Cierra Maureen's POV "Mama, tara na po. Alis na po tayo," sambit ko habang mabilis na naglalakad pababa ng hagdanan namin. Sabado na kaya mapupuntahan ko na si Francoise sa condo niya. Malapit ng mag ten pm pero paalis pa lang kami ng bahay. Inantay ko kasi muna na makaalis ang papa ko para wala na siyang masabi kapag nakita niya kong nakabihis. "Ganyan lang ang suot mo?" tanong sa akin ni mama. Napatingin naman ako sa suot kong graphic t-shirt na naka-tack-in sa jeans ko. Wala namang masama at ang ayos nga ng suot ko tapos nakapusod pa ang kulot kong buhok. "Mama, ayos naman po ang suot ko. Tara na po." Hinawakan ko na ang siko niya at hinila na siya palabas ng bahay. Ayokong pagpalitin pa ko ng damit ni mama dahil alam ko ang mga type ni mama na damit. Ayokong magsuot ng damit na

