Chapter 11

1148 Words
》TORY《 “Stay here”, he commanded before stepping away from where I am. Napabuntong hininga ako saka naglatag ng isang manipis na tela sa buhangin bago umupo. Tumingin ako sa dagat. Wala namang masyadong madaming tao dito. Maybe this place is private? I mean, ‘yung mga taong katulad ni Alas lang ang nakakapasok dito. I pouted when I saw some women swimming. Gusto ko ding lumangoy. But I’m not that confident kapag katawan ko na ang pinag-uusapan. Hindi kasi ganun kaganda ang katawan ko tulad ng mga model sa tabi-tabi. I know I have a beautiful body, sino ba namang ibang maniniwala kundi sarili ko lang diba? Self appreciation kumbaga. “Hi” Napaigtad ako at napalingon sa babaeng umupo sa tabi ko. My forehead met when I saw her smiling face. Teka... Siya ‘yung nakita kong kausap ni Alas kanina ah? “Hello?”, I forced a smile to her. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausap pero awkward kasi masyado. Kanina lang pinagbibintangan ko siyang kabet ni Alas eh. “I’m Bea” Napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya ito. “I’m Tory”, sagot ko naman at tinanggap ang kamay niya. Marahan siyang humalakhak at binawi ang kamay niya. “I know”, aniya at tumingin sa dagat. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kilala niya ako? Baka ikinuwento ni Alas ang tungkol sa’kin? Kumabog nang husto ang dibdib ko. Paano kung sinabi ni Alas ang tungkol saamin? I mean, paano kapag sinabi niyang baby maker niya lang ako? Baka itong babae talagang ‘to ang mahal ni Alas. “I know about you and Zaq. Ikinukuwento ka niya sa’kin” Sabi na eh. Napatutop na lamang ako sa bibig ko. Akala ko ba hindi dapat malaman ng ibang tao ang tungkol saamin? Tsk! Sinungaling pala ang Alas na ‘yun. Oh, well... Sinabi ko naman kina Queen ang tungkol sa kontrata. Patas na naman siguro kami. “I’m his best friend—his ex too” Anong— kaya pala. Ex niya. At best friend din. Wow! Amazzinggg! Chos. May mag-ex pala na nagiging magkaibigan. “Hindi naman talaga seryoso ‘yung naging relasyon namin. Partner in Bed lang naman ang turing namin sa isa‘t-isa so don’t think too much, okay? Masaya na ako with my husband now”, aniya saka itinaas ang kamay niya. Pinakita niya sa’kin ang singsing niya habang nakangiti. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita ko ang singsing niya. I don’t know how to explain it pero mabigat parin sa dibdib knowing na naikama na pala siya ni Alas. Not once but many times. “I’m happy na nakahanap din si Zaq ng babaeng katulad mo. You’re so perfect to each other” Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya kahit wala naman akong kinakain. Ano bang pinagsasabi niya akala ko ba alam niyang Baby Maker lang ako ni Alas? “Hindi mo ba alam?”, tanong ko. “Ang alin?” “Uh— I mean, ano bang sinabi sa‘yo ni Alas— este Zaq?” Tas muntikan na ‘yun. Baka hindi niya talaga alam tapos ako pa ‘tong magiging dahilan kaya niya malalaman. Lagot talaga ako kay Alas kapag nagkataon. “Nothing. You see, kahit hindi naman sabihin ni Zaq kita ko naman sa mga mata niya ang kasiyahan kapag ikaw ang kausap o nakikita niya. Remember earlier? I know you saw us talking”, she smirked. Umiwas naman agad ako ng tingin. Huli ang lola niyo. “After you walked away from us kanina, Zaq saw you. Sabi niya, “Just wait for a min.” then he followed you. I just shook my head and walked away too because I know he won’t come back. And he never did” Ginaya pa niya ang boses ni Alas at humalakhak. “I know Zaq so much. He’s been my pakner in crime for how many years. And I guess you’re the one he’s been referring to when he’s drunk?” Eh? Kapag lasing siya? Pero papaano bibihira lang naman umuuwi si Alas na lasing. Come to think of it, hindi na nga siya umuuwi na lasing since that night. ‘Yung gabing natapunan niya ako sa dibdib. That night when he massage my breast— nvm. “Ganito kasi ‘yun. When I said ‘lagi ka niyang ikukuwento,’ totoo ‘yun. He told me about you when he’s drunk. Sabi niya natatakot daw siyang lapitan ka. Because you might walked away from him. Papaano daw kapag nilapitan ka niya tapos balewalain mo siya?” Ano bang pinagsasabi niya? Natatakot si Alas na lapitan ako? “Hindi niya ba pa nasabi sa‘yo?”, tanong niya nang makita ang reaksyon ko. I shook my head as an answer. “Eh? He’s been following you since— wait... I don’t know since when HAHAHA”, halakhak niya. “Matapos niya kasing malaman kung saan at kanino ka nakitira, doon niya na ako palaging niyayaya uminom. Tapos nagda-drama siya kapag lasing. Like, he’s so so so scared to approach you because of this, because of that... HAHAHAHA you might think he’s so gay ha but he’s not. You see, Tory...he took an investigator to know more about your life” Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. So hindi coincidence ‘yung pinadalhan niya ako ng private message to apply as his baby maker? That means he knew about my life! Kaya niya ako pinadalhan ng ganun kasi alam niyang kailangan ko. What the heck? I have a stalker! And he’s a billionaire! “Bakit? Bakit niya ako pinaimbestigahan? Bakit gusto niyang malaman ang buhay ko now?”, taka kong tanong. She shrugged and smiled at me. “Sorry, hindi ko din alam. Pero I think I know the reason. Sa tingin ko that’s because he’s interested about you? You know what I mean” Mas lalo pa akong nagulat sa sinabi niya. Imposible. A man like Alas won’t like a woman like me. That’s so impossible! “Pero sa tingin ko lang ‘yun ha”, dagdag niya pa at tumingin ulit sa dagat. “Pasensiya na napadaldal ka tuloy” Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi para mapigilan ang pagtawa. Siya nga ‘tong kanina pa dumadaldal eh. “Now”, lumingon siya saakin at ngumisi. Oh, no... “May mga tips ako para mas lalo pang mabaliw sa‘yo si Zaq” “Uyyy!”, gulat akong napatayo nang hilahin niya ako sabay tumakbo. Nakasalubong pa namin si Alas na nagtataka kung bakit ako hinihila ni Bea. “Imma borrow your darling for an hour, Zaq!”, sigaw niya kay Alas. Bago pa man siya makaangal, tuluyan na akong nailayo ni Bea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD