》TORY《
Matapos ang “dramatic” na prank kanina, nandito kami ngayon sa mahabang mesa.
Obviously, kumakain kami.
Hindi parin maka-get over ang lola niyo. Kayo ba naman ang i-prank ng ganun. Tapos sa huli kapatid lang pala. Masyado pa namang makatotohanan lalo na‘t may singsing din si Ate Shan. Tho napakatanga ko sa part na muntik na akong maniwala dahil Ramos ang ginamit na pagpapakilala ni ate Shan kanina at hindi Taylor. To think of it, parang familiar ang Ramos.
I call her “Ate” since that’s what she likes.
Ayaw niyang tinatawag siyang “ma’am” o di kaya’y pino- “po” siya. Oh, well...
Hindi naman siya gaanong katanda.
Sa itsura niya, she looks like the same age as me. Tho, mas maganda siya sa’kin.
“So, iha...”
Tumikhim ako at pinunasan ang gilid ng labi ko sabay inom ng tubig.
Ito na ang totoong interrogation.
Nilingon ko muna si Alas at pinakiusapan siya using eye-to-eye contact.
Tulungan mo ako, Alas. O wala kang bebe time mamaya.
Charot. Bebe time.
Binalik ko na lamang ang tingin ko kay Lola Graciella. Sosyal ng name diba? Nagpakilala siya kanina matapos magpakilala ni Ate Shan.
“Hindi prank ang sinabi ko kanina. Like what I said, I’ll triple the price Zaq’s offered if magiging lalaki ang anak niyo. If it’s a girl, I’ll pay double. The reason why I want a boy ay dahil gusto kong may magdadala ng apelyido namin hanggang sa dulo ng henerasyon naming mga Taylor. Si Zaq lang ang nag-iisa kong apong lalaki in the family. Dala-dala niya ang apelyidong pinangangalagaan namin for so many years. And because of it, siya ang nagmana ng malalaking company namin. I want his son to follow his footsteps”
Kada-bigkas niya napapalunok ako. This woman, siya ang hinahangaan ng buong mundo dahil sa katalinuhan at kakayahan niya when it comes to business. Noon, nakikita ko lamang siya sa mga billboards pero ngayon kaharap ko na siya mismo.
Humahanga ako at the same time, disappointed din.
How can she control his grandson’s life?
Hindi niya man lang ba naisip na may iba ding gusto si Alas?
What if Alas isn’t happy about this?
Papaano kung napipilitan lamang siya?
“Bakit...", I gulped.
Ang dami kong gustong sabihin. Pero hindi ko alam kung tama ba. What if she’ll get angry?
“Bakit hindi niyo nalang hintayin na ma-inlove si Alas at magpakasal? Why do you need a baby maker? Maraming humahanga kay Alas— I mean Zaq, I’m so sure someone out there deserve a man like him”, sinulyapan ko si Alas na ngayon ay nakatitig lamang sa pagkain niya. Maybe he’s thinking too.
Uso ang umangal paminsan-minsan Alas. Hindi nakakabanal ang pagsunod sa mga nakakatanda kahit na ayaw mo.
“I did let him fall in love years ago”
Agad akong napatingin kay Lola. Zaq fell in love? Years ago?
“But the girl used him and made him looks like a sugar daddy”
My jaw literally dropped.
Wth?
Ang tanga ni girl!
“You see, iha...”, binitawan niya ang hawak na tinidor at tumingin kay Alas.
“Sa mundo ng mga tulad namin, walang matatawag na true love. Sometimes, love comes because of money”
Nasaktan ako sa sinabi niya. Ganun ba talaga?
Then what’s the use of money if you can’t have a true love?
Anong silbi ng gabundok mong pera kung mahal ka lang ng mga taong nakapaligid sa‘yo dahil lang sa kasikatan at pera?
Napalingon ako kay Ate Shan. She was silent kanina pa. “How about you, Ate Shan? Diba ikakasal ka na?”
Napatigil siya sa pagkalkal ng pagkain sa plato niya at mapait na ngumiti.
“Yeah. I’m getting married...”, she replied sadly.
“For the sake of business”, dagdag niya pa na mas lalo kong ikinabigla.
"But Ramos ka na diba?"
"You see, I'm married na. But my husband died and yeah, ikakasal ulit ako"
So this is the world of Taylors.
The world of business.
Mundo ng mga mayayaman.
“Pasensiya na”, agad kong pagpaumanhin.
I know she’s not happy. I wonder if she’s in love with someone. Kasi nga diba? May mga mayayaman na na-inlove sa hindi naman gaano kayaman tapos ayaw ng magulang kasi gusto ‘yung mayaman din ang mapangasawa nila.
Hep—
I think I should stop watching dramas.
“Let me just clear things, iha. Kapag nailuwal mo na ang bata mapa-babae man o lalaki at nabayaran ka na, you have no right na. Are we clear?”
I nodded. Mas malinaw pa sa dugo niyo Lola.
Charot.
“Okay then...”, tumingin siya kay Alas at ngumiti.
“I’ll give you 1 week to enjoy your— ehem, you know what I mean. Ako na ang bahala sa trabahong maiiiwan mo, pumunta kayo sa isang beach o mag abroad kayo— kayo na ang bahala. Basta apo, huwag mo akong ipapahiya”, then she winked at him.
Pareho kaming namula ni Alas.
One Week!? Seryoso? She think makakabuo kami sa loob ng isang Linggo?
What the— puwede din naman siguro kung araw-araw diba? Or gabi-gabi para sure na may mabubuo.
Teka ano bang pinag-iisip ko.
May klase pa ako!
“Uhm”, I raised my hand to capture her attention.
Nang bumalik ang tingin niya saakin. Awkward akong ngumiti.
“May klase pa po pala ako. Bawal ako umabsent”
Kumunot ang noo niya. Aguy. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Akala ko ba pinaimbistigahan niya ako?
Lola naman pinakakaba mo na naman ako.
“You think I can’t take care about that?”
“Hindi naman po sa ganun—”
“Ako na ang bahala sa lahat. Just enjoy and have some fun. But make sure may mabubuo. Hindi naman sa nagmamadali ako pero parang ganun na nga”
I’m so freaking dead.
Masyadong atat si Lola.