CHAPTER 1

2468 Words
THE ACE OF THE ACES Makatang Hangal Chapter 1 ± The Aces ± [Ice's Pov] "Get off!" Naalimpungatan ako nang biglang may sumipa ng lamesa kung saan ako nakatungo. "fvck! I told you to Get off!" Galit na sigaw pa nito na pinagsawalang bahala ko pa din dahil sa sobrang antok. "Damn you! You, piece of s**t!" Mabilis akong napamulagat ng mata nang biglang dakutin nito ang hood ng jacket ko dahilan para tumalsik ang suot kong cap at kumawala ang mahaba at itim kong buhok. "BBO x ICE" tila nawala ang antok ko nang mabasa ko ang mga letrang 'yon sa cap ko na ngayon ay nasa sahig na. Agad akong tumayo at dinampot ito. "Ha! Aba't babae ka pala. Malinaw ang sinabi ko sa mensahe na lalaking myembo ng Black Brother ang gusto naming makaharap!" Napatingin ako sa lalaking nagsalita na ngayon ay na sa harapan ko. Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya pagkaway tumitig ako ng seryoso sa kan'ya. "Pagpagan mo," walang expression kong wika habang inaabot ang cap ko sa kamay n'ya, Nagsalubong naman ang kilay n'ya sa sinabi ko pero agad din s'yang sarkastikong natawa. "Aba! Naglakas loob ka na ngang matulog sa hide-out namin, ang lakas pa ng loob mong mang-utos, ayos ka din ano?!" Napakunot na lang ako ng noo sa narinig ko.  "Don't let me repeat myself." humakbang ako papalapit dito,  "PAGPAGAN MO," seryoso ko ng saad. Nasindak s'ya ng ilang minuto pero agad din s'yang napangisi. "Narinig n'yo ba ang sinabi ng isang 'to? Pagpagawan ko daw ang sumbrebr---f**k!" Napamura s'ya ng isang iglap lang ay nakatutok na sa pagitan ng mata n'ya ang dulo ng sapatos ko. "Alam mo kung ano 'to?" Tanong ko "Tangina! Ilayo mo ang paa —" BLAG! Napangiti na lang ako nang makita kong nakahalik na s'ya sa sahig matapos kong ituloy ang roundhouse kick sa pagmumuka n'ya. Humikab muna ako bago ako yumoko papalapit saka ko dinakot ang buhok n'ya at sapilitan itong inangat. "You supposed not to kiss the floor. It's disgusting," Seryoso kong wika habang hawak pa din ang nag-lalagkit n'yang buhok. "Tangina ka! Sino ka ba para gawin sa 'kin 'to?!" Sigaw n'ya nang ubod nang lakas kaya agad akong napatakip ng kaliwang tenga ko. "Aish! Nakakairita ka." Lalo kong hinigpitan ang paghawak sa buhok n'ya at hinila ito patingala. "Jerick, tangina! andito daw si Ice!" Humahangos na sambit nang kadarating lang na kasamahan n'ya. "A-Ano?!" Nakita kong lumaki ang mata nito dahil halos mabali na ang leeg n'ya kakahila ko patingala sa direksyon ko. "ang bagong Ace ng Black Brother! Si Ice Ack —" THUD! Napailing na lang ako nang makita ko s'yang dahan-dahang bumagsak nang mabilis ko s'yang batuhin ng kunai direkta sa noo n'ya. [Kunai - Assassin's Blade] "I shouldn't kill in a broad daylight. This is a mess." Humikab akong muli "Teka, 'wag..'wag mo sabihing, i-ikaw si..." napatingin na lang ako sa lalaking hawak-hawak ko. napangiti ako. halos manlaki naman ang mata n'ya nang bigla kong tangalin ang wig ko. "Ang babaeng m-may s-silver na b-buhok.." halos manginig sa takot n'yang sambit. "Hindi m-maaaari..." Pahabol n'ya pa. Napangisi na lang ako sa itsura n'ya. "You bumped me once, you'll be in danger. You bumped me twice..." tumingin ako direkta sa mata n'ya.  "you'll  die," saad ko habang nilalaro ang isa pang kunai sa kamay ko "N-nagkamali ako. P-akiusap, buhayin mo ako." Bahagya akong natawa sa sinabi n'ya "Buhayin kita?" Umarko ang sulok ng labi ko Natulala s'ya ng ilang minuto na para bang nag-iisip s'ya nang isasagot nang bigla s'yang humawak sa kamay ko. "hawak namin si Yuri!" Napahinto ako. Pakiramdam ko ay bigla na lang naging blangko ang lahat nang marinig ko ang pangalan ni Yuri. "Tama! Ipangako mo lang na bubuhayin mo 'ko, pinapangako ko na bubuhayin ko si yuri! Pakiusa—AAAAAH! TANGINA!" namilipit s'ya sa sakit ng bigla kong itarak sa kamay n'ya ang kunai na hawak ko. Mariin ko s'yang tinitigan sa mata. "Ipapaalam ko lang sa'yo na wala ka sa posisyon para magbigay ng kondisyon," Walang emosyon kong saad. "T-tama nga ang sabi nila. h-halimaw ang Ace ng Black Brother," nangangatal pero nakangisi n'yang sambit na para bang nasisiraan na s'ya aish! This is totally a mess. "Mukang madami ka ng nalalaman. Pwede ka na bang mamatay?" Wala sa sarili kong sambit na nagpatulala sa kan'ya. Aish! Don't give me that look. A terrified face is like a drug to me. A drug that makes me wanted to kill more. Ngumiti ako pagkaway hinawakan kong muli ang buhok n'ya. "A-anong g-gagawin mo?" I can hear him clearly but I feel blank at all. Tinangala ko pa ang ulo n'ya sa puntong mababali na 'to. "P-pakisaup..." namumula na ang mata n'yang sambit at parang ano mang oras ay luluwa na ito. "A-ayoko pa..." Sambit n'ya pa habang nangingilid ang luha n'ya. Bago pa tuluyang tumulo ang luha n'ya ay tinaas ko pa ng todo ang ulo n'ya "P-pakiusap, ayoko pa m-mama––"THUD!  Napapikit na lang ako nang may tumalsik na dugo sa pisnge ko nang mabilis kong ihampas ang ulo n'ya sa sahig. "H-halimaw ka," Tulalang sambit ng kasamahan n'ya habang nakatingin sa basag na muka nang tinatawag nilang Jeriko. Tumingin ako sa kan'ya saka ako ngumiting muli. Masama 'to. I don't feel any contentment. I don't feel anything aside from so much hunger to kill. "I want to kill more," Sambit ko habang nakahawak pa din sa buhok ng lalaking nangangalang jeriko na ngayon ay basag na ang muka. "D-de..Demonyo k-ka..." Rinig kong sambit nito kahit basag na ang muka at nagkalat na ang dugo n'ya sa sahig. "Nakakairita naman. Hindi ka pa din patay?" Naiirita kong tanong "Demonyo! Ikaw ang unang mamamatay!" Sigaw n'ya nang ubod nang lakas na para bang alam n'ya nang huling sigaw n'ya na 'yon. This is insane! I can't stop myself from smiling. "Ok," hinawakan kong muli nang mahigpit ang buhok n'ya. "Shinu." [Get die] Pagkasabi ko n'un ay mabilis kong hinila pa taas ang ulo n'ya at malakas na hinampas ito sa sahig. Rinig na rinig ko ang pag-crack ng bungo n'ya nang tumama ito sa tiles nang mapangiti akong muli. "A-ice, pumapatay kana naman ba?" Napahinto ako. "Ice, Isa ka ng opisyal ng Special Force ng Militar. 'wag ka ng bumalik pa sa u-underworld, p-pakisuap." natulala pa ako nang marinig ko ang nanginginig na boses ni Yuri sa telepono. I don't understand myself. Nang marinig ko ang nangangatal na boses n'ya ay nakaramdam ako ng galit pero hindi ko alam kung bakit.. Nakangiti ako. I feel the urge of killing intensifies that I couldn't help myself from grinning. "1443," saad ko habang nakangisi pa din "A-ice, no! Please, don't do—" hindi ko na narinig ang sasabihin ni Yuri nang biglang pinatay ng lalaking nasa harapan ko ang telepono. "1443? T-teka, H-Hindi ba't code 'yon na ginagamit ng BBO?" Nanginginig n'yang tanong. "Kung alam mo kung anong ibig sabihin nu'n ay tumakbo ka na," Seryoso kong saad "A-anong ibig mong sabihin?" "1443 means.." Tumigil ako pagkaway dahan-dahan kong hinila ang katana sa likuran ko. "Anata o koros." [I will kill you] Ngumiti ako Natulala na lang s'ya sa narinig n'ya. "H-hindi! B-bago ako mamatay, mamatay muna si Yuri!" Sigaw n'ya na s'ya namang nagpakulo nang husto ng dugo ko. "Magpapakamatay ka o papatayin kita?" Tanong ko nang isang iglap lang ay nasa likuran n'ya na ako. "H-hindi, hindi 'to totoo," Nanginginig n'yang sambit "I'm kind enough to give you choices. Why the f**k you are crying?" Naiirita kong tanong. Hawak ko pa din s'ya sa leeg nang makita ko sa repleksyon ng katana ko na may dalawang lalaking dahan dahang naglalakad papunta sa 'kin mula sa likuran ko. Aah. This is annoyingly great. Kasabay nang pag-angat nila ng tubo patungo sa 'kin ay ang pag-angat ng sulok ng labi ko. Malapit na sila sa 'kin ng mabilis kong hinagis sa ere ang katana ko. Nahugot ko na ang isa ko pang katana sa likod ko gamit ang kaliwang kamay nang saktong bumagsak naman ang isa ko pang katana sa kanang kamay ko. Bago pa nila marealized kong anong manyayari ay nakagulong na ako papunta sa pagitan nilang dalawa. Laglag panga silang tumingin sa 'kin kaya napangiti ako ng sobra. "Sayonara des!" [Goodbye!] Nakangiti kong sambit saka ko inangat ang dalawa kong katana at walang kurap-kurap na tinagpas ang ulo nila. Napasinghap ako ng isang iglap lang ay nagsiritan na ang mga dugo mula sa leeg nila habang gumugulong naman ang mga ulo nila sa sahig. Napangiti ako. Sinasamyo ko pa din ang masangsang nilang mga dugo ng madako ang tingin ko sa kaliwang direksyon ko nang makita kong tumatakbo na ang kasama nilang hawak ko kanina sa leeg ay napailing ako. "Run.."  Hinawakan ko ng mahigpit ang katana ko."As fast.." ngumiti ako."As you can." mabilis kong binato ito sa direksyon n'ya. Napangiti na lang ako nang makita kong tumagos ito sa centro ng leeg n'ya. Dahan-dahan akong lumapit upang kuhain ang katana ko ngunit bahagya akong napailing ng pag-kahugot ko nito ay hindi pa din humihiwalay ang ulo n'ya sa katawan n'ya. Walang expression kong tinagpas ang ulo n'ya gamit ang isa ko pang katana dahilan para tumalsik ang dugo n'ya sa muka ko. Napailing ako. Mula sa lalaking pinatay ko ay nadako ang tingin ko sa paligid. Nagkalat na ang dugo sa sahig kasama na ang mga bangkay ng pinatay ko. The view is quite fascinating yet I feel empty. "I need to kill more," Nabulalas ko. Muli kong sinuot ang itim kong wig na buhok saka ako nagsimulang maglakad patungo sa pinaka-gitnang palapag ng gusali. Nang sa wakas ay nasa gitna na ako ay nagulantang ako nang makita kong nagkalat na ang katawan ng mga walang buhay na tao habang naliligo sa sarili nilang dugo. Napalunok ako nang makita kong bawat isa sa kanila ay wala ng ulo. This style of killing... I know without a doubt... it's HER doing. "Kamusta ka na, Ice Ackeri?" Rinig kong sambit ng babaeng nakaupo mula sulok at madilim na parte ng silid na kinaroroonan namin. Nang makita ko s'ya habang nakaupo sa duguang sahig habang hawak ang ulo ng isang lalaki ay natigalgal ako. It's her. Ang dating Ace ng Black Brother Assassination Group, Ang President ng Montreal group of companies, Guevara Group of corporation at ang nag-iisang asawa ng Presidente ng Sy group of company na si Spade Inigo Sy. Agad akong yumoko. Kung kailangan ko pang humalik sa duguang sahig ay gagawin ko para lang mapakita ang pag-galang ko sa kan'ya. "Kinagagalak k-kong makita kang muli, Mrs. Xj," buong galang kong bati sa kan'ya. Nang maramdaman kong nagsimula na s'yang maglakad patungo sa 'kin ay nakaramdam ako ng sobrang kaba. This feeling. This is the same feeling I felt when I was 7 years old, 16 years ago. There's a lot of things that already changed but I'm still trembling as hell like before. "Yuri is now safe. He just passed out when he saw me." Tumingin naman ako sa direksyon ni Yuri na ngayon ay wala ng malay. Napayoko ako. "Ice, hindi ko pa din naiintindihan kung bakit ka lumuluhod at nanginginig ng sobra sa t'wing makikita mo ako," sambit n'ya gusto ko mang magsalita pero parang wala akong karapatan makipag palitan ng salita sa kan'ya Napaigtad ako ng marahan n'yang tinangal ang wig sa ulo ko. "Your silver hair is a mark of petrifying killing machine. A symbol of death. Why are you hiding it?" Lalo akong napayoko sa sinabi n'ya. Its a curse. "Tumingin ka sa 'kin, Ice." Utos nito. Dahan dahan akong nag-angat ng ulo pero nang magtama ang mata naming dalawa ay agad na tumulo ang luha ko. It's the same eyes, 16 years ago. Ang mata ng babaeng tumulong sa 'kin sa kamay ng pari na labis na nang-abuso sa 'kin sa bahay ampunan na kinalakihan ko. Habang nakatitig sa kan'ya ay para akong bumalik sa madilim na parte ng buhay kong 'yon. Katulad noon ay nakasuot din s'ya ng itim na damit habang nakaladlad ang mahaba n'yang itim na buhok at hawak hawak n'ya naman sa kanang kamay n'ya ang katana n'yang puno ng dugo habang hawak n'ya naman sa kaliwang kamay n'ya ang ulo ng paring 'yon. "For 16 years simula ng gabing 'yon ay apat na beses pa lang tayong nagkakaharap pero sa apat na beses na 'yon ay di ko alam kung bakit lagi kang umiiyak sa harapan ko sa tuwing nagkakaharap tayo." Napaiwas ako ng tingin. Paano ko sasabihin sa kan'ya na utang na loob ko sa kan'ya ang buhay ko? Na kung hindi dahil sa kan'ya ay matagal ko ng winakasan ang buhay ko habang nasa bahay ampunan ako. "Balita ko ay tinatalikuran mo na ang pagiging ACE mo sa Brotherhood at kasapi ka na ng militar ngayon," sambit n'ya saka n'ya binalik ang katana n'ya sa likuran n'ya. Napalunok ako. Inilahad ko sa kan'ya ang katana ko. "Karangalan ko ang mamatay sa mga kamay mo, Miss," nakayoko kong saad. Nagulat ako ng bahagya nang imbes na damputin n'ya ang katana ko ay binalik n'ya pa ito sa 'kin "Ikaw? papatayin ko? Ikaw na ACE ng BBO at isang opisyal ng militar? Isn't threatening to kill you? Isa pa, Mas tinuturing pa kitang anak kaysa sa nag-iisa kong anak kaya bakit kita papatayin, Ice?" Ngumiti s'ya sa 'kin. "20 years ago ng makilala kita sa bahay ampunan noon, 3 years old ka pa lang habang pinagbubuntis ko naman ang anak ko. Nang makilala kita noon ay pareho ka naming kinagaliwan ni spade sa kabila ng pagiging engot n'ya dahil wala s'yang maalala. Nang dahil sa'yo, kahit papaano ay naimagine ko ang buhay ko bilang ina at buhay may-asawa kahit hindi pa sinisilang ang anak ko at wala pang maalala si spade." Ngumiti s'yang muli sa 'kin Muling tumulo ang luha ko. "P-patawad, Xyrine," nakayoko kong sambit. "no, I don't accept an apology, why don't you grant me a favor instead?" Napatitig ako sa kan'ya. Anong ibig n'yang sabihin? "Help me." Napahalukipkip s'ya. Bahagya akong nagulat sa sinabi n'ya. Help her for what? "A-anong ibig mong sabihin, Miss?" "I want you to help me with my son..." Seryoso n'yang tugon pagkaway napaiwas s'ya ng tingin. Tila ba nag-bago ang ambiance ng paligid nang magbago ang expression n'ya. Para s'yang problemadong ina sa isang anak. Wait! Son? Ang tinutukoy n'ya ba ay ang bastardo n'yang anak na si Ace Montreal Sy? "A-anong klaseng tulong.." Nagbabakasali kong tanong dahil baka iba ang ibig n'yang sabihin. Inantay ko ang susunod n'yang sasabihin kahit masama na ang kutob ko dito. Tumingin muna s'ya sa 'kin bago s'ya nagsalitang muli. "Be my Son's Butler, Ice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD