Pagkauwi ko ay may nadatnan ako na tutang nakahiga sa papag namin sa labas ng bahay.
Pumasok muna ako sa loob saka nagbihis ng pambahay na damit. Lumabas na ako para muling tignan ang tuta.
Omg ang cute cute naman, ka himbing ng tulog. Color brown siya na may pagka black. Galing pa ito sa probinsiya namin. Dala dala siya nina mommy at daddy.
Pinasok ko siya sa loob ng bahay saka pinahiga sa sofa. Nag-uunat pa siya.
Mukhang pagod pa sa biyahe kaya hinayaan ko nalang muna siya matulog.
Kumuha si lolo ng box para roon matulog yung tuta. Nilagyan ko ito ng diyaryo at lumang damit para may sapin siya't hindi ginawin.
Pumasok muna ako sa kuwarto dahil may sasagutan akong assignments.
Pagkalabas ko ay dumudumi na yung tuta sa kusina.
"Nako po," pinupunasan na ni lola ang dumi. "Ibalik mo na nga iyan sa Nueva Ecija. Ayokong mag-alaga ng tuta."
Alas singko na nang nakauwi sila mommy at daddy. Pagkarating kasi nila galing probinsiya ay umalis na rin sila dahil may inaasikaso sa bangko.
May binili silang ulam. Sisig with egg, my favorite. Nag cellphone muna ako dahil maaga-aga pa naman para kumain ng hapunan.
Wala pa rin akong naiisip na pangalan para sa tuta.
Hay nako, napaka likot talaga nitong bubwit na ito. Kanina lang ay nginangatngat yung tsinelas ko, then ngayon, yung basahan naman sa sahig ang pinadidiskitahan.
Kinabukasan ay wala si ma'am Jen kaya si sir Joey lang magbabantay sa amin. Pero pinalipat pa rin kami sa ibang section.
Pinakopya sa amin ang reviewer sa MAPEH. Pagkatapos naman no'n ay nag recess na. Parang gusto ko nalang magpalipat sa section na ito. Nasa 230 pesos lang ang tray at wala pang soup.
Nang matapos na ang recess ay pinagpatuloy na namin ang pagsusulat.
"Umurong ka nga ro'n Rye," singhal ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, dikit na dikit sa akin yung upuan niya, tapos parang timang pa na naka titig.
"Bakit? Kinikilig ka 'no?"
"S'yempre hindi."
"Tss, titig pa nga lang itong ginagawa ko ha, baka mamaya mabuntis ka na kapag nginitian kita."
Inirapan ko nalang siya at cellphone dahil tapos naman na ako magsulat.
Pinag half day lang kami. Tumawag din si mama na hahatidan niya raw ako ng pagkain. Sinabi ko na half day lang kami kaya sinama nalang niya ako sa SM.
Siyempre kumain kami sa Jollibee. Nagpabili rin ako ng ice cream.
Nag grocery rin kami sa hypermarket at nag-aya rin ako sa arcade.
Nang may makita akong grupo ng kabataan ay agad akong lumayo. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako, hindi ako takot pero lumalayo ako.
"Sam, intayin mo si tita Mel mo, pupunta raw sila sa rito. Mag wi-withdraw lang ako." Bilin ni mama. Tatanungin ko pa sana siya kung saan banda ng mall sila tita Mel kikitain kaso umalis na agad si mama.
Maya maya lang ay nandito na sila tita Mel at tita Cha kasama ang mga anak nila. Sila Jade at Danica.
Hindi kami gano'n ka-close pero nagpapansinan kami. Nagpaalam ako kay mama na magte-take out muna ako ng fries sa mcdo.
May nadaanan din ako na milk tea shop kaya bumili na rin ako roon.
6PM na rin nang makauwi kami. Wala ng pasok bukas magpupuyat ako.
1 week later
Kakatapos lang ng exam namin sa walong subject. Malapit na rin ang bakasyon.
Nanonood nalang kami ng movie or k-drama.
Ng mag-lunch n ay pumunta kaming tatlo sa Pandayan Bookstore. May nakita kaming parang isang journal. Ang gaganda ng designs.
"Oy sa akin 'to ah," turo ni Ayesha sa color pink na journal. "Sa akin naman ito," itinuro ko naman ang journal na light blue ang kulay na may pagka pink. Then kay Jergen naman napunta ang nag-iisang kulay maroon.
"Hindi ba ay exchange gift tayong tatlo? Kaso paano?" tanong ni Ayesha.
"Ganito nalang ang gawin natin. Isha, ako ang bibili ng kay Jergen, then ikaw ang bibili ng para akin, tapos si Jergen naman ang bibili ng sa iyo." Paliwanag ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa.