CHAPTER 5

3126 Words
THE ACE OF ACES Makatang Hangal Chapter 5 Montreal University : The king is back [ Ice's POV ] Ang akala ko, 'pag tinangap ko ang trabahong 'to ay makakatulog na ako ng maayos pero.... Humikab ako pagkaway tumingin ako sa orasan. Damn! Alas-kwatro pa lang! At ang malala pa, ala-una pa lang ay gising na ako dahil kailangan pa naming bumyahe dito sa Private Island ng mga Montreal para lang sunduin ang rebeldeng heir na 'yon! Yeah, he was detained for almost 1 week here dahil sa mga kalokohang ginawa n'ya but detained my ass! Sa ganda at laki ng private island na 'to, I doubt kung nagdurusa s'ya sa lugar na 'to, For sure, bakasyon grande lang ang ginagawa n'ya. Humikab akong muli. Tila hinihila na ang kaluluwa ko sa kabilang dimension dahil sa sobrang antok nang biglang pumasok ang isang middle aged na lalaki sa kwarto kung saan ako naroroon. Agad akong napatayo. S'ya na siguro ang butler na magbibigay sa'kin ng orientation dito. Napakunot lang ako ng noo ng tignan n'ya ako mula ulo hangang paa na parang pinag-aaralan n'yang mabuti ang bawat detalye ng katawan ko. Bakit gan'to maka tingin ang isang 'to? "Are you the Ace of Black Brother Organization?" Seryoso nitong tanong sa'kin. Arg! Do I look like someone who just passed by here? I mean, dito sa Island na 'to na kailangan pa ng helicopter para marating? "Pardon?" I asked. Imbes na sagutin ako ay may pinapasok s'yang isang lalaki na sa tingin ko ay isa din sa kanila. "We would appreciate it if you can perform again the acupressure you have executed to Young Master Ace, the last time," Sambit nito saka n'ya pinapunta sa harapan ko ang lalaki. Eh? Anong ibig n'yang sabihin? Paralisahin ko ang lalaking 'to? Is he crazy? Ang akala n'ya ba ay pwedeng gawin ang ganung bagay sa kung sino sino lang? "I do apologize but I don't do such dangerous act to just a random people," mariin kong sambit "Random people, you say? Isn't you killed people randomly as an Assassin?" Napaangat ako ng ulo sa narinig ko. Hindi ko napigilan at humakbang ako patungo sa kan'ya. "Does this random man's head in front of us worth a billion?" Tinitigan ko s'ya ng mata sa mata. Umarko ang sulok ng labi ko ng una s'yang umiwas ng tingin. "As his butler, Young Master Ace safety is your number one priority, and doing such thing to him is very formidable act of yours," Giit n'ya. Tss. What he want me to do with him? Baby-hin s'ya? At kung ayaw n'ya pala masaktan ang heir nila bakit pinapaulit n'ya pa sa'kin 'yon? Or maybe, they just doubting my capabilities as a butler? "What else?" Naiirita kong tanong "Although Mrs. Montreal appointed you to be his butler herself, there's a limit of what you can do. Please, give importance to what I'm going to say as these will be the protocol and rules during your duty as his butler." Inayos n'ya ang salamin n'ya pagkaway tumingin s'ya sa'kin. "Distance yourself 3 meters away from him, initiating a conversation with him, even to exchange stare or just simply sneak a glance are all prohibited. Do not ever interfere with what he's doing or approach him first either. if ever he needs something from you, just follow what he wants no matter how hard, how difficult or what may it be, And most importantly.." "You can't have a personal feeling toward him." Eh? Muntikan na akong mabulunan kahit wala akong kinakain dahil sa huli n'yang sinabi. Masyado na ngang OA 'yung mga naunang rule mas inixagge n'ya pa 'yung huli and who the hell would catch a feeling to that kind of brat? What a cram joke. "I don't know if you already know this, but young master Ace is very popular now in Media Industry and there's some obsessed fan chasing him in some dementing ways such as applying as his maid to the extent." "Excuse me? Do I look like--" "He is one and the only heir of the three Biggest Companies here in the Philippines, those rules are not an exaggeration especially if the person playing an important role in society. I hope you know that," Seryoso n'ya pang saad. Woah! As if, I'm going here to chase some rebel retard who is 4 years younger than me! It's all for oath and money matter for godamn sake! Siraulo 'to! "If everything's clear to you, I will leave you here for a while. Let just meet after the young master is done preparing." Yeah, get lost already. Ang aga-aga sinisira mo ang umaga ko. Kayamot! Wait, nasan ba ang CR dito? Sa haba ng sinabi ng lalaking 'yon ay namaga na lang ang pantog ko. Paikot-ikot pa din ako sa lobby ng mansyon para hanapin ang CR ng biglang may humigit ng braso ko at walang pakundangan akong sinandal sa pader. "Shet!" Tanging naibulalas ko "3 meters away, huh? Who would set rules like that?" Napatingala ako sa nagsalita. Bago ko pa marealized kung sino s'ya ay sobrang lapit na ng mukha n'ya sa muk'ha ko. Napasinghap pa ako ng maamoy ko ang amoy mentol n'yang hininga. Damn! What's the problem with this brat?! "Since, narinig mo rin naman na 'yung rule bakit hindi mo'ko bitawan at tumabi ka sa daraanan ko?" Naiirita kong tanong. Akmang itutulak ko na s'ya ng biglang n'yang ibaba ang muka n'ya malapit sa tenga ko. "Those rules are only applicable to you and not me. also, I heard that you should not talk or even sneak a glance at me. I wonder how many rules you are going to break from this day on.." Sambit n'ya habang mariing nakahawak pa din sa mga braso ko Gusto ko man s'yang ibalibag sa marmol na sahig ay diko magawa dahil sa pesteng rules! "Ah, lemme tell you some interesting thing.." Napaigtad ako ng sapilitan n'yang iniharap ang muka ko sa kan'ya. "3 meters is too much. I mean..." Tumingin s'ya sa mga mata ko pagkaway bumaba ang tingin n'ya sa labi ko "I don't want you to go far away from me. I mean, you CAN'T go even you want to, not even 3 meters, 5 meters, or even how far you would like. In short, You can't able to escape me, not even how much you wanted to resign or quit this job, and that because.." huminto s'ya saka s'ya ngumisi. "I won't let you off out of my life." A-anong ibig n'yang sabihin? Napasinghap pa akong muli nang lumapit pa s'ya sa muka ko at I-pinned n'ya pa ako sa pader. "I will make sure that agreeing to be My Butler would be your biggest mistake in this timeline or even to your next life. Your resentful will hunt you down until you decide to quit your agony by ending your own life," Seryoso n'yang saad Nang mapansin n'yang natulala ako sa sinabi n'ya ay napangisi na lang s'ya. "Well, see you around Miss lady Butler..." Nang sabihin n'ya 'yon ay mabilis n'ya akong binitiwan at tinalikuran na parang walang nangyari. Napaupo ako sa sahig. That jerk. He is insane! Wait, why do I feel trembling? Is it because of him? Ha? What I am saying? No way! Agad akong tumayo at inayos ang suit ko pagkaway hinahanap ko ulit ang CR. Nang makapasok ako ay agad akong naghilamos ngunit Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa din ang kamay ko. Those eyes of him. He got Miss Xyrine's eyes that's why I'm trembling too much pero 'yung mga sinabi n'ya...Yinugyog ko ang ulo ko. I need to pull myself together or else I will be eaten whole by that brat. Ilang oras pa ang lumipas ay pinapwesto na ako sa labas kasama ang lahat ng maid at butler at maayos na pinahilera. Nang makita ko s'yang lumabas ng mansyon kasama ang ilang butler at ang head butler ay agad akong napabawi ng tingin. Hangang sa dumaan at makasakay s'ya sa helicopter ay 'di ko magawang tumingin sa kan'ya. "what are you doing?" Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya dahil hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy n'ya. Napaigtad na lang ako ng bigla s'yang bumaba ng helicopter at lumapit sa'kin pagkaway hinawakan n'ya nang mariin ang panga ko. "It's your first day yet you are being a nuisance as fvck! Aren't you?" Singhal n'ya sa'kin habang nakabaon pa din ang kamay n'ya sa panga ko Shit! I let no one touch me like this in the whole 24 years of my existence. Can I end being polite here and kill him? No, Ice. You. Should. Not. "Young master, this butler is under your mom's provision. Please, treat her more professionally." Nang marinig n'ya ang sinabi ng head butler ay ngumisi pa s'ya. "How sure you are that she's not one of those obsessed fans who insanely chasing me around?" Arogante n'yang tanong Fvck you to hell! I won't ever chase you! Damuho ka! Kahit namamanhid na ang panga ko at gusto ko ng baliin ang leeg n'ya ay nanatiling blangko ang muka ko. I need to be patient. No, I need to do my oath Professionally. "We can assure you that Miss Rylee is not of those people you mention." "Rylee, huh?" Nang sa wakas ay nakuntento na s'ya sa pagsiil ng panga ko ay agad n'ya din akong binitawan at sumakay ulit ng helicopter. "Don't just stand there and follow me, you imbecile!" Baritonong utos n'ya. Kahit nababanas ay agad akong sumunod sa kan'ya. Nang makapasok kaming dalawa sa helicopter at tuluyan na itong nakalipad ay du'n ko lang napansin ang suot n'ya. Naka university uniform s'ya. Pero bakit ganun? His unifrom is different from Rui and Yuri. Kulay itim ang suot n'yang coat at pula naman ang letrang 'M' na nakaburda dito, habang blue naman ang kila Rui at Yuri. Maging ang vest nila ay magkaiba, pula ang kay Ace at gray naman kila Rui at Yuri. Ang pinagkapareho lang ng uniform nila ay ang puting polo sa ilalim ng mga vest nila. Dahil siguro, anak s'ya ng owner o dahil isa s'ya sa mga kings. "Hey, do you know how to swim?" Muntikan na akong mapatingin sa kan'ya dahil sa gulat mabuti na lang ay napigilan ko. "Y-yes sir," Sagot ko. Kasing weird ng ugali n'ya ang tanong n'ya. "Sir huh? So, now you are taking your job seriously?" Sarkastiko n'yang tanong "I am taking my job seriously even from the start, sir." "Yeah, you say so, anyways, can you open the door." Sa pagkakataong 'to ay napatingin na ako sa kan'ya. I guess it's not his first time riding a helicopter. So, what the hell he is saying? Hindi ba s'ya aware kung gaano ka delikado buksan ang pinto habang nasa ere 'to? "Excuse me?" Tanong ko sa kan'ya "You finally have guts to look at me, huh?" Napabawi ako ng tingin. Ahhh! This jerk is really getting into my last nerve! "Just do what I say or else I will jump from here," Tila wala sa sarili n'yang saad. Ahhhh! Nababaliw na s'ya! Sa lakas ng tama n'ya hindi imposibleng gawin n'ya ang sinasabi n'ya. Bago pa s'ya makapagsalita ng kung anong kabaliwan ay binuksan ko na ang pinto nito. Napapikit na lang ako ng biglang sumambulat ang napakalakas na hangin mula sa labas. Yawa! Parang sasabog ang ulo ko sa dahil sa pressure ng hangin! Muli akong tumingin sa kan'ya dahil mukang hindi pa din s'ya satisfy. "Now, jump." Wait, ano daw? Tama ba ako ng rinig sa headset? Jump? Sinabi n'ya bang jump? "Ano sir? Jump?" Nang ngumisi s'ya sa 'kin imbes na sumagot ay namutla na lang ako. Wow. He is not just a jerk! He is damn Psycho! Sinong matinong tao ang magpapatalon sa helicopter ng wala man lang parachute or kahit anong flying gear? Nasisiraan naba s'ya?! "And why the hell I would jump?!" "Cause I say so. If you jump from here maybe I can be merciful to you next time," kalmado n'yang sambit na parang wala lang sa kan'ya ang inuutos n'ya. What?! Paano pa magkakaroon ng next time kung patay na ako?! Siraulo ka!!!! Gusto ko na s'yang sapakin ngayon pero, damn! "Sabihin mo, bakit ginagawa mo sa 'kin 'to?!" Mahinahon kong tanong sa kanya kahit punding pundi na ako. "Well, I can't bear breathing with the same air with you so better jump off.' A-ano?! Bakit hindi s'ya ang tumalon kung ayaw n'yang maki-share ng hangin sa 'kin?! Leshe s'ya! "And you better jump now while there's a water beneath us." Napatingin ako sa baba. If I'm not mistaken, ilog pasig na ang babagsakan ko kapag tumalon ako. Wow! Sobrang dumi nito and paano kung.. "what if, what if may buwaya sa baba?!" Sigaw ko "you are so lucky then" "What?!" Napatingin ako sa kan'ya pagkaway sa baba. Sa tingin ko ay hindi s'ya nagbibiro at kapag nag-hesitate pa ako ay baka lupa na ang bagsakan ko. Oh s**t! Mariin akong napapikit. Huminga ako ng malalim pagkaway lumapit ako sa b****a ng pinto. Hinahanda ko pa ang sarili ko para tumalon ng biglang may pwersang sumipa sa'kin. Bago ko pa marealized kung anong mangyayari ay nadatnan ko ka lang ang sarili kong sumisigaw sa ere. "Waaaaaaahhhhhh!"                           •••••••• "H-hachuuuuu!" Muli akong bumahing habang sinusuot ko ang coat ko. "I told you, being Ace Montreal Sy's Butler is no joke! Nakita mo kung anong nangyari sa'yo!" Galit na sambit ni levi "Will you stop nagging me? It's annoying!" Tugon ko habang inaayos ko ang itim kong wig. "Stop nagging? Why would I? Sino ba tinawagan mo para damputin ka sa maduming ilog kanina?!" Napakunot na lang ako ng noo ng maalala kong muli ang kagimbal gimbal na pangyayari na 'yon. "Hayop ka! Hayop ka! Hayooooop ka--HACHUUU!" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay muli akong bumahing ng napakalakas. "Hayop na Ace na 'yon! Pasalamat s'ya at buhay pa ako kung hindi, mumultuhin ko s'ya sa kahit na anong paraang alam ko! hayop s'yaaaaa!" Narinig ko na lang na natawa si levi sa likuran ko. "What? Gusto mo ding ihagis kita sa ilog pasig?!" Inis kong tanong sa kan'ya "Sorry hahahah. It just, it's my first time seeing you cursing someone outloud." "Arrg! Paanong hindi ko s'ya mumurahin eh napaka hayop n'ya! Mas halang pa ang kaluluwa n'ya sa'kin! Pasalamat na lang talaga s'ya at ilang beses ko ng ginawa 'yong ganung bagay sa mission ko pero shet! Sa ibang bansa 'yon! Imagine, mahulog ka sa ilog pasig habang may lumulutang lutang pang tae! Aaah! Tanginaa talagaaa!" "Hahaha! G na G." Tatawa pa sana s'ya nang samaan ko s'ya ng tingin. "Well, there's a fault in your part too, if you didn't agree to be his butler, you supposed to be in HQ now and receiving every man salute under your regimen and not here pleasing some retired rebel heir." I know, it's my fault but.. "How can I disagree to Miss xyrine?" "Yeah, I guess kakayanin mo pang tumalon ng isang daang beses sa ilog pasig kung hihilingin n'ya. Anyways, I heard you are going to guard Ace even in Montreal University." "Yeah, why?" Npahinto ako ng biglang sumeryoso ang muka n'ya. "Montreal University is hell." "What?" Maang kong tanong "Kung kay Ace mukang dehado ka na, I wonder how much you will go through kapag nakilala mo pa ang ilbang demonyo sa university na 'yon." Hindi ko alam pero bigla akong napaisip sa sinabi n'ya. Hindi ko pa nakikita ng personal ang Montreal University pero hindi lingid sa kaalaman ko kung paaanong ginagawang nest ng mga ka- demonyohan ng mga kilalang tagapagmana ng naglalakihang kumpanya ang eskwelahan na 'yon. Kung may isa pang kagaya ni Ace ang lumitaw sa buhay ko baka 'di ko na macontrol ang sarili ko. Baka makapatay na ako. napabuga na lang ako ng hangin dahil sa naisip ko. "Anyways, nasaan ang big bike ko?" Tanong ko sa kan'ya "Well, you can't use your big bike because its under Special force Rss," tugon n'ya "What? So, anong gagamitin ko?" "Uhm, magbangka ka sa ilog pasig?" "Tangina, nakakatawa 'yon?" Bigla s'yang napahalakhak ng malakas dahil sa sinabi ko. "Seryoso, anong gagamitin ko papuntang Montreal?!" Sigaw ko na sa kan'ya "Nasa garahe kasi boss, bakit 'di mo tignan," nakangisi n'yang sambit Hindi ko na s'ya pinansin at dumiretso na ako sa garahe. Inaasahan kong ang milan ferrari 458 ko o di kaya tochigi nisaan GT-R ko ang madadatnan ko pero wala akong ibang makita kung hindi ang isang mountain bike sa harapan ko. Wth?! Teka, 'wag n'ya sabihing..... Napasabunot ako sa buhok ko. "Waaaaah! Levi Montreaaaaaaaal!"                           ••••••••• Waah! Bwisit talaga sa buhay ko 'tong mga Montreal na 'to. I swear, 'pag may nakilala pa akong Montreal Baka tuluyan na akong masiraan! Tudo pedal pa din ako habang tagaktak na ang pawis ko nang mapansin kong malapit na ako sa b****a na Montreal University. "Woah! It's..." "It's unbelievably huge," nakatulalang sambit ko Dahil sa butler ako ng mga Montreal ay walang naging problema sa pagpasok ko sa loob. sa unang tingin ay mukang normal ang University na 'to pero habang patagal ng patagal ay may kung ano akong nararamdaman. Teka, sa'n ko naman sisimulan hanapin ang lalaking 'yon? Magsisimula na sana akong magtanong ng may nahagip ang mata ko. Is it Rui?! Aish shet! Nakalimutang kong dito nga pala sila nag-aaral. Teka, san s'ya pupunta at nagmamadali s'yang tumakbo? Dahil sa na-curios ako ay sinundan ko s'ya. takbo lang kami ng takbo hangang sa makarating kami sa cafeteria na halos ikabilog naman ng mata ko sa sobrang laki. Nang huminto s'ya sa pag-takbo ay napahinto din ako pero ang tinatakhan ko ay kung bakit sobrang daming estudyante dito ngayon. It's still 9AM in the morning so I don't think it's already breaktime. Humakbang ako papalapit kay Rui pero nang makita ko s'yang namumutla habang nakatingin sa gitna ay bigla akong napahinto. Masama ang pakiramdam ko. Dahan dahan akong tumingin kung saan s'ya nakatingin ngunit bago ko pa marealized kung saan s'ya nakatingin ay hindi na maipaliwanang ang t***k ng puso ko. It's Yuri. In the middle, Having a chain on his neck while his hands are tied on his back. Nakatingin pa din ako sa kan'ya ng biglang may umapak pa sa ulo n'ya dahilan para masubsob ang muka n'ya sa sahig. At some point, I feel something weird again. My heartbeat so fast but my mind is blank at all. Nang tignan ko kung kaninong paa ang nakaapak sa ulo n'ya ay tuluyan ng naging blangko ang isip ko. "1443..." "Target..." ACE MONTREAL SY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD