Cierra Maureen's POV Nakasandal ang ulo ko sa salamin ng kotse ni sir Francoise habang nakangusong pinapanoon ang pagbagsak ng malakas na ulan. Pagtapos namin maglakad ng mahaba ay tsaka naman umulan ng malapit na kami sa sasakyan niya kaya nakasilong kami. Umasa pa naman talaga ko na uulan habang naglalakad kami para mabasa kami pero ito kami ngayon at nakakulong sa kotse niya. Napabuntong hininga ako at hindi ko na alan kung ilang beses na 'to. Hindi ko na nga lang pinapansin ang gutom na nararamdaman ko kahit ala-una na ng tanghali. Gusto ko lang naman maligo sa ulan kahi na malamig pa. "Kumain ka muna ng chichirya kung gutom ka na," pagbabasag ni sir sa katahimikan. Tumango na lamang ako kay sir Francoise. Hindi naman ako nagugutom. Nawala pa nga ang gutom ko habanpg pinapanood

