Cierra Maureen's POV "Hindi ka ba titigil sa mga illegal racing na sinasalihan mo, Minton?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa ticket na hawak ko. Ticket niya para sa illegal racing niya mamayang gabi. Hindi nga siya 'yong tipo ng lalaki na palagi na lang nasa bar pero siya naman 'yong lalaki na isusugal ang buhay niya para sa panandalian saya sa illgal racing na 'yan. "Bakit naman ako titigil? Dito kaya ako masaya kahit bawal," natatawang saad niya. "Masaya pala talaga kapag bawal." Napatulala ako sa kawalan pero patuloy pa rin sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Tama siya. Masaya nga talaga kapag bawal. Dahil kahit bawal man ang relasyon na mayroon kami ngayon ni Francoise, sobrang saya ko pa rin. "Mas lalo pa nga akong natutuwa sa illegal racing dahil bawal siya. More challe

