》TORY《 “Open your mouth” Napabuntong hininga ako sabay nganga. Matapos niya akong masubuan ay kinuha niya ang isang basong tubig sa tabi at inilapit sa bibig ko. “K-Kaya ko naman”, giit ko at akmang hahawakan ang baso nang ilayo niya ito at sinamaan ako ng tingin. I sighed again and put my hand down. He’s treating me like I’m a kid! Nang makainom ay inilapag niya ang plato at baso sa mesa sabay punas sa bibig ko. “Ang sweet hehe”, rinig kong bungisngis ni Sandra sa tabi. I glared at them kaya tumahimik naman sila. Pero nanatiling nakangisi si Ryza at Sandra, habang si Queen naman ay hinahampas-hampas ang mama ko sa kilig. “Kapag dumugo ulit ang sugat ni Mama, friends over na talaga tayo bruha ka”, banta ko. Umismid siya at tinigilan na si Mama. Mama just smiled at me and shi

