandito ang gf nya. Ano ang gagawin ko? Ano ba yan.
Guilty much lang?
Dali dali ko syang tinext at sinabi ko na lang na may lakad kami ni Amanda, which is true naman. Sabi nya lang ok daw at gusto lang nya ako kamustahin kung ok na ko.
Nakahinga ako ng maluwag, sabay baling ng tingin ko sa babaeng walang pakialam sa mundo, paubos na ang Cheetos nya at tuwang tuwa sa pinapanood namin, habang ako eto napapraning na sa turmoil na naglalaro sa utak ko.
"Uwi ka na, alis, may lakad ako mamaya." pagtataboy ko sa kanya. Dahil Habang mas tumatagal sya sa tabi ko ay mas lalong nagugulo utak at puso ko.
"Pero sasama a-" protesta pa nya.
"Ah hindi, umuwi kana, may importante ako pupuntahan." putol ko sa pagrereklamo nya.
Halatang labag sa loob at lulugo lugo sya lumabas pagkakuha nga maduming damit nya. Sabi nya ibabalik na lang daw tshirt at shorts ko pag nalabhan na.
Bago siya lumabas ay biglang ...
TSUP!
Hinalikan nya ko sa pisngi, goodbye kiss daw.
Herherher.... nakakatawa. Ano ng ba ang nakakatawa?
kasi naman parang....kinikilig ako.