AZA POV Nakapasok na kami ng hotel at magkakaiba lamang ang mga kwarto namin. Magkakaiba rin kami ng palapag. Ako ang sa ibabaw. Ako ang gagawa ng way kay lolo para makalabas ng kwarto. Gagawa ako ng butas sa makapal na glass window ng hotel gamit ang laser at iba pang tools na mayroon ako. Dito kami dadaan papuntang rooftop. Si mama ang sa mismong palapag ng target at siya naman ang bahala sa mga bantay na magiging sagabal. Si Aldric naman ang bahala sa paparating. Back up siya ni mama. Habang ang iba naming kasamahan ay may kanya kanyang linya mula sa pagmamanipula ng CCTV at maging sa elevator. Ngayon din ang gabi na tatagpuin ng mafia boss ng Japan si Lolo sa kwartong yun kaya kailangan namin silang maunahan. Naka set kami sa zero one hundred hours at kailangan lang na

