PABLO POV Ayyyyy arehhhh na nga! Naandeni na sila sa amin. Kakagulat gha na ang deretcho ng sinasakyan namin eiyyy deni sa mansion! Deni ko napagtanto na nasa aking pangalan na pala ang titulo ng bahay ayon sa kabilin bilinan ni King David! Kanina ko laang nabasa sa kopya ng papel na nasa akin. Mabuti na laang at tagalog. Mula iyon sa pangalan ni Aldric na ipinagkaloob na sa akin. Abay akoy pumirma laang kahapon ng hindi inaalam ang lahat dahil nga sa nakita kong areng si Jade ay nilalandi ang irog ko kaya nawalan na ako ng pakialam sa dokumentong pinirmahan ko. At si itay na nga ang nagpaliwanag sa akin. Ito pala'y kabilin bilinan ni King David kay Aldric na sa akin ibahagi ang bahay sa oras na mapagawi na deni nga si Aldric. Tanda raw areh ng pasasalamat sa hindi ko pag-iwa

