Chapter 13

1283 Words
》TORY《 Napagpasiyahan namin na umahon since nagsimula nang umulan. I wrapped the towel in my body and walked towards the hotel. Agad namang sumunod si Alas. Pinipilit kong huwag siyang lingonin, iniisip ko kung signs na ba ang mga nangyayari na may milagrong mangyayari mamaya. First, he touched my boobs nung nabuhusan ako nang malamig na tubig. Pangalawa ang nangyari kanina. He just cupped my booty! Nakakahiya. Maybe next time hindi na boobs at puwet ang mahahawakan niya. “Yuck! What a w***e!” “Ano ba naman ‘yan. Mga sikat pa talaga ang target” “Girl, mukhang nalamangan ka na ng pangit” “Tsk! Mga lalaki nga naman. Ayaw sa adobo ang gusto isda” Nagtatakang tumigil ako sa paglalakad. Saka ko lang nakita na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Masyadong occupied ang isip ko kanina kaya hindi ko naramdaman na pinagtitinginan na pala ako. “Tory!” Lumingon ako sa direksyon ni Bea na tumatakbo papalapit sa’kin. “Totoo ba ‘to?”, aniya at ipinakita sa’kin ang cellphone niya. My eyes turned big when I saw myself dancing crazily above the table. Biglang dumilim at sa isang iglap buhat-buhat na ako ni Van. Napabuntong hininga ako saka ibinalik kay Bea ang cellphone niya. Humarap ako sa mga tao at ngumisi. “Let me clear my side here. First, I am not a w***e. Porke’t may kasama lang na lalaki w***e na agad? Bakit? Nakita niyo ba akong nakipagchukchakan sa iba’t-ibang lalaki? How sure are you na jowa ko ang nasa video? Hindi ba puwedeng concern lang siya sa kalagayan ko? Never judge me based on what you see. Dahil puwedeng-puwede ko kayong kasuhan”, naiirita kong sambit saka ako nag walk-out. Ito ang ayaw ko sa lahat. Ang ma-judge ako without knowing the whole story. It’s been years, pero pakiramdam ko bumabalik lahat. ‘Yung kahihiyan, sakit, at galit. Hindi ko puwedeng sisihin si Van. He helped me, I should be thankful for that. Matapos akong makapagbihis napagdesisyunan kong manatili na lamang sa room namin. Tumambay ako sa balcony habang nagka-kape. I’m thinking about my mother. What if napanuod niya ang video? Viral ‘yun ngayon at sari-saring mga komento ang natatanggap ko. Karamihan mga negatibo. Dagdag pa ang litrato namin ni Alas na nagsimula na ding mag viral. I’m not worried that it will affect his reputation ‘coz I know he can easily deny that pic. O baka may maisip siyang palusot. Like as if aamin siya na kasama niya sa isang bakasyon ang hired baby maker niya. Nag-aalala ako kapag nakabalik ako sa school. I’m just hoping na sana makakalimutan nila ang issue before ako makabalik. Hindi naman ‘to bago para sa’kin. Artista si Van. Kaya nung lumabas na kami, parang ganito din ang nangyari. Napatingin ako sa tabi ko nang biglang tumabi sa’kin si Alas. He took a glimpse of me then looked at the view. “Don’t worry about it” After the long silence nagsalita din siya. Thank goodness ‘coz I really hate the awkward aura na bumabalot saaming dalawa. I nodded as an answer saka humigop ulit ng kape. “So, he’s your ex, eh?”, tanong niya. I can sense bitterness in his voice. Nakita ko pa ang pag-ngiwi niya na para bang diring-diri siya sa katotohanang ex ko si Van. “Yeah”, maikli kong sagot. I don’t want to talk about it. Besides, past is past am I right? “He's your high school sweetheart, eh? I never expected na pumatol ka sa gaya niya” Tuluyan kong inubos ang kape ko at tumingin sa kanya. Mukhang may isang tao dito na pina-imbestigahan ang buhay at nakaraan ko. “Bakit? Ano bang mga expectations mo tungkol sa’kin?”, nakangisi kong tanong. Bakit nga ba curious na curious ka sa buhay at nakaraan ko Alas at pina-imbestigahan mo pa ako? Tama nga ba si Bea? Do you really like me? O masyado lang akong assuming? “Nag-expect ako that you’ll choose someone who is better than him. He chose his best friend am I right? He left you. He’s a jerk”, he answered annoyingly. Obvious na obvious na ayaw niya kay Van. “Hindi ko naman inakalang gagawin niya ‘yun. He told me to trust him at kahit mahirap nagtiwala ako sa kanya kasi nga mahal ko siya. Kung alam ko lang na iiwan niya ako para sa artista niya ding best friend edi sana noon pa iniwasan ko na siya para hindi na mapalapit pa ang loob ko sa kanya ‘di ba?”, sambit ko at niyakap ang sariling tuhod. “Love comes in an unexpected way. Hindi naman natin kontrolado ang nararamdaman natin. Sabi nga sa kanta, kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Sa nangyari saamin ni Van, marami akong natutunan. Maybe we are destined to meet but not destined to be together. Kumbaga, pinagtagpo kami pero hindi itinadhana para sa isa‘t-isa. He’s just a lesson that I need to learn. I’m just hoping na sana sa susunod na panain ako ni Kupido, doon naman sa taong mamahalin ako nang totoo. ‘Cause that’s what I need” Nang tumungin ulit ako kay Alas, our eyes met. Seryosong-seryoso siya habang nakatingin sa’kin. “Alam kong alam mo ang sinasabi ko. You’ve been in a serious relationship diba? Nagmahal ka rin” naalala ko ang sinabi ni Lola. That girl really wasted such a man. “I was stupid that time”, aniya at umiwas nang tingin. “I won’t let myself suffer again just because of some shitty love” Somehow, an uncertain pain creeped to my heart. Pero binalewala ko ‘yun at pinilit ang sarili na matawa sa sinabi niya. “Love is not a s**t, Alas. Love is like... Uhm...”, I tried to think some things na puwede ikompara sa pag-ibig. “Like this place. Love is beautiful. Kapag naramdaman mo ‘yun, it feels like you’re in Paradise. Siyempre kasama na sa ganda ang pangit. Masarap magmahal pero masakit din” I don’t know where did I got my learnings about love, really. I only loved once at ang dami ko ng nalalaman. Siguro kapag nagmahal pa ako nang marami, dadami din ang learning ko about love. Charot. “Hmm now that I heard that from you, I’m thinking of how do it feels like having someone who will truly love someone like me. ‘Yung walang ibang gusto kung hindi ang mahalin ako. Not because of money or lust” I stared at him. Sa mukha niya parang seryosong-seryoso siya sa sinabi niya. Naaawa tuloy ako sa kanya. He loved once, at pinerahan lang siya ni girl. Lust lang din ang namamagitan sa kanila ni Bea. May mga nagkakagusto sa kanya but they just like him because he’s a billionaire. Gwapo, sikat at mayaman. ‘Yan lang ang nakikita ng iba sa kanya. Hindi nalang ako sumagot. I’m thinking about what can I do for him to feel love. Do I need to act as his baby maker and give him what he wants? Nah that would be pure lust. Napangiti ako nang may maisip akong magandang idea. Since I’m his baby maker... I’m going to act as one and as his friend too. “Nah nevermind what I said. That’s too impossible”, aniya saka tumayo. “I’m just going to have some drinks. I’ll be back later”, paalam niya bago tuluyang umalis. Dali-dali akong tumayo at pumuntang kusina. I’m going to cook for Alas and enjoy the night with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD