Chapter 19

971 Words
》TORY《 “Ganito?”, tanong ko at nag-pose ulit. Nahihiya na ako kasi maraming tao na ang nanunuod pero sinusunod ko nalang ang bawat utos ng baklang photographer na ‘to. Nang lumabas kasi ako kanina para hanapin ulit si Alas, bigla akong hinila nitong baklang nagngangalang Freya para picturan ako. I’m so gorgeous raw eh. At para daw sa project niya. “Smile!”, sigaw niya kaya pilit naman akong ngumiti. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito. I’m not that photogenic pa naman. Kapag nga kumukuha ako ng litrato kadalasan front camera ang ginagamit ko para ma-adjust ko kung saang banda ako maganda. “Another pose! Fierce look naman!” Argh! Gusto kong makatulong sa project niya pero tangina naman kanina pa kami dito. Giniginaw na nga ako sa suot kong black two piece! Nasa baybayin pa naman kami at medyo lumalakas na ang ihip ng hangin. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Alas na kasama si Xyla hindi kalayuan sa kung nasaan ako ngayon. Alas was standing with his hands on his pockets. Habang si Xyla naman nakaharap sa kanya na parang umiiyak? What the heck? Humihingi ba siya ng tawad o ano? Magkakabati na ba sila? Shit! No! “Siszt! We are not done yet!” Binalewala ko ang sigaw ni Freya at dire-diretsong naglakad patungo sa direksyon ng dalawa. Hindi sila puwedeng magkabati. I know may natitira pang feelings si Alas sa babaeng ‘yun kaya hindi puwede! Can’t they just move on!? “Tory” Napahinto ako nang may humablot sa braso ko at hinila ako paharap sa kanya. Agad ko namang hinila pabalik ang braso ko. “Huwag ngayon, Van” “Can we talk? Even just for a while? Please?”, he begged. “For what? We already had a closure. Just... Stop, okay? May girlfriend ka na at mayroon na rin ako. Let’s just respect that—” “We broke up” Napatigil ako sa sinabi niya. “Because of you”, dagdag niya pa na ikinataka ko. Dahil sa’kin? The hell? “Mahal parin kita, Tory. I tried to love her but I realized that I still love you that’s why I can’t love her the way I love you” Hindi ako makapagsalita. Nanatiling nakabuka ang bibig ko dahil sa gulat. What the heck? Bakit parang kasalanan ko pa? Nang mahimasmasan tumayo ako nang tuwid at tiningnan siya sa mata. “If you really love me, hindi ka magmamahal ng iba. Hindi mo ako iiwan at hindi ako magiging isa sa mga choices mo noon. Minahal kita, Van. Kahit wala ka sa tabi ko noong mga panahon na kailangan na kailangan kita, nanatili akong tapat sa‘yo. Kahit sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon natin, I never used that to gave up on you. Kasi nga mahal kita. But what did you do? Sinayang mo. Ipinagpalit mo ako sa mas malapit sa‘yo! Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yun? Alam mo ba kung paano ko isinumpa ang sarili ko dahil nagpakatanga ako sa‘yo!? Dahil nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan ako kahit ang daming nagsasabi na mas bagay kayo? And now you’re here dahil mahal mo pa ako? Come on!” I don’t care kung kami na ang sentro ng atensiyon ngayon. I want him to realise na hindi na ako marupok! “I’m sorry. I’m sorry kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako. I’m sorry because I hurt you. Believe me, Tory. Lagi kong sinisisi ang sarili ko dahil alam kong nasaktan kita. Please give me a chance, I’m sure I’ll do better this time” “May nagmamay-ari na sa’kin, Van. At hindi na ikaw ‘yun”, blangko kong sagot at tinalikuran siya. I gasped when I hit my head to something. Nang itinaas ko ang ulo ko nakita ko ang mukha ni Alas. “I still love you, Tory—” Lahat napasinghap sa gulat nang suntukin siya ni Alas. Maski ako hindi nakagalaw dahil sa gulat. I don’t even know how he did it! Kanina lang nasa harapan ko pero sa isang iglap nasa harapan na siya ni Van na ngayon ay bagsak sa buhangin dahil sa suntok ni Alas. “Van!” I saw Xyla ran towards him at inalalayan siya. Sinamaan naman niya ng tingin si Alas. “What did you do!?” Hindi sumagot si Alas at tinalikuran silang dalawa. Akala ko hihilahin niya na naman ako paalis pero nilampasan niya lamang ako. I can’t move. Sinundan ko na lamang siya sa tingin. “Are you happy now?” I turned my head to Xyla who’s trying to help Van to stand up. “Kapag ba sinabi kong hindi, matatahimik ka na?”, sagot ko at inirapan siya. Lumapit ako kay Van at iwinaksi ang kamay ni Xyla. “Tabi”, matigas kong utos na agad din niyang sinunod. Wala na sigurong magawa. Akmang tutulungan ko nang tumayo si Van nang may humila saakin kaya muling bumagsak si Van. “Tsk! Let’s go, we still have something to do”, nakasimangot na sabi ni Alas at tuluyan na akong hinila. Somehow, I felt the butterflies playing in my stomach. Nakakatuwang binalikan niya pa ako. Kung hindi ko lang siya kilala baka maisip ko ding nagseselos siya saamin ni Van. But I know Alas, I’m not his type of woman. Kita naman sa personality ni Xyla ang tipo niya. Nagkabati na kaya sila? Sinamaan siya ng tingin ni Xyla kanina. Maybe their closure didn’t work well. Napahawak ako sa dibdib ko when I felt a sudden pain while thinking about his feelings to her. Siguro nga. Mahal niya pa si Xyla. I just wish na makakaya kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD