CHAPTER 26

1248 Words
PABLO POV "Ala eiy itay! Ito na nga ang sinasabi ko eiy! " ng mapagsulo ko ang itay deni sa kusina. Naiinis ako kay Junior eiy! Ilang araw na pero di ko parin areh pinapansin. Alam kong may katutuhanan yung sinabi niya noong nakaraan araw pero binigyaan nya pa ng pagkakataon areng si Mayor sa halip na akoy tulungan niyang mapalapit kay Aza! Ako ang kuya nya eiy pero kay Mayor sya laging nadikit! "Ohhh ano nanaman gha yuon!? " "Si Mayor hoh itay! Aaraw arawin na ho ata niya ang pagpunta deni eiy! Para po ghang wala siyang trabaho sa Munisipyo eiy! Lageh na siyang kasama ng irog ko sa pag-iikot! May pashokolate't bulaklak pang nalalaman eiy! " reklamo ko gha. "Tumigil ka ngat, kahit papaanoy tumigil na ang gulo deni sa atin at magtuloy tuloy na sana. Isa pay wala pa ang kapatid niya kaya hayaan mo na muna at may naglilibang at nakakapaglibang siya. " Ahhhh!!! Di katanggap tanggap sa akin ang paliwanag ng itay eiy! "Ala ang itay naman! " "Mabuti pa nga si Mayor may bulaklak na nalalaman, eh ikaw!? " Ayan na nga ang sinasabi ko eiy! Di gha mandin eiy gusto kong haranahin si Aza, siya itong nagsabi ng hinay hinay laang daw muna!!!! Tapos akoy gaganirehin ng itay!? Ano na siyat tumatanda nat makakalimutin!? Ahhhh ako yatay pinagluluko ng itay! "Itay, pinagluluto ko siya ahhh! Pinaghuhuli ng isda. Pinag-iigib din, pinaghahayin ng makakain at ipinaglalaba pa nga eiy! kaya laang di nya nalalaman yuong paglalaba ko eiy! Hehe! Ay tiyak magagalit yuon! " Nang malaala ko yuong mga underwear niya eiy! Hindi naman ako manyak pero kasarap ghang amuyin. Size pa laang din ng kanyang dibdib eiy, wala ng panama ang mga nakarelasyon ko na. At yuon panty niya, Ayyy wala akong masabi dahil sa malinis na babae areh. Nakakaaddict pa ang amoy! Pansin ko laang kasi sa irog kay mahilig uminom ng tubig kaya siguro kahit siya ihe ng ihe eiy di mo maaamoy ang antot. Hindi siya tulad ng ate kong kapatid na balahura noong dalaga pa! Siya ay malinis eiy! "Kulang pa yuon Pablo. Ako nga sa iyong inay eiy ang dami kong sakripisyo eiy. Pinagsisibak ko pa iyan ng kahoy. Hatid sundo ko noon sa eskwelan. Pinag-tatanim at pinag-aani ko ang tatay at nanay sa taniman nila noon at kung ano ano pa eiy! " "Ehh itay sa tingin nyo ho eiy, ano pa po ang nararapat kong gawin eiy!? Sabi nyo kasiy hinay hinay laang!? Pero pakiramdam ko hoy napagiiwanan ho ako eiy! " seryuso ko ghang winika. "Sa ngayon eiy wala. Oo nga pala, pinapaalala sayo ni Maria yung tungkol daw mamaya naanggaling kanina deni. Kaarawan niya di gha? May kunting salo salo mamaya sa kanila at pati nga kami deni ay inimbitahan eiy. Isama mo na kaya sina Mayor ha at si Aza mamaya, naimbitahan rin ang mga iyon. Akoy may lalakarin pa kasi sa Munisipyot may pinag-uutos si Mayor. Kaganda ng balita areh sa atin at pinapagawa na niya ako ng resolution and recommendation tungkol doon sa tulay natin at kalsada deni. Pautay utay. Iba talaga yung tulong na nagagawa ng pag-ibig ni Mayor kay Aza natin eiiiy! " Sa sinabi ng itay ay nagpanting ang taynga ko eiiiy!!!! "Parang ginawa ninyong kabayaran ang Aza ko itay sa pagbabago deni! Paano naman hoh ako!? Kaya ho ba nasabi ninyong wala na akong dapat gagawin!? " "Alay hindi sa ganoon Pablo eiy. Nagulat na nga laang ako na may ganire ng set up eiy! Masaya laang ako! At basta. Kalma ka na laang muna. Hintayin mo si Aldric. Maigeh na yung nandeni siya kapag nililigawan mo si Aza. Yun ang hindi mapagsamantala. At isa pay, mas lamang ka naman kay Mayor eiy at ikaw ang kasama ni Aza matulog sa kanyang kubo si gha!? ! " Hindi n ako sumagot pa sa itay at umalis na laang ako. Akoy tampong tampo na eiy! Naandon na ako, na ako yung kasama ni Aza sa kubo. Eh ano naman!? Kasama laang naman eiy. Hindi naman magkatabi sa kama. Hind naman niya ako kinakausap at ni imikan ay hindi rin. Lagi pa ngang nakataas ang kilay! Pinuntahan ko na laang ang maisan ko matapos kong puntahan si Empoy. "What's your problem my friend Ka Pablo!? " bati niya sa akin. Tsk! Napuna ko laang sa mga tao deni sa Sagana eiy nag-eenglisan na sila eiy. Nauso na gha yuong english carabao. "Wala. Wag mo na akong intindihin eiy! Pagod laang areh! Hanapan mo ako ng limang katao Empoy. Mag-papaani na ako sa makalawa, ok na areng buhok ng mais ko oh. May isang dangkal na ang haba at maganda na areh. " nawika ko ng masilayan ko si Aza sa unahan. Ay oo nga, hindi ko pa nga pala siya nadadala deni Namamaligno nanaman ako sa ganda nya eiy. Nilalaro ng hangin ang kanyang malamais na buhok sa dulo. Napakasimple laang niya sa kanyang suot na longsleeve na puti at sumbrero na itim. Kasarap talaga niyang pagmasdan eiy. Yuong kanyang karikitan ay talagang nakakahalina. "Kagandang binibini eiiiiyyy!!!! Pag-areh nakatikim ng aking binatog, ay tiyak, dadami ang aming lahi! " nasambit gha ng labi ko. At biglang tumawa areng si Empoy! "Ka Pablo, ay alam ko na ang iyong pinuproblema. Ikaw palay inlove roon sa binibining iyon! Alah kung alam ko laang, di ko sinasamahan pa si John. " "Tsk!!! Iyang Mayor na iyan ohhh!!! Yan ang pinuproblema ko! At hindi ang Aza ko! " "Ohhhh no! Its a big problem my friend! But anyways high ways you look ugly kasi my friend. " pang iinsulto sakin ng gagong areh. "Tang ina neri!!!! Ako gha sinasabihan mong ugly eiiiy!!!?" "Ayyyy oo! Why!? Ehhh kasi pumunta na laang tayo sa bayan! Tulad ng dati! Yung may angas dapat ang dating!!!! Hindi yuong tulad ng ganyan! Mukha ka ng pang-is is ng kaldero eyyy! Ay tiyak makukuha mo yung loob ni Aza kapag nagbago ka. " "Ganun gha yuon!?" "Ayyy oo. Mukha ka na kayang tatang sa balbas mong pinag mamalaki eiy! " "May punto ka roon. Pero arey Rubin Padilla eiy! Pero sige! Tayoy pumunta ng bayan pagkatapos ng anihan. Magpapagwapo ako! " sagot ko habang nakatingin kay Aza ko hanggang sa umalis na sila Junior. "Fine! Ayyy oo nga pala Pablo, may ibebenta ako sa iyo eiy! Areh oh! Sa kaibigan ko areh, mura laang! Kunin mo na! " at ipinakita gha sa akin ang relo. "Ano naman ang gagawin ko diyan!?" "Natural, orasan areh ahhhh!!! Rolex my friend! " " Oh eiy tapos!? " "Mapapadali natural ang pagtingin mo sa oras. Di mo na kailangang magtanong kung anong oras na! " Parang taeeehhh arehhh eiiy! "Alay Empoy hindi ko na kailangan yaan! Sa talino kong areh! Tingnan mo na laang ang araw , pagtirik na araw, ala eiy alas dose na yuon! Pagpumihit naman ng pakaluran eiy alas tres na yuon! Paglumubog, ala sais na. Kuha mo gha?" "Ehhh pano kung naulan!? " "Eiiih di sumilong ka eiy!! Alayyyy ikay mababasa! " "Ayyyy oo nga!!! Eiy pano kung gabi na!? Wala nang araw sa gabi eiy! Papaano mo malalaman ang oras!?" "Ayyyy siya! Hindi na problema yuon eiyyy! Akoy matutulog na nuon. Bakit kapa magrerelo? eiy gabi na nga!? " "Ayyyy tama nga. Isasauli ko na laang areh! --- Ahhh sa iyo na nga laang ay hirap na akong ibenta areh eiy! --- Sayang naman eit... patutubuan ko pa sana kahit isang daan lang. Tsk! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD