》TORY《
I groaned when I tried to move my body. s**t! Pinagod na naman ba ako ni Alas?
Pero naalarma ako nang malaman kong kaya hindi ako makagalaw ay dahil nakatali ako. Dagdag pa ang mga daplis na tama ng baril sa katawan ko.
“Ma!?”, sigaw ko para tawagin ang atensyon ni Mama na nasa likod ko rin. Nakatali kaming dalawa sa upuan. I gulped when I heard her sobbing.
“Ma, are you okay?”, kinakabahan kong tanong. God, please tell me hindi sinaktan ni John ang Mama ko.
“I’m sorry...”
I shook my head. I know why she’s saying sorry. Sa totoo lang hindi ko naman talaga siya sinisisi sa mga nangyari saamin. I love my Mom a lot. Kahit ba buong buhay ko wala siyang ginawa kundi ikumpara ako sa iba.
“Hindi mo kasalanan, Mama”, usal ko at tumingin sa itaas para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
“No, it's my fault. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit ganito ang sitwasyon natin ngayon, kasalanan ko kung bakit ka nasaktan ni John. Kasalanan ko kung bakit namatay ang Papa mo”
Nanlamig ako sa huli niyang sinabi.
Gusto kong magtanong, gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.
How come it’s her fault na namatay si Papa?
Papa died because of car accident that’s what they said.
“I’m sorry. Hindi ako na-kontento sa buhay natin noon. Gusto ko pang yumaman kaya nangutang ako nang malaki sa boss ni John.
Hindi ‘yun alam ng Papa mo. Nalaman lang niya nung siningil na ako at pinagbabantaan ni John. Still remember your friend, Zaq?”
Mas lalo pa akong kinabahan nang mabanggit ang name ni Alas. Please, please...
Sana wala siyang kinalaman dito. Nagmamakaawa ako sana wala siyang kinalaman sa mga nangyari.
Napapikit ako sa kaba. I can imagine his serious looking face while staring at me.
Alas...
“Dahil sa kagustuhan ng Papa mo na mabayaran ang inutang ko, binenta niya lahat. ‘Yun ang dahilan kaya tayo naghihirap. Pero hindi parin sapat. Patuloy parin kaming pinagbantaan ni John. Wala nang choice ang Papa mo kung hindi magnakaw sa mga magulang ni Zaq”
Shit!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang mapigilan ang galit at sakit.
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin. Ang pagmamahal ko Mama ko bigla nalang naglaho. Napalitan ng galit at hinanakit.
Pero hindi ako nagsalita. Gusto ko pang malaman kahit parang sinasaksak na ang puso ko.
I need to know the whole story.
I need to know why my Papa died. I need to know what happened.
“Nalaman ng mga magulang ni Zaq ang nangyari at sinubukan nilang kausapin kami para kunin ulit ang pera. Pero wala na saamin. Wala kaming maisauli. Sinabi namin ang totoo sa kanila at tinulungan nila kaming makapagsumbong sa mga pulis. Pero...”
[FLASHBACK]
“Puwede muna kayong manatili dito. We still have some rooms that are available for your family. Alam naming nanganganib ang buhay niyo”, wika ni Herietta at kinuha ang nanginginig na kamay ni Kayline.
“You are all safe here”, dagdag pa nito at ngumiti.
Kahit pilit ay ngumiti na din si Kayline. Mas lalo pa niyang niyakap ang nahihimbing na anak niyang si Victoria.
Ang dalawang mag-ama naman ay pilit na pinapakalma ang mga sarili upang hindi mahalata ng mga asawa na kinakabahan sila sa puwedeng mangyari. Ngayong alam na ng boss ni John ang ginawa nilang pagsuplong sa mga awtoridad, paniguradong sila ang target nga mga ito.
“Salamat talaga sa pagpapatuloy saamin dito”, sambit ni Lito at nilagok ang alak na nasa baso saka sinalinan ito ulit.
“Sino pa bang ibang magtutulungan kundi tayo tayo lang din. Pero sana sinabi mo agad ang problema mo. We can help you, you know that. Hindi mo kailangang magnakaw”, sagot naman ni Reynante sabay hawak sa balikat ng kaibigan.
“We can get through of this. Maraming pulis na nakapalibot sa buong mansion kaya imposibleng makapasok sila. Nagpakabit na din kami ng mga CCTV para makita agad natin kung sino ang mga nakapasok”
“s**t! Sir! May nakapasok!”, sigaw ng nagbabantay ng CCTV. Agad tumakbo ang dalawang ama sa kanilang mga asawa.
“Pumunta kayo sa itaas! Itago niyo ang mga bata!”, sigaw ni Reynante, ang ama ni Zaq.
Agad tumalima ang dalawang ina sa kagustuhang maisalba ang buhay ng mga anak nila.
Pumasok sila sa kuwarto ng batang si Zaq na ngayon ay takang-taka habang nakaupo sa kama niya. Dahan-dahang inilapag ni Kayline ang nahihimbing na anak na si Tory sa tabi ni Zaq.
Napatili sila nang makarinig ng mga putukan sa baba.
“Dito lang kayo. I’m going to check what’s happening”, usal ni Herietta at akmang maglalakad palabas ngunit agad na nahawakan ni Zaq ang kamay nito.
“Stay”, naiiyak na sambit ng bata.
Pilit namang ngumiti si Herietta at umupo sa kama ng anak.
“I need to check your father. Hindi ba good boy ka na? Bantayan mo si Tory, okay? Huwag mo siyang pababayaan”, pag-aalo ni Herietta sa anak at pinahid ang mga luha nito.
Tumango ang bata kaya siya ay tumayo na at naglakad palabas.
Hinanap ni Zaq ang kamay ni Tory at saka ito pinagsaklop sa kanya.
Mapait na napangiti si Kayline sa nakita.
Halos lumipas na ang isang oras pero hindi parin nakabalik si Herietta.
Humupa na rin ang mga barilan sa ibaba kaya napagdesisyunan ni Kayline na lumabas upang tingnan ang sitwasyon.
Sumulyap muna siya kay Zaq at ningitian ito bago tuluyang lumabas at bumaba.
Napasinghap siya nang makita ang mga walang buhay na katawan sa buong bahay. Karamihan sa mga ito ay mga pulis at mga kasambahay ng pamilya.
“Herietta!”, gulat na gulat siya nang makita ang nakahandusay na katawan ng kaibigan.
Naliligo na ito sa sarili nitong dugo dahil sa tama ng baril sa dibdib nito.
Lumuhod siya at naiiyak na niyakap ang kaibigan.
“Oh, Diyos ko! Herietta gumising ka!”, tinatapik-tapik niya ang mukha ng kaibigan pero talagang wala na itong buhay. Napaiyak na lamang siya sa paghihinagpis.
Sinisisi niya ang sarili. Kung hindi dahil sa kanya, buhay pa ito ngayon. Makakasama niya pa sana ang anak nito.
“Kayline, mahal ko”
Natigilan siya nang marinig ang boses na iyon. Mas lalo pang kumabog ang dibdib niya at agad na lumingon.
“John...”
Ngumisi ang lalaki sa kanya habang hawak-hawak ang baril na sa tingin niya ay nakatama sa kaibigan niyang si Herietta.
“Walang hiya ka! Anong ginawa mo kay Herietta!?”, galit na galit niyang sigaw.
Mas lalo pang ngumisi ang lalaki at sumulyap sa walang buhay na katawan ni Herietta.
“Lumaban siya eh. Kaya ayun, binaril ko”
Nanggagalaiting inilapag ni Kayline ang katawan ng kaibigan at tumayo para sugurin si John pero nahawakan ng lalaki ang kamay niya at marahas itong hinila papalapit sa kanya.
“Bitiwan mo ako!”, pilit niyang inilalayo ang sarili kay John ngunit malakas ang lalaki. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.
“Nakakadiri ka!”
“Ngayong wala na silang lahat, malaya na kitang maaangkin. Akin na simula ngayon”
Nanlamig siya sa sinabi ni John.
“A-Anong ibig mong sabihin? Where’s my husband!? Asan si Lito!?”
Humalakhak ito at hinaplos ang pisngi niya na agad niyang iwinaksi.
“Sinubukan nilang pigilan ang pagtakas ni boss. Kaya ayun, pareho-pareho silang nahulog sa bangin. Si Reynante, si Lito at ang tanga kong boss. Kaya tayo nalang ang natitira ngayon, mahal ko. Simula ngayon, akin ka na”
Naiiyak na napaupo na lamang si Kayline sa narinig. Hindi niya matanggap na wala na ang asawa niya. At ang mas malala pa dito, wala na nga ang kaibigan niyang si Herietta, wala na rin pala ang ama ni Zaq.
Papaano na ang bata?
“Hinding-hindi mangyayari iyang gusto mo, John”
“Kung ayaw mo, papatayin ko nalang ang mga bata—”
“Huwag!”, agad na pigil ni Kayline.
“Oo na, sasama na ako. Pabayaan mo na ang mga bata. Huwag mo silang idamay”
“Sige, mahal ko. Magkita nalang tayo pagkatapos ng libing. Huwag na huwag kang tatakas o malalagot kayong mag-ina”
[END OF FLASHBACK]
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ang Mama ko na buong buhay kong pino-protektahan ang dahilan kaya namatay ang Papa ko. Ang dahilan kaya nawala ang mga magulang ni Alas.
Alam niya ba ang lahat ng ‘to?
I shook my head to scratch that thought.
Kung alam niya paniguradong sasabihin niya naman din hindi ba?
We are the reason why his parents died but bakit wala akong napansin na may hinanakit siya saakin?
“Hiwalay na nilibing ang Papa mo sa mga magulang ni Zaq. Ipinalabas kong aksidente lamang ang nangyari para hindi ka na nila kuwestiyunin pa. Kinausap ko si John na palipasin muna ang taon bago siya pumasok nang tuluyan sa mga buhay natin. Pumayag naman siya. I’m sorry, anak. Sorry kung hindi kita maipaglaban nung mga panahon na sinasaktan ka ni John. Iniisip ko kasi na baka mas lalo ka pa niyang sasaktan kapag nilabanan ko siya. Kaya minsan hinahayaan ko nalang na ako ang saktan niya kaysa ikaw.
Matapos niyong makatapos ni Zaq sa Grade Six, kinuha siya ng Lola niya. At tuluyang naibaon ang nakaraan sa paglipas ng mga panahon”
I squeezed my hands into fists.
Napahamak ang mga magulang ni Alas dahil saamin.
Hindi ako papayag na mapahamak siya dahil parin saamin.
“Nang makita ni John ang kumakalat niyong litrato ni Alas, nagka-interes ulit siya sa perang puwede niyang makuha sa kanya—”
“Kapag napahamak si Alas, hinding-hindi ko na mapapatawad ang demonyo niyong asawa”, singit ko sa sasabihin niya.
Hindi na ulit siya nakapagsalita. Pinatahan ko na lamang ang sarili ko at inisip kung papaano makakatakas mula sa pagkakatali.
I’m sure Alas is on his way now.
I need to warn him about John.
Hindi na ulit siya puwedeng mapahamak dahil lang sa letseng pera na iyan.
Pinilit kong inilusot ang kamay ko mula sa tali. Hindi naman ako gaanong katabaan kaya wala pang sampung minuto, nakalagan ko na ang sarili ko.
“Anak, huwag pakiusap. Mapapahamak ka lang”
Hindi ko pinansin si Mama at patuloy parin siyang kinakalagan.
Nang tuluyan na siyang makalaya mula sa pagkakatali, saka ko lang ulit napansin ang mga braso at hita niyang dumudugo. Marami din siyang pasa at galos sa mukha at sa katawan.
Mas lalo akong nagngingitngit sa galit.
Tangina mo John pagbabayaran mo lahat ito.
“Hide”, utos ko kay Mama. Akmang lalabas na ako ng kusina pero hinawakan niya ang kamay ko.
Umiling-iling siya tanda na ayaw niya akong paalisin.
“Napahamak na minsan ang pamilya ni Alas, Mama. Hindi ko na kakayanin kung nang dahil saating dalawa, mapapahamak ulit siya”, wika ko at iwinaksi ang kamay niya saka tuluyang lumabas.
I need to find my phone.
Pero kailangan ko munang hanapin si John. I need to know what he’s doing right now.
Hindi naman ako nabigo dahil agad kong nahanap si John sa salas.
Nakaupo siya sa couch at nanunuod ng palabas habang hawak hawak parin ang baril niya.
Nakita ko naman ang cellphone ko sa mesa malapit kung saan siya nakaupo.
Paika-ika akong bumalik sa kusina at humanap ng puwedeng maipangpokpok kay John.
Nakita ko naman si Mama na ngayon ay nakatago sa ilalim ng mesa.
Akmang lalabas siya mula sa pinagtataguan niya nang makita ako pero sinenyasan ko siya na manatili roon.
Humanap ako ng pamalo pero wala akong makita. Wala akong choice kung hindi kunin ang kutsilyo.
I don’t know how to use this pero bahala na si God.
Dahan-dahan akong lumabas at naglakad patungo sa likod ni John. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsilyo.
Nakita kong nakita niya ako mula sa repleksyon ng TV kaya bago pa man siya makapalag ay itinutok ko na ang kutsilyo sa leeg niya.
“Huwag kang gumalaw o mamamatay ka”, banta ko at agad na kinuha ang baril niya.
Nakita ko pa ang pagngisi niya.
“Kaya mo bang gamitin iyan saakin?”
Napaigik siya nang diniinan ko ang kutsilyo sa leeg niya.
“Belive me, John. Sa mga nalaman ko kanina, kayang-kaya kitang patayin ngayon mismo”, galit kong sagot sa kanya.
Hindi na siya nakaangal pa kaya inabot ko na ang cellphone ko at tinawagan si Alas.
Agad din naman niyang sinagot.
“Tory! God! Are you okay? Malapit na ako!”
“Huwag!”
“What do you mean? Okay ka lang ba? May ginawa ba siya sa‘yo? Just hold on, paparating na ako. Malapit na ako”
“Huwag ka na tumuloy nakikiusap ako sa‘yo. Napahamak na ang mga magulang mo dahil saamin Alas. I can’t take it anymore if pati ikaw mapapahamak din”
Natahimik siya sa kabilang linya.
“Alam mo na pala”
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
Sa sinabi niya nakumpira ko na sa simula palang ay alam na niya ang nangyari noon.
“Oo, kaya huwag ka na pumunta pa. Pinuputol ko na ang ugnayan nating dalawa. Bukas na bukas din...”, napalunok ako at tumingin kay John. Napangiwi naman siya nang mas lalong mapadiin ang kutsilyo sa leeg niya.
“Pipirma ako ng ibang kontrata na magiging tanda na pinuputol ko na ang kontratang napirmahan ko. Huwag ka na pumunta, Alas”
Hindi ko alam kung makakalabas pa ako nang buhay sa pamamahay na ‘to. Nanghihina na rin ako sa mga tama ng baril at sa pangbububog ni John saakin kanina. Kung makakalabas man ako, paniguradong bilangguan ang magiging tahanan ko.
Hindi ako makakapayag na makalabas si John.
Mamamatay muna ako bago niya masaktan si Alas.
“Tory—”
Hindi ko na siya pinatapos pa at pinutol na ang tawag.
Eksaktong paglapag ko sa cellphone ko ay nasulyapan ko ang nakangising mukha ni John sa repleksiyon ng TV.
“Siguro naman, puwede na ulit tayo mag-usap?”, aniya at marahas na kinagat ang kamay ko na naging dahilan kaya ko nabitawan ang kutsilyo.
Agad akong napasandal sa pader habang hawak hawak ang kamay ko na dumudugo na dahil sa diin nang pagkakakagat ni John.
Tangina. Cannibalism na ‘to ah.
He licked the blood na naiwan sa bibig niya at ngumisi.
“Now, give me my gun. Alam ko namang hindi mo kayang gamitin iyan”