AZA POV "Asan yung micro chip ko!?" Inis na inis na ako sa impakto na toh pero dinaan ko sya sa maayos na boses. Nahihiya parin kasi ako na malamang ang n***o na toh yung naglalaba ng mga pinaghubaran ko. Bwesset! Gusto ko ng tapusin lahat para naman makabalik na ako kina papa! Although nag-eenjoy ako sa mga fresh na pagkain dito. "Anong asan na my loves? Anong micro chip? " Tingnan mo tong gago na toh!!!! Ang ayos na ng pakikipag-usap ko sa kanya ha!!! Pinagluluko nya ba ako!!!!? Umaakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko! Yawa talaga! "Nyahhhhh!!!! Yung capsule sa brassier ko!? " may diin at pagtitimpi kong ulit. "Capsule!? Sa bra-brassier!? " Nagmamaang-maangan ba sya!!!? Ahhhh!!!! May pangiti ngiti pang nalalaman ayyy!!!! "Pablito Maliwagan!!!! Nyahhhhh!!!! "

