Kabanata 2

2140 Words
Kabanata 2 The door of the darkest room was once opened, I stood up as I chased the light illuminated the room, collecting the pieces I have lost all these years. However, as I was chasing the light, it starts fading away so I turned around and saw the doors closing back again. I screamed as I tried to open the door, my voice are cracking until I lost my voice. I nearly lost myself but I continue to stand up as a voice to those who're voiceless. I was surprised when the mirrors suddenly came out of the room. I wandered around the room and saw my different faces in every mirror I could see. Napaupo ako sa sahig ng dahil sa gulat kaya nang makaupo ako bawat isa sa kanila ay lumapit sa akin. Natatakot akong umaatras pero mas nagulat ako sa biglang humawak ng aking balikat. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at nakita ko ang babaeng kapareho ng mukha ko kaya napasigaw ako hanggang sa binalot nila ako sa sako. I woke up with my heart beating fast, napakapit ako sa aking dibdib at hinahabol ang aking paghinga. Napatingin ako sa bintana at nakikita ko na medyo madilim pa pero nagsisimula ng lumiwanag ang paligid. Tumayo ako at pumunta sa tapat ng pinto. I gripped the doorknob and tried to open it. Napatingin ako sa bintana at lumapit doon. I tried to reach the window for me to open it pero hindi ko maabot kaya luminga linga ako at napatigil nang makita ko ang lamesa na nasa sulok. Lumapit ako sa lamesa para itulak ito papunta sa ilalim ng bintana. Nang matapos ko itong itapat sa ilalim ng bintana agad akong pumatong sa lamesa at binuksan ang bintana. Hinanda at ingat ko ang sarili ko para makapasok ako sa bintana upang makalabas. Nang makalabas na 'ko, agad kong pinaspasan ang sarili ko at dahan-dahang lumakad papunta sa gate pero bigla akong napahinto nang makita ang bag ko kasama ang malaking maleta na tiyak mga gamit ko ang nasa loob. Huminga ako ng malalim bago ko ito kinuha at nagmartsang papunta sa tapat ng gate ngunit sarado pa ito kaya dahan-dahan kong inihagis ang aking mga gamit papunta sa labas bago ako umakyat sa pader. Heartless.... That's the only word came up from my mind. Napahinto ako sa tapat ng bahay nila Auntie at napangiti. Pumikit ako at huminga ng malalim at inalala ang mga panahon na tinanggap ako ni tita kahit labag sa kanyang kalooban. After all these months, nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya kasi tinulongan niya 'ko mamuhay kahit papaano. Siguro kung wala siya hindi ko na alam kung saan ako pupunta at isa pa, siya lang naman ang natitirang kamag-anak ko kaya nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kahit ganito ang ginawa niya sa akin. Kinapa ko ang wallet ko sa bag at kinuha 'yon tsaka binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may laman pa ito. Mostly kasi si Auntie hindi niya ako tinitirhan ng pera kahit piso pero ngayon may laman pang 1000 ang wallet ko. Tinago ko ulit ito at pumara ng taxi papunta sa bahay ni Dad. Hindi nagtagal nakarating ako sa tapat ng bahay kaya binaba ko na ang aking mga bagahe at huminto sa gate. I felt my heart in pain when I remember the time my dad did that unexpected thing. Napailing ako para iwasan ang mga naalala ko kaya agad kong pinindot ang doorbell. Maya-maya lumabas si Kuya Emman na parang kakagising pa lamang at parang mukhang nagulat siya nang makita niya 'ko kaya dali-dali niyang binuksan ang gate. "Xia! Jusmeyo. Napakaaga naman ng dating mo! May nangyari ba doon sa bahay ng Auntie mo? Sabi ko na nga ba hindi makakapagtiwala-" "Kuys, okay lang ako. Wala naman masyadong nangyari. Gusto ko lang bumalik dito.... that's it." I denied. Tumingin si Kuya sa akin na parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko kaya magsasalita na sana siya nang pumasok ako sa loob ng bahay dala-dala ang mga gamit ko. "Kahit kailan talaga iyang Auntie mo napakasama! Maamo yung mukha pero may bitbit palang sama sa kaloob-looban." Nanggigil na sabi ni Kuya habang tinutulongan akong ipasok ang mga gamit sa loob ng bahay. "Na miss ko ang bahay na 'to." mahinang sambit ko tsaka gumala-gala sa bahay. Nakuha ang attention ko nang mahagap ng tingin ko ang malaking litrato namin ng pamilya ko noong bata pa 'ko. Nakaupo si mommy habang dinadala niya ako sa kanyang bisig habang si daddy naman masayang nakatingin sa aming likuran habang nakayakap siya kay mommy. "We look so happy." I muttered. "Ang saya niyo nga diyan tignan." sulpot ni Kuya sabay tapik sa balikat ko. Hindi ako sumagot kaya tinugonan ko lang ito ng ngiti at tumango. "Gigisingin ko muna sila Kei at Ella sa guest room. Magluluto ako ng agahan." Sambit nito at muli akong tinapik sa balikat. I was left standing in front of our family picture. Lumingon muna ako sa likuran ko at tinignan si Kuya Emman na nagtungo sa guest room kaya I decided to go upstairs to put up my things. Una kong pinasok ang kwarto ko at tinignan ang bawat sulok nito. It feels so empty. Nilapag ko ang mga gamit ko sa sahig at binuksan ang maleta ko. Una ko nakita ang maliit na picture frame na may litrato ko kasama si mommy kaya agad ko itong pinatong sa taas ng table malapit sa kama ko. Patuloy ako sa pag-aayos ng aking mga gamit nang bigla akong nakarinig na parang nagvivibrate. I checked my phone na nasa pocket ng bag pero hindi naman dito nanggaling kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto tsaka sinundan ang tunog. Parang nanggaling ang tunog na 'yon sa dating laboratory ni dad kaya papalapit na sana ako nang may kumalabit sa aking balikat kaya lumingon ako at nakita si Ate Kei. I blinked twice as I calmed myself in fear. "Ate, narinig mo ba 'yon?" I curiously asked. Luminga linga siya at kumunot ang noo niya. "Uhh... Hindi eh." She said with a shrug. "Basta I can't explain basta parang nagvivibrate siya na parang.... I don't know." parang nalito ako sa pinagsasabi ko kaya muli akong napatingin sa laboratory at akmang pupuntahan ko 'yon pero pinigilan ako ni Ate. "Gutom lang 'yan, Xia. Tara na! Tulongan na natin doon si Emman." Masiglang sambit nito at inakbayan ako. We started to walked downstairs but I keep on looking around to my father's laboratory. Parang hindi ako mapakali sa narinig ko kanina. It sounds like a machine. Nang makababa na kami, naabutan namin si Kuya Emman naghahanda ng aming agahan habang si Ate Ella naman ay abala sa paglalagay ng pinggan sa lamesa. When Ate Ella's gaze met ours, she immediately smiled like a kid. "Xia!" Tili nito at agad ako sinalubong ng yakap. "Anong nangyari sa mukha mo? Bakit parang pumayat ka ata?" tanong ni Ate habang mariin akong tinitignan. "Naninibago ka lang ata, Ate! Jusmeyo! Feel ko nga ang taba ko na, oh! Tignan mo yung face ko." I cupped my face and pout. "Mukha lang ang tumaba pero katawan mo pumayat!" nanliit ang mga mata ni Ate Ella kaya napaatras ako sabay peace sign sa kanya. "Hay nako, Ella. Nanay ka na niyan?" pagsusungit ni Ate Kei. Bumusangot ang mukha ni Ate Ella sabay lingon kay Ate Kei. "Concern lang no!" "Panong concern?" "Nag-aalala kung sa tagalog!" natatawang sabi ni Ate Ella kaya ngayon si Ate Kei naman 'yong nakabusangot ang mukha. "Tama na 'yan! Para kayong mga bata." saway ni Kuya Emman habang nilalapag ang niluto niyang bacon and egg sa lamesa. "Halika na kayo kumain na tayo." Lahat kami napatahimik at sabay umupo sa hapag-kainan. Kuya Emman lead the prayer before we eat. "Nga pala Xia. Pinalayas ka na ba ng demonyitang tiyahin mo?" gigil na tanong ni Ate Ella. Hindi ako makapagsalita kasi may pagkain pa sa bibig ko kaya tumango ako bilang sagot. "Kakasuhan mo ba ang tiyahin mo sa mga pinanggagawa niya sa'yo?" sulpot na tanong ni Ate Kei. Nilunok ko ang kinain ko sabay iling. "She's still my aunt and isa pa.... may mga anak siya kaya mas okay na lang na ako ang lalayo." sabi ko kaya napatango na lamang sila sa sinagot ko. Patuloy lang kaming kumakain hanggang sa makatapos kami. They insisted to clean our dishes kaya bumalik ako sa loob ng kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko at nilagay sa cabinet. Habang inaayos ko ang mga gamit ko biglang pumasok sa loob si Kuya Emman at umupo sa kama ko kaya humarap ako sa kanya at tinignan na parang nagtataka. "Aalis muna kami ah? Pinatawag kasi kami sa JVIC and isa pa..." "Ano po 'yon?" "Kami ang napiling bagong assistants ni Professor Cortez." Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang nginitian. "Woah! Congrats sa inyo!" masayang bati ko sa kanya pero nakita kong mas sumeryoso ang mukha nito. "Pero..... hindi ko tinanggap. Sila Ella at Kei lang." seryosong saad nito. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit hindi niya tinanggap? "Big opportunity iyon kuya! Makakabalik ka na ulit sa pagreresearch. Diba iyon naman talaga ang gusto mo noon pa?" "Noon iyon.... pero ngayon hindi na." sagot ni kuya sabay yuko. "Bakit naman?" I asked. Inangat niya ang tingin niya sa akin at tumingala na para bang nag-iisip. "Kaya napili ko maging research scientist it's because your dad inspires me to pursue it pero ngayon na wala na siya hindi ko alam kung paano ulit sisimulan." he said without looking at me. Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. "Simulan mo kaya ulit? Wala naman mawawala kung subukan mo diba?" I said, trying to convince him. He smiled and nodded. "Kaya nga sasama ako kila Kei at Ella para makakapagdesisyon ako ng maayos." "Oh! Iyon naman pala eh! Kaya go na kuya! Okay lang ako dito." sabi ko sabay hila sa kanya papalabas ng kwarto. "Tumawag ka lang kung may kailangan ka ah?" Bilin nito kaya napahinto ako sa pinto habang siya naman ay nasa tapat na. "Sige sige kuya! Ingat kayo! Muah." sabi ko sabay flying kiss. Agad kong sinarado ang pinto at agad na bumalandra sa kama. Pinikit ko ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako. "Xia." "Xia... anak." Agad akong napadilat nang marinig ko ang boses ni mommy. Napahilamos ako ngmukha at huminga ng ilang beses bago ako umupo at sumandal sa headboard. Napailing-iling lamang ako sa mga nangyayari sa akin ngayong araw. Baliw na ba ako nito? Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa akin. I hugged my knees and closed my eyes again but suddenly.... I heard some noises that I can't even explain how it sound. Napasapo ako sa aking ulo bago ko napagpasyahan na sundan ulit ang ingay na naririnig ko kanina. I came out of my room again and followed the sound came from my father's laboratory. Nang tumapat ako sa pinto ng laboratory biglang nawala ang ingay na narinig ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa doorknob bago ko ito dahan-dahang binuksan. The room was hot and airless, maybe because the things that were placed there were all wrapped with plastics. Napatingin ako sa isang pamilyar na machine kaya agad ko itong pinuntahan at kinuha ang plastic na nakabalot dito. Tinignan ko ang bawat anggulo nito and as far as I remember, there's a gun inside of this machine pero ngayon wala na. Nakaramdam ako ng sakit na bumalot sa puso ko nang maalala ko na ito ang ginamit ni dad para gawin ang bagay na iyon. Sometimes I'm blaming the world for giving me an unfair life. A life that everyone leaves me. Bigla akong natauhan nang marinig ko ulit ang tunog mula sa isang kahon na nasa gilid. I slowly walked towards the box and opened it. "It's.... just a remote control." I muttered. How can a remote control vibrate like that? Am I just hallucinating or something? Pero hindi eh, it sounds real.... I was about to close the box nang bigla itong nagvibrate kaya kinuha ko ito at tinignan. It seems so strange. It's not just a normal remote control but a strange one. It has different controls that weren't familiar to me. Tumigil ito sa pagvivibrate kaya lumuwag ang aking paghinga. Akmang ibabalik ko na sana ito nang bigla itong umilaw kaya nabitawan ko ang hinahawakan ko at napaupo sa sahig. I closed my eyes to avoid the light illuminating the room. Maya-maya nang maramdaman ko na nawala na ang ilaw sa paligid dumilat ako at nagulat na parang nag-iba ang laboratory ni dad. I looked at my side and the control's still there so I took it inside of my pant's pocket. Tumayo ako at nilibot ang tingin ko sa silid. Maraming nag-iba dito kaya mas nakakagulat. It seems like I'm inside someone else's room. Aalis na sana ako sa loob ng kwarto nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang babae. "Sino ka?" gulat na tanong ng isang babae. Napakurap ako ng ilang beses na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nandito ako ngayon sa ibang mundo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD