Cierra Maureen's POV "Saan ka galing kagabi? Hindi kita nakita sa party ni kuya. Ang sabi pa sa akin ni kuya Mikee pupuntahan mo raw ako pero wala ka." Napakagad ako sa labi ko dahil hindi ko naman talaga siya hinanap. Paraan ko lang 'yon para mapuntahan ko ang boyfriend ko. "Ah, nag ikot-ikot kasi ako sa garden ng hall. Hindi kita nakita kaya mag-isa na lang akong nag-ikot," sambit ko sa kanya. Mabuti na lang talaga kabisado ko ang part ng hotel ni kuya Mikee kaya madali na lang sa akin ang magsinungaling. Halos buong party, nasa parking lot lang ako kausap si Francoise. "Excuse me." Napataas ang kilay ko sa isang babae na biglang humarang sa harapan namin ni Minton. Nginitian ko siya dahil ngayon lang may ibang babae na lumapit sa akin. Ang ganda niya at bagay na bagay sa kanya

