Cierra Maureen's POV Being happy is my main goal. Being happy for doing every thing. Pero itong sayang pinaparamdam ni sir sa pangalawang beses na nagising ako ay sobra-sobra na. Pakiramdam ko ito ang kapalit ng naramdaman kong paglayo sa akin ng mga kaklase ko ng ilang taon. Pinalitan ng isang tao na hindi matatakot sa akin at pasasayahin ako. Akala ko professor lang siya na sobrang galing magturo pero siya rin pala ang professor na magbibigay sagot sa akin. Sagot sa kalungkutan na nararamdaman ko sa loob ng university. "Gatas mo. Mainit 'yan kaya dahan-dahanin mo para hindi mapaso ang dila mo," paalala sa akin ni sir habang naglalakad siya papalapit sa akin na nakaupo sa silya rito sa veranda. Umagang-umaga pero ang lakas ng ulan. Hindi na nga kami nagbukas ng aircon dahil sa sobr

