》TORY《
“Anong kalokohan ‘to?”
I frowned when I saw a black nighties on my bed.
Nakangiwi ko itong pinulot at chineck.
Paano nakarating ang ganitong bagay sa kuwarto ko!?
Damit pa ba ito? Parang kapag sinuot ko ‘to kakabagin ako ah. Akmang tatawagin ko si Manang Lourdes para itanong kung kanino ‘to galing at kung bakit ‘to napunta dito pero napansin ko ang maliit na papel sa kama ko kung saan nakalapag ang damit na ‘to kanina.
‘Wear this for tonight’
Are you freaking serious, Alas!?
Mabilis kong itong hinagis pabalik sa kama. No way I’m gonna wear that thing!
Wala naman sa rules na magsusuot ako ng ganito!
Napabuntong ako nang maalala ang unang rule ni Alas.
‘Obey Me’
Daig pa ang Presidente kung maka-utos.
Siya kaya ang pasuotin ko nito tapos ako ang magba-boxer?
Charot baka sipain ako nun palabas ng mansion.
Alright. Pinasukan ko ‘to kaya dapat panindigan ko diba? Ito ang gusto mo, Alas? Sige pagbibigyan kita.
Tingnan natin kung hindi ka maglaway sa yummy kong katawan.
Pero mamaya na, tutulungan ko munang magluto si Manang para may makain si Alas pagdating niya.
I’m sure gutom ‘yun pag-uwi. Naks! Para akong asawa kung mag-isip ah.
Victoria Evangeline Jones Taylor.
Aba bagay din.
Kidding, hindi si Alas ang tipo kong lalaki.
==========
==========
&&.
》ZACHARY《
“Bro, we’ve been drinking for hours. Hindi ka pa ba uuwi?”, Drey uttered.
I shook my head and gulped another shot. I knew she’s already home. I don’t even know how to approach her. It’s been a week but we never did it. Alam kong hindi pa siya handa, but we need to do it dahil patuloy parin akong ginagambala ni Grandma about it.
“She’s not ready yet. I can’t force her, that would be rape”
The two burst out in laughter.
“That’s easy! Seduce her!”
It’s easy for them to say that. Sa dami-dami ba naman ng mga babae na ikinakama nila araw-araw, they’re pro when it comes to girls.
“She’s different. Hindi siya ‘yong tipo na attracted sa mga mayayaman at gwapo”
“Then why did she applied as your baby maker?”
“She need to. Abusado ang step dad niya, she needs some money para makuha ang mom niya mula sa walang kuwenta niyang amain”, I replied to Klein blankly.
When we’re still a kid, I saw how she was beaten up by her step dad. I always seen her bruises and scars kahit na pilit niya itong itinatago mula sa paningin ng ibang bata.
“Wews, so what’s the plan? Magpapakalasing ka dito para magkaroon ka ng lakas ng loob na pilitin siyang ibigay ang sarili niya sa’yo ngayong gabi?”, Trace joked.
I shrugged. Ilang baso na ang nainom ko pero pakiramdam ko hindi pa sapat. I still need to drink more.
For the first time, I got some chilled when I think about what will happen tonight.
“Flash news! The Famous Billionaire, Zachary Ace Taylor is nervous dahil lang sa isang simpleng babae”, Drey laughed mockingly.
Ignoring their mocks, I glanced at my watch. It’s already 9 PM.
Left with no choice, I stood up and started to walked towards the entrance.
“Tingnan mo ‘tong isang ‘to. Mag-aaya mag-inom pero mang-iiwan din pala sa ere”, Trace grunted pero hindi ko na pinansin pa.
==========
==========
&&.
》TORY《
Napadaing ako nang mahalikan ko ang matigas na mesa. Inaantok na ako dahil kanina pa ako naghihintay kay Alas pero hanggang ngayon wala parin. Pinatulog ko na ang mga maids kanina pa. Sa tingin ko malamig na din ang mga hinain kong pagkain na niluto namin ni Manang.
Asan na ba kasi si Alas?
Pinauwi niya ako nang maaga tapos siya naman pala ang late.
I winced when I saw my own reflection from the door that is made of mirror.
Yah, sinuot ko ang nighties na binigay niya.
Pero binago ko konti ang style.
Sana naman hindi niya mahalata.
Akmang tatayo na ako para tingnan kung nasa labas na ba siya nang bigla siyang pumasok sa kitchen.
Dahan-dahan kong tinungo ang switch ng ilaw at binuksan ito.
“Hi, Love—wahh!”, tili ko at agad na napaatras nang bumungad siya sa harapan ko.
I gulped. He’s looking at me seriously.
His eyes are weak, his cheeks are burning red.
“May sakit ka ba?”, lumapit ako konti sa kanya at inilagay ang likod ng palad ko sa noo niya.
Hindi naman siya mainit pero bakit siya namumula?
He looked at me then down to my body.
I gulped again when his eyebrows met.
“What are you wearing?”
“Ito ‘yung iniwan mo sa kuwarto ko diba?”, taka kong tanong. Nagtataka ako sa reaksyon niya nang makita ang suot ko. Like hello? Wala man lang bang tulo laway diyan? Kahit malalaking paglulunon ng laway?
Sa reaksyon niya parang hindi niya gusto ang suot ko eh.
“Wala akong iniwan sa kuwarto mo”
My jaw dropped. Okay? Well, sinong nag-iwan nito? Multo?
“Seryoso ka?”
He nodded.
“I’m not that type of man that will left a nighties to turn myself on”, aniya saka naglakad patungo sa ref. Lumingon siya saakin at hinagod ako ng tingin “Is that even a nightie? It looks like a pajama”
Pa-pajama!?
Maka-pajama naman ‘to!
Pinahaba ko lang naman konti ang bawat side ng damit.
“Eh ang ikli eh! At halos kita na ang kaluluwa ko! Kapag isinuot ko ‘to na walang pagbabago, tiyak babangon si Papa mula sa hukay”, giit ko naman at sinundan siya.
Kinuha niya ang isang pitchel ng malamig na tubig at isinalin sa isang baso saka uminom.
He looks like a thirsty dog.
“Kumain ka na? May inihanda na ako baka lang kasi gutom ka”
Hindi niya ako pinansin at patuloy parin sa pag-inom.
“Saan ka galing? Tumawag ang lola mo kanina at sinabi niya na gusto ka daw niyang makita bukas— hoy!”
Napaawang ang bibig ko nang mabuhosan ako ng malamig na tubig. Mukhang nabigla siya sa sinabi ko.
“S-sorry”
Nanlaki ang mga mata ko nang inilabas niya ang panyo at pinunasan ang dibdib ko.
“T-teka—”
Our eyes met habang ang kamay niya ay nasa dibdib ko parin. Namumula na ako sa hiya pero siya seryoso paring nakatingin sa’kin. Buong buhay ko wala pang nakakahawak sa dibdib ko kundi ang mga kamay ko din. Ngayon, parang wala lang sa kanya habang pinupunasan ang dibdib ko.
Nagsimulang uminit ang pakiramdam ko. His hands stopped pero mas lalo pa niyang inilapit ang katawan habang nakatingin sa labi ko. Naduduling na ako sa lapit ng mukha niya. Hindi ako mahilig sa gwapo pero bakit parang umiilaw ata ang paligid? Ito na ba? s**t! Anong gagawin ko? Hindi ako makakilos para akong naging yelo sa kinatatayuan ko ngayon.
My jaw literally dropped when he took something from my back at nagsimulang maglakad paalis. My heart skipped a beat as I felt the butterflies stopped moving in my stomach.
W-what the heck happened?
“Hoy!”, sigaw ko sa kanya.
Huminto naman siya at kunot-noong lumingon sa’kin
“What?”
“Akala ko ba ano...”, teka hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko ba gagawin namin ‘yun. B-bakit...
Napatingin ako sa bagay na kinuha niya mula sa likuran ko kanina.
Car keys. Hindi ko nakita na inilapag niya ‘yun kanina ah.
“S-susunod ba ako sa k-kuwarto mo?”, nauutal kong tanong. Baka hindi lang siya komportable dito sa kusina. Ang kapal talaga ng mukha ko.
Nawala ang kunot sa noo niya, he pursed his lips at iniwas ang paningin mula sa’kin.
“Matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas”, aniya at nagpatuloy sa paglalakad palabas sa kusina.
S-seryoso!?
Don’t I look attractive tonight?
Ano ba naman ‘yan...
Akala ko pa naman mangyayari na ‘yun eh.
Shit! Wait—
Why do I sound disappointed?
Napahawak ako sa magkabila kong dibdib.
Para akong binuhusan ng tubig nang ma-digest ko na ang nangyari.
Nahawakan ng isang bilyonaryo ang dibdib ko.
Nahawakan niya ang dibdib ko!
Nahawakan na niya pero bakit hanggang dun lang!?
Humarap ako sa glass door at tiningnan ang sarili ko.
I frowned when I saw myself. Ngayon ko lang na-realised ang manang ko pala tingnan.
Maybe that’s why hindi siya na turn-on.
Hinahamon talaga ni Alas ang p********e ko ah.
Humanda ka Zachary Louise Taylor.
“Operation! Sedyusin si Alas!”
“Iha?”
“Ay Kabayo!”, napaigtad ako nang makita ko si Manang.
“Manang naman, akala ko tulog ka na?”
Mahina naman siyang tumawa at lumapit sa mesa.
“Mukhang pagod siya kaya hindi na kumain. Ililigpit ko lang ‘to, matulog ka na”
Padabog na nilapitan ko si Manang.
“Manang, don’t I look attractive tonight?”
Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa then pabalik sa ulo.
“Konti, iha”
Mas lalo akong napasimangot.
Konti...
“Salamat po ha. Supportive niyo po grabe. Matutulog na ako, Manang. Good night”
Mahina ulit siyang tumawa.
“Good night, Iha. Huwag kang mag-alala hindi naman mahilig sa sexy at maganda si Zaq”
Ows? Talaga ba?
Eh bakit hindi niya ako pinatulan kanina?
Charot.
Bukas ko nalang sisimulang sedyusin si Alas.
==========
==========
&&.
》ZACHARY《
I gasped an air when I finished showering.
I just chilled myself, I was too hot earlier because of her.
Her cuteness turned me on.
But I guess it’s not the right time yet. Seducing her won’t work, so I’ll just wait until she’s ready.
Years ago, I saw how she promised to her father’s grave that she would finish her study.
I chose her to be my baby maker not because I have no choice, I chose her to make sure her life is fine.
“Saan ka galing? Tumawag ang lola mo kanina at sinabi niya na gusto ka daw niyang makita bukas— hoy!”
Grandma called again?
Atat na atat talaga siyang magkaroon ng apo sa tuhod.
“Sorry, Grandma. My baby maker is not ready yet”