TORY "Ayon sila!" Pareho kaming napaigtad ni Xyla nang ituro kami ng isa sa mga tauhan ni John. Sabay naming naagaw ang atensyon nilang lahat at bago pa man kami makatakbo, nagpaputok na si John kaya pareho kaming na-statwa ni Xyla. "Let me go!", pilit niyang agaw pabalik sa braso na hawak na ngayon ng tauhan ng ama niya. "Huwag masyadong marahas ano ba! May sugat siya!", kabado kong sambit saka sinugod ang may hawak kay Xyla. "s**t!", he groaned in pain when I punched him hard. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang makita ko ang kamay niyang papalapit. Napaupo ako sa lupa nang malakas niya akong sinampal. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ko sa ulo kaya hindi na ako nagtaka pa nang halos wala na akong makita. My visions became blurry. Ang sakit nung sampal niya

