Cierra Maureen's POV Kanina pa ko kinakabahan at hindi mapakali sa silyang inuupuan ko habang nagklaklase siya. Sa tuwing sumusulyap siya sa gawi ko palagi akong napapaiwas ng tingin sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya nang sabado ng gabi at ako naman itong sinunod ang gusto niya. Ang weird ng rason niya kung bakit ayaw niyang kainin ang pagkain na binigay ko pero parang wala na 'yon sa akin dahil lang sa pagpunta niya sa bahay namin. Ang lakas ng loob ni sir. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano niya kinausap ang papa ko. Kung pa-sarcastic din ba tulad ng pagkausap niya sa ibang tao. "Miss Celestino?" "Sir?" Napatayo ako sa silya ko at inilagay ko ang dalawang kamay ko sa likuran ko. Kinakabahan ako dahil baka ipahiya na naman niya ko kahi

