Chapter 17

1166 Words
》TORY《 “Cut!”, sigaw ng director matapos umiyak daw kuno si Xyla habang yakap-yakap si Van. I rolled my eyes. Gustong-gusto ko na umalis dito pero ayaw ko naman iwanan si Alas. I don’t really understand why he said “yes” when Xyla invited him to watch their scene. Mukhang tinamaan pa si Alas kay Xyla. He can’t say “no” to her. I sighed. Pag-ibig nga naman. And as his “supportive” girlfriend, here I am now, watching them too. Medyo nakakatawa ang nangyayari ngayon. Imagine, pinapanuod namin ang mga ex namin na nagyayakapan at naghahalikan. Kapag nahuli ko talaga ‘yang destiny na ‘yan, hahampasin ko talaga siya nang bonggang-bongga. “Zaq! Nakita mo ba kung gaano kami kagaling?”, excited niyang tanong nang makalapit. Kumunot ang noo ko nang sinadya niyang ihulog ang towel niya sa harapan ni Alas. “Ops! It fell” Bago pa man kunin ni Alas ay inunahan ko na siya. I smirked and gave it back to her. “You only cried forcefully, Xyla. Kahit ang pagyakap pabalik kay Van parang nandidiri ka pa”, sambit ko at bumalik sa puwesto ko katabi ni Alas. “I’m not talking to you”, masungit niyang sabi at inismiran ako. Nang mapunta ulit ang tingin kay Alas, agad siyang ngumisi. God, this girl is so plastic. Dapat sa isang ‘to pinapalutang sa dagat. “Tory!” Nilingon ko si Van na tumatakbo patungo saamin. Wala siyang pang-itaas na damit kaya litaw na litaw ang abs at muscles niya. Yummy but not my type. “Hey, Van”, bati ko nang makarating siya sa harapan ko. “Alas— I mean, hun”, niyakap ko ang braso ni Alas at sumandal sa kanya. Tumingin naman siya sa’kin. “May gagawin pa tayo ‘di ba?”, pilit akong ngumiti. Sana ma-gets mo. We need to get out of here bago pa magkanda loko-loko. “W-What? A-Ah... Y-yeah...”, wala sa sarili niyang sagot. What the heck is happening to this guy? Kanina pa siya lutang. Don’t tell me affected parin siya sa presensya ng babaeng ‘to? Tsk! Uso mag move on. “So yah...”, ngumiti ako sa dalawang artista sabay hila kay Alas nang marahan. “We gotta go. Since tapos na naman ang shooting niyo. Aalis na kami. May gagawin pa kami eh”, pamamaalam ko pero bago ko pa man tuluyang mahila si Alas hinawakan na siya ni Xyla sa kabilang braso. “Really, Zaq? Ngayon lang ulit tayo nagkita. Don’t you wanna spend more time with me? Please?”, she pouted and clasped her both hands—pleading. Oh, God... Give me more patience or I might hurt this woman. Hinintay kong sumagot si Alas pero nanatiling nakabukas ang bibig niya na para bang hindi alam kung ano ang isasagot. Damn! Marahas kong hinila si Alas sa puwesto ko at ako naman ang pumalit sa puwesto niya. Ngayon, kami naman ni Xyla ang magkaharap. “Tory—” I raised my hand to shut Van off. Alam niya ang ugali ko kapag hindi ko gusto ang isang tao. Kaya kong magtimpi pero kapag sumobra na, prangkahan na. “How thick your face is. After what you did to him may gana ka pang magpanggap na parang walang nangyari sa inyo? Na parang wala kang ginawa? Na parang hindi mo siya nasaktan? Gaano kakapal ang mukha mo? Sa tingin ko kasi mas makapal pa ‘yan sa semento. You don’t have the right anymore, Xyla. Like what I’ve told you earlier, he’s mine. So stop your stupid acts kasi kahit artista ka pa, kaya kitang ingudngod sa buhanging kinatatayuan mo ngayon. So better back off. You used him am I right? Well, breaking news b***h. That’s your biggest mistake. Pero sige magpapasalamat na rin ako. Kasi kung hindi mo ‘yun ginawa, hindi siya magiging akin.” hinihingal pa ako matapos kong maisambulat lahat. Wala akong pakialam kung magagalit man saakin si Alas mamaya. O kung pagpyestahan man ako ng mga tao dahil pinahiya ko ang idol nila. This woman deserves my words. Gusto ko siyang matauhan. Nananaginip ata eh. I clicked my fingers together na ikinaigtad niya. Her shock face makes me wanna burst out in laughter. “How dare you!”, sigaw niya nang matauhan. She was about to slap my face when someone stopped her. Alas... “Hurt her, I’ll never forgive you”, blanko niyang sambit saka ibinaba ang kamay ni Xyla. He then turned his head to me and took my hand. “Let’s talk” Pero bago pa man niya ako mahila nang tuluyan, nahawakan na ni Van ang kamay ko. Wait... What the heck is happening. “Tory, can we talk?”, he asked and then turned his gaze to Alas. “Kapag nakapag-usap na kayong dalawa”, aniya at ibinalik ang tingin sa’kin. “Uhh...”, ano bang puwedeng isagot. Ganito ata ang reaksyon kanina ni Alas nang yayain siya ni Xyla. “She can’t, and she won’t” Napalingon kami kay Alas. Walang emosyon ang mga mata niya pero nakakatakot. Its like he’s just stopping himself sa pag-atake saaming dalawa ni Van. “Teka—” He looked at me dangerously. “That’s my order”, he stated. Okay. Sabi ko nga. Susunod na po master. His rules, I obey. I must do what he said. “Let’s go”, aniya at tuluyan na akong hinila palayo sa dalawa. Nang makalayo-layo ay marahas kong binawi ang kamay ko. Kunot noo naman niya akong nilingon. “Puwede bang magpanggap ka naman kahit konti na hindi ka na apektado sa babaeng ‘yun? Uso mag move on, Alas!”, naiinis kong turan sa kanya. “Look who’s talking. Ikaw ba? Naka move on na? Tsk! ”, he uttered sabay sandal sa isang malaking puno. “Obvious ba? Hindi naman ako katulad mong ginamit na nga, iniwan pa, pero apektado parin. Flash news! The famous Billionaire, Zachary Ace Taylor is still affected by the presence of his ex” “Hindi mo alam ang pinagdaanan ko so don’t talk like you know the whole story” Napatigil ako sa sinabi niya. Nakatingin siya ngayon sa paa niya na para bang doon lang niya kayang tumingin. Somehow, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Tama naman siya. I don’t know the real story behind their break up. Bakit ba kasi apektadong-apektado ako sa reaksyon niya kanina sa ex niya. “Sorry”, paghingi ko ng paumanhin pero hindi parin siya kumikibo. Umismid ako at nilapitan siya sabay hawak ng kamay niya. He raised his head then looked at me. “Uminom tayo”, pagyayaya ko saka siya hinila paalis sa kinatatayuan niya. Hindi ko man alam ang buong kuwento nila. Pinapangako kong bago matapos ang araw na‘to, malalaman ko din lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD