Cierra Maureen's POV "Yow Cierra!" Kusang napahinto ang paa ko sa harapan ni Minton nang humarang siya sa nilalakaran ko. Ito na naman at siguradong kukulitin niya ko lalo na at ganito ang mood niya. "Bakit?" malamyang tanong ko sa kanya. Pagod na pagod ang utak ko dahil sunod-sunod ang exam namin dahil Friday na naman. Tuwing Friday talaga bumabagsak ang mga pa quiz nila. Nag review ako pero napagod pa rin ang utak ko sa dami ng subject at ang daming parts ang function na kinabisado ko. "Pakain ako!" natatawang sambit niya at kinuha sa balikat ko ang tote bag ko. Hinayaan ko na lang siya na buklatin ang bag ko dahil mukhang doon siya masaya. Pinagtitinginan tuloy siya ng ibang studyante na dumadaan dahil para siyang tanga na sabik na sabik sa baon ko. Ang angas pa naman niyang tign

