》TORY《
It’s been an hour since I decided na samahan nalang siya kumain. But here I am now, bored na pinapanuod siya habang nakikipagdaldalan through call. Akala ko ba gutom na siya?
Bakit mas inuuna niya pa ang makipag-chitchat sa kung sino mang pontio pilatong ka-talk niya.
Dahan-dahan kong hinila ang platong may laman na pagkain saka ito nilantakan. Ini-expect kong magrereklamo siya but he didn’t. Kinuha niya lang ang kape niya at ininom ito bago bumalik sa pakikipagdaldalan.
Hindi ko naman naintindihan ang pinag-uusapan nila since it’s all about business. ICT nga ang kinuha kong kurso kasi hindi ako marunong sa business na ‘yan at bobo din ako sa math.
Addition, subtraction, multiplication and division kaya ko pa. Pero ‘yung mga may halong mga numero at letters? Mas lalo akong nabobobo sa mga ganun.
Siguro nga nung umulan ng katalinuhan when it comes to math nasa kuwarto ako, tulog.
Tho, may mga talents din ako dzuh.
I love cooking, painting, singing and the last is writing! Dancing? Pass, nagmumukha akong uod na nilagyan ng asin.
Anong— napatutop ako sa bibig ko nang may malasahan ako. I looked at the food I was eating. Oh, no...
S-Spicy...
M-may m-maraming s-sili...
At ubos na ang drinks ko.
I was about to order another drink pero nasulyapan ko ang kape ni Alas.
Dahan-dahan kong iginagapang ang mga daliri ko patungo sa kape niya saka ito kinuha.
Hmm saan nga ba uminom si Alas kanina.
Hinanap ko ang basang na bahagi ng bibig ng baso at saka ininom ang lahat ng kape na nasa loob nito.
“Blurp”
Sarap...
Ng labi niya...
Chos ng kape pala.
Masarap ‘yung labi— este kape niya.
“Wew”, napabuntong hininga ako nang mawala ang anghang sa bibig ko.
Tiningnan ko ulit siya pero nakatingin din siya sa’kin.
Oh, no...
He’s frowning.
“I’ll call you later”, aniya sa kausap niya sa phone bago ito ibinaba.
Tiningnan niya ang mga plato pero ubos na ang mga laman nito.
I smiled weakly bago dahan-dahang tumayo.
Gotta go~
“Where do you think you’re going?”
I stopped then turned my head to him.
“To heaven, sasama ka?”
It was just a joke pero mas lalo pang dumilim ang mukha niya. Bawal na ba mag-joke ngayon?
“You’ve eaten all my breakfast. Pati coffee hindi mo pinatawad”
“Ay kakain ka ba? Akala ko kasi makikipagdaldalan ka lang sa babae mo. Sayang naman ‘yung foods kaya inubos ko na. Dapat nga magpasalamat ka pa eh”
I don’t really know kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob makipagbarahan sa kanya ngayon.
Napalunok ako nang malaki nang mas lalo pang dumilim ang mukha niya.
“And why would I thank you? And for your information, Ms. Victoria Evangeline Jones, she’s not my woman. It was all about business—”
“Oh come on! Nandito ba tayo dahil sa business mo? Sana sinabi mo diba edi sana hindi na ako sumama”
Naiirita ako halata naman diba? Nang magising ako wala siya kasi may kikitain daw and I saw him with that woman. Tapos ngayon may kausap na namang babae? Business eh? Palusot dat com. Kaya ayaw kong makipag-relasyon sa mga mayayaman eh. Masyado akong maraming kaagaw.
Oh, wait...
Hindi nga pala kami.
At walang matatawag na “kami”
Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko.
Napabuntong hininga ako.
“Alright, I’m sorry. Order ka nalang ulit. Babalik na ako sa room ko”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na paalis.
Dapat masanay na ako. At dapat din tigilan ko na ang karereklamo.
I’m just his baby maker. Wala akong karapatan sa buhay niya.
I sighed at that thought.
Why did I end up being his baby maker anyway. Oh, right...
I want to be free from my step dad’s hands.
Nakalaya nga ako mula sa step father ko.
Ngayon, nakakulong naman ako kay Alas.
Kailan ba ako magiging malaya.
‘Yung tunay na malaya.
Napabuntong hininga ulit ako saka umupo sa isang bench.
I put my hands in both of my sides to be my support then I wiggle my feet.
“Meow”
“Ay aso— este pusa”
Napaigtad ako nang may tumalon na matabang pusa mula sa kung saan papunta sa lap ko.
He sat on my lap while licking his paw.
“Wow naman. Mukha ba akong upuan ng isang matabang pusang tulad mo?”, nakasimangot kong tanong. Sumulyap siya sa’kin.
“Meow”
Yes ba ang kahulugan nun?
Abang pusang ‘to—
Akmang itutulak ko siya paalis pero nang mahawakan ko ang malambot niyang balahibo hindi ko na nagawa.
“Ang lambot mo naman. What’s your name?”
“Meow”
“Pangit naman ng meow na pangalan ibahin natin? Hmm imma call you Alas?”
“Meow”
“Okay, mukhang gusto mo naman”
“Meow”
Umikot-ikot siya sa lap ko bago tuluyang humiga at pumikit.
Mukhang hindi lang ako gagawing upuan ng pusang ‘to. Gagawin pa akong higaan.
Napailing na lamang ako and then I caressed his fur.
“My heart stereo
It beats for you so listen close
Hear my thoughts in every no-o-ote~”
I chuckled a little bit when he woke up and glared at me.
Pero agad din siyang pumikit ulit.
“Make me your radio
And turn me up when you feel low
This melody was meant for you
Just sing along to my stereo~”
“Gusto mo mag-rap ako, Alas?”, natatawa kong tanong sa pusa.
I know I look stupid right now talking to a cat but—whatever paki ko sa opinyon nila.
“Yes, please”
Literal na nanlaki ang mga mata ko.
S-Sumagot b-ba s-siya—
“Hi!”
“AHH!”, tili ko nang paglingon ko ay mukha niya ang bumalandra. Bigla ding tumalon si Alas at umikot-ikot sa paa niya.
“Oh, hi Rio. Kanina pa kita hinahanap”, aniya at pinulot ang pusa.
May pangalan na pala.
Mukhang siya ang amo.
Sa itsura niya hindi halatang mahilig siya sa pusa. Napairap ako nang makita ko ang abs niya.
“Uh, hindi ka ba mahilig sa abs, Miss?”, tanong niya na mas lalo ko pang ikinairap.
“Halata naman diba?”
“Wow! that’s new— I mean, I’m sorry hindi ko kasi alam”
“Now you know”
Masungit ba? Eh ayoko sa strangers eh. Lalo na‘t katulad nitong ugok na ‘to. Alam ko may beach at pools dito pero kailangan ba talagang maglakad nang walang suot na pang-itaas?
I mean— oo na ignorante na ako.
“Pft— sorry na. Ito na nga magbibihis na”
Legit na napaismid ako nang magbihis siya sa harapan ko.
May dala-dala palang t-shirt ang loko.
“Done. Ayos na ba?”, tanong niya at ngumiti.
Tumango na lamang ako at umayos ng upo.
“I’m Dave”, pagpapakilala niya saka inilahad ang kamay.
“Tory”, sagot ko naman at tinanggap ang kamay niya pero agad ko ding binitawan.
“Nice name—”
“Love”
Agad akong napatayo nang biglang sumulpot si Alas sa harapan namin.
Hindi ‘yung pusa ah kundi si Zachary Ace Taylor.
Compared earlier, mas lalo pang dumilim ang mukha niya. He’s face is serious at nag-iigting na ang panga niya.
“Let’s go our children are waiting for us”, aniya na ikinalaglag ng panga ko.
Anong pinagsasabi ng Alas na ‘to?