Tory’s Point of View:
“So, you’re choosing her?”
I can see myself standing in front of him. Habang katabi naman niya ang hindi ko pa kilalang babae. I can feel my tears slowly falling from my eyes. Nasasaktan ako. Kahit hindi ko alam kung bakit.
“She’s pregnant, Tory”
And that made my world crushed into pieces. Nawalan ako ng lakas para makatayo kaya hinayaan ko na lamang ang pagbagsak ng mga tuhod ko.
She’s pregnant. How? When? Akala ko ba ako lang?
“Leave”, my voice broke.
I want to beg for him to stay. I want him to stay with me. Ayokong mapunta siya sa iba. Akin lang siya. Nangako siyang akin lang siya.
But... No matter how much I love him.
Hindi ko siya puwedeng pigilan maging ama. Maging ama ng magiging anak niya.
I caressed my tummy and took a deep breath.
I need to be strong. Hindi lang sarili ko ang bubuhayin ko simula ngayon.
Pati na rin ang magiging anak ko.
Yes, I’m also pregnant.
But I will never tell Alas about this.
Napabalikwas ako mula sa kama nang marinig ko ang malakas na pag door bell. What a dream.
Shit! Umiikot ang paningin ko at parang may tumutusok sa utak ko mismo!
Kahit nahihirapan, pinilit kong maglakad patungo sa pinto.
“Good morning, ma’am”, pagbati ng isang lalaki saka niya itinulak papasok ang isang— teka...
Door bell...
Lalaki...
“Hoy Kuya! Bagong maid ka ba ni Alas?”
Eh kasi nga hindi ko pa siya nakikita ever since nanirahan ako sa mansion ni Alas.
Kay gwapong nilalang tapos naging isang taga hatid lang ng pagkain.
Puwede na siya maging model eh. From down to the top— ack! Bongga!
“Po? Maid? Uh, parang ganun na rin po. Oo nga po pala sabi ni Sir Zaq kumain na raw po kayo. May kikitain lang daw po siya”
Kikitain? Sino? Kabet niya?
Chos.
Tumango na lamang ako. But I realized something. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. New bed, new window, new things!
Ano yown pinalitan ni Alas ang buong gamit habang natutulog ako!?
“Sige po ma’am, aalis na po ako. Sana ma-enjoy niyo po ang white sand pati ang beach dito. May mga pools din po kami na tiyak na magugustuhan niyo. Welcome to Paradise, Ma’am”
Nang makalabas siya, saka ko lang na-digest ang mga nangyayari.
Wala ako sa mansion...
I immediately ran to the balcony.
At hindi nga ako nagkamali.
Tanaw na tanaw ko ang asul na dagat mula dito.
“Akala ko ba sa Baguio kami pupunta!?”
Umihip ang malamig na hangin kaya agad akong pumasok ulit at umupo sa kama.
I glimpsed at the food above the small table.
How did I end up here.
Hindi kaya binuhat ako ni Alas?
Wow ha grabeng pag-iingat ata ang ginawa niya para hindi lang ako magising.
O puwede ding sadyang tulog mantika ako kaya hindi ako nagising.
Pft— bahala na nga si batman gutom na ako.
Matapos akong makakain, nag bihis ako saka lumabas para makapaglakad-lakad.
So this is Paradise. Literal na paraiso naman talaga. I walked and walked and walked— napasulyap ako sa dagat. Sarap siguro magtampisaw diyan.
Pero mamaya na hahanapin ko muna si Alas.
Para you know— ma-seduce ko siya. Charot.
While walking, I heard a soft cries.
Pero sa hindi kalayuan natanaw ko din si Alas. May ka-talk na babae.
Sabi na eh kabet niya ang kikitain niya.
Hindi ko nalang siya inintindi at ibinalik ang atensiyon ko sa umiiyak.
M-may t-tiyanak ata.
Chos kung tiyanak edi dapat ang boses ay parang new born baby diba?
Pero hindi naman ganun eh.
Hinanap ko nalang kung saan galing iyak na ‘yun. And I found a girl sitting above the tree trunk. Nakayuko siya at ang ulo niya ay nasa ibabaw ng pantay niyang mga tuhod. Gets niyo? ‘Yung position kapag umiiyak mag-isa.
Ah—basta!
“Hey, baby girl”
She stopped crying pero hindi parin siya lumilingon.
So I stepped closer to her at umupo ako sa tabi niya.
“What’s your name, baby girl?”, tanong ko pero hindi parin siya sumasagot.
Okay then, magtatanong nalang ako hanggang sa sagutin niya ang mga questions ko. Baka kasi hindi niya lang sinasagot ang katanungan ko kasi private. Like dzuh lahat tayo may karapatan. Kahit ang bata may privacy din. Pero syempre dahil dakilang chismosa ako, magtatanong pa ako.
“Why are you crying?”
“Sige na, puwede mo namang i-share sa’kin eh”
“I won’t tell to anyone—”
“They bullied me”
Nabigla ako nang sumagot siya. Kaya pala.
Binully siya.
“Because of what?”
“Because of my face”, aniya saka lumingon sa’kin. I was amused to see her face. Ang kalahati sa mukha niya ay parang sunog.
I mean, sobrang kulobot.
“Ayaw nila ako makalaro kasi panget daw ako”
Naaawa ako sa kanya. Sobrang bata pa niya para makaranas ng discrimination.
Umiling ako at mas lalo pang lumapit sa kanya.
I touched her face at pinilit itong iharap sa’kin. Then I caressed his face at pinunasan ang mga luha niya.
“Maganda ka naman ah? Siguro hindi ka lang nila tinitigan nang mabuti. Look, baby girl. You’re beautiful. Tingnan mo ‘yung dagat”, sabay turo ko sa dagat.
“Oh diba maganda? Kagaya mo, maganda ka sa mga mata ng tulad ko. But outside looks is just the mask of the real beauty. Kapag tumingin ka sa ilalim ng dagat, you’ll see the real beauty. Katulad mo—sa loob mo, nandiyan ang totoong ganda”
Tahimik lang siya habang nakikinig. Nawala na din ang mga luhang nasa mga mata niya. I smiled at her. “Kapag sinabi nila na panget ka. Be brave and show them the real beauty inside you. Tandaan mo, maganda ka. Outside and inside, maganda ka. And I can testify that truth—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap na niya ako.
I hugged her back. Kay sarap pala ng yakap ng isang bata.
“Thank you, Ate”
“Welcome”, lumayo siya konti at tumayo. Siya na mismo ang nagpunas sa mukha niya at saka ngumiti sa’kin.
“I am beautiful”
“Yes, you are”, I second the motion.
Mas lalo pa siyang ngumiti. “Sige, Ate salamat ha. I gotta go baka hinahanap na ako ni Mommy ko. Babye!”, she then waved a good bye and ran her way back home.
“Nice”
Napaigtad ako at agad na napalingon.
“Oh, Hi Alas! Kumusta ang pakikipag-usap sa kabet mo?”, nakangisi kong tanong.
Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa kung saan ko siya nakita kanina.
“You saw us?”
“Yes”, Like duh. Anong akala mo sa’kin bulag. Kitang-kita ko ang pagtataksil mo Alas! Huhu chos.
“Good. That means malinaw pa ang mga mata mo”
The heck.
Minsan talaga gustong-gusto kong sakalin ang Alas na ‘to.
“Let’s go back. I want to eat...””
“Akala ko kumain ka na—”
“I want to eat you”
Literal na nalaglag ang panga ko.
Anak ng pusang—
“Kidding”
-.-