Cierra Maureen's POV Gano'n pala kung paano mag-away ang dalawang magkarelasyon. Akala ko, tulad lang sa mga palabas na isang away lang at isang minutong sakit lang pero hindi pala 'yon basta-basta. Masyado kong minamaliit ang pagmamahal at hindi ko alam na marunong din pala itong manakit. Mabuti na lang talaga at naayos din namin ni Francoise ang problema namin. Hindi niya talaga ko hinayaan na umuwi ng bahay hanggat hindi siya sigurado na hindi kami ayos. Sinigurado muna niya na maayos kami at walang samaan ng loob. Kung pagkatapos ng away ay mag-aayos naman pala kami agad, masarap pa rin ang magmahal ng walang katapusan. "Mama, wala na po ba si papa?" tanong ko kay mama na nag-aayos ng mga sangkap para sa meryenda mamaya. Napatingin si mama sa suot kong oversize na white t-shirt

