Chapter 10

2587 Words
Tori’s POV “Ang ganda rito!” bulalas ni Jade habang nakatingin sa veranda ng hotel room namin at nakatingin sa magandang dagat. “Kaya nga ito ang napili ko, eh,” nakangiting tugon ni Alana. “Maganda talaga rito. Nakapunta na kami ni Papa rito, isang beses nagpasama siya sa akin kasi may aasikasuhin daw siya kaso hindi naman ako nakapag-swimming dahil wala akong pangligong dala,” nakangiting tugon ko sa mga kaibigan. “Makakabawi ka na ngayon, Tori. Dahil hanggang bukas tayo rito hangga’t day-off mo pa,” sabi ni Alana. “Oo nga, naunahan pa sa pangako ni Papa na babalik kami rito kasama si Alijhan at sina Nanay,” tugon ko. “Nakakatawa iyong isang front desk kanina,” sabi ni Jade. “Grabe, makatingin iyong lalake, gandang-ganda sa atin,” sabi pa niya na ikinatawa namin. “Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang pagiging over-confident ng kaibigan natin,” sabi ni Alana. “Na-miss ko ang bonding natin ito at sobra ko kayong na-miss,” masaya kong tugon sa kanila. “Kami rin kaya nga niyaya ka namin kaagad dito para wala nang makakasagabal sa bonding natin ito,” nakangiting tugon ni Jade. “Magpalit na tayo ng swimsuit at mag-swimming!” aya ni Alana na sinunod naman naming lahat. Dahil alam ko naman na maganda ang katawan ko at makinis ako ay hindi ako nahiyang magsuot ng two-piece kagaya ng mga kaibigan ko na pinatungan lang ng manipis na pants sa pang-ibaba pero kita pa rin ang suot kong pang-ibaba. See through ang maluwang na pants na suot ko at huhubarin ko iyon sa oras na maligo kami sa dagat. Nang nakapagpalit na kami ng damit magkakaibigan ay bumaba na kami at masayang naligo sa dagat. Israfel’s POV Pinuntahan ko na muna si Mom sa Ospital at si Apollo lang ang naabutan ko doon at wala si Dad na ipinagtaka ko. “Where is Dad? I thought he would take care of Mom here first because you have a meeting to take care of?” usisa ko kay Apollo. Inis na napabuntonghininga si Apollo. “He left when I arrived and said he had something important to take care of. Tinanong ko kung mas mahalaga ba iyon kaysa kay Mama pero hindi na ako intindi pa at talagang umalis!” tugon ng kapatid ko. “Let's go outside. We have something to talk about,,” aya ko kay Apollo. Lumabas kami ng kwarto ni Mom saka ipinakita ko ang mga na-print ko kaninang papeles mula sa computer ni Dad at nang basahin iyon ni Apollo ay bakas ang gulat na nadagdagan ng galit mula sa mga nalaman. “What is the meaning of this? Bumili si Dad ng share sa isang beach resort at kay sa babaeng iyon niya ipinangalan?” galit na tanong ni Apollo. “You read what was written in the papers, and even I was surprised and angry because of what I read. Not just a beach resort but also a restaurant and a condo that I think Dad plans to buy,” tugon ko. “Pero sobra-sobra na itong ibinibigay niya para sa Tori na iyon!” mataas ang boses na sabi ni Apollo. “Hindi kaya, hiningi ng babaeng iyon ang lahat ng ito at nagpapauto naman si Dad kaya bigay siya nang bigay kung ano man ang gustuhin ng babaeng iyon! “Minsan narinig ko sa usapan nina Alijah at Dad, na pangarap ni Tori na magkaroon ng sariling negosyo at isang restaurant iyon kaya siguro nagpatayo si Dad ng restaurant para sa babaeng iyon!” gigil na sabi ni Apollo. Kahit dama ko ang galit at kagaya ni Apollo, ay gusto kong magwala ay nagpipigil lang ako saka binuksan ang pinto at sinilip si Mom, na walang malay na nakahiga sa kama. It was as if someone had shot at my heart with the pity I felt for Mom, and I was hurting for my mother, who did nothing but love and choose Dad repeatedly even though Dad had been able to leave us a few times before. “Bantayan at alagaan mong mabuti si Mom. May mahalaga lang akong aasikasuhin pero babalik din ako dito at sinisigurado ko sa’yo, Apollo pati kay Mom, na hindi magtatagumpay ang Victoria na iyon sa pagsira sa pamilya natin at sa pagwasak niya sa puso nang tuluyan kay Mom,” sabi at pangako k okay Apollo. “Gumawa ka nang paraan, Kuya. Ikaw na lang ang pag-asa ni Mama para hindi siya tulutyan mawala sa sarili,” pakiusap ni Apollo sa akin. Nilapitan ko ang kapatid saka niyakap at tinapik sa balikat. Walang salitang lumabas sa bibig ko subalit gagawa ako nang paraan para hindi tuluyang masira ang pamilya namin ganoon na rin si Mom. Nang naglalakad na ako sa hallway ng Ospital ay kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng pantalon at may tinawagan ako. “I'm a busy person, so if you call to talk to me about something useless, don't continue and end the call,” salubong kaagad ng tinawagan ko na may seryosong boses. “I want help, Jiro,” tugon ko. Malakas na bumuntonghininga si Jiro saka nakinig na lang sa mga sinabi ko. Tori’s POV Masaya kaming sumasabay sa sayawan sa may buhanginan dahil may mga nag-perform doon ng fire dancer na grupo na may nakakaindak na tugtog. Dahil p’wede namang makisabay sa kanila ang mga nanood basta hindi lang lalapit sa grupo nilang nagsasayaw na may apoy para iwas na rin sa aksidente ay maraming audience na sumayaw na rin kasama kaming tatlong magkakaibigan. Nakasuot na lang kami ng maiksing short at naka-crop top ako habang si Jade ay naka-bra lang ng partner ng isang swim suit niya at si Alana ay naka-T-shirt na maluwag na short din ang pang-ibaba. “Girls, tignan mo may poging nakatitig sa atin!” kinikilig na sabi sa amin ni Jade na ibinulong pa at palihim na nginuso ang sinasabi niya. “Ayan ka na naman, Jade! Poging lalake na naman nasa bukang-bibig mo!” sita ni Alana kay Jade. “Pogi naman kasi talaga at chinito!” sabi ni Jade. Napatingin ako sa sinasabi ni Jade na nginuso niya at tama nga ang kaibigan ko. Pogi talaga at napakalakas ng dating. Nakasuot ng short na lagpas tuhod at kulay puti at polo shirt sa pang-itaas at naka-cross arm habang nakatingin banda sa amin pero palagay ko naman ay nanonood lang din siya ng fire dancing performance at mali ang iniisip ni Jade na nakatingin sa amin. “Lapitan natin!” aya ni Jade. “Hoy! Tumigil ka nga sa kalandian mo!” inis na sita ni Alana sa kaibigan. “Sige na! Ang pogi niya talaga, type ko!” pangungulit ni Jade. Maligalig lalo ngayon si Jade dahil uminom kami ng alak kanina na naka-can naman kaso si Jade at Alana ang talagang malakas uminom dahil ako hindi at mabilis akong malasing. Si Alana kahit marami nang nainom ay hindi naman kaagad nalalasing dahil sanay na. “Lasing ka na, eh!” inis na sita ni Alana. Hinila na si Jade paalis sa kinaroroonan namin kaya sumunod na lang din ako. “Ipasok na natin sa kwarto ang babaeng ito at baka mawala pa sa paningin natin,” sabi ni Alana sa akin. “Sige,” payag ko saka kami naglakad patungo sa hotel na hindi naman kalayuan. Nakasakay na kami ng elevator at nakalabas kay naglalakad na kami ng mahabang hallway para pumunta ng room namin kaya lang may isang matandang lalake ang nakatalikod at nakasandal ang kamay sa pader na bigla na lang napaupo na parang nanghihina kaya bigla kaming nakadama ng pag-aalala ni Alana at nilapitan ang matanda. Naiwan pa namin si Jade na lasing na talaga at nauna sa akin si Alana na lumapit. “Mister, okay lang po kayo?” mabilis na tanong ni Alana at nanlaki ang mga mata nang mapatingin sa mukha ng lalake. “Tito Seb?” gulat na bulalas ni Alana. Dahilan para magtungo na ako sa harapan ng nanghihinang lalake at magulat dahil si Papa nga iyon. Nilapitan ko siya kaagad at hinawakan sa braso. “Papa, anong nangyare? Bakit nanghihina ka?” nag-aalalang tanong ko. Namumutla na rin ang kulay ng mukha ni Papa kaya mas lalo akong nag-alala. “Nahihilo ako,” tugon ni Papa. “M-may kwarto ako rito. Tulungan niyo na lang akong makarating doon at iinom lang ako ng gamot para sa dugo ko,” sabi pa niya. Parehas na naming inalalayan si Papa at tinuro niya kung saan ang kwarto niya na kaparehas lang ng floor namin kaya lang malayo pa ang sa amin habang si Jade ay mukhang natauhan at nag-aalala na rin para kay Papa. Ako na ang nagbukas ng pinto gamit ang keycard ni Papa saka inalalayan namin siyang pumasok sa loob at pinaupo sa kama. “Ano po bang ginagawa niyo rito, Papa? Akala ko nasa Ospital kayo at inaalagaan si Tita?” usisa ko sa kaniya. “Nagkaroon kami ng biglaang meeting ng business partner ko dahil napagod ako sa biyahe nagpahinga na muna ako kaso bigla akong tinawagan ulit ng business partner ko sa resort na ito at pinapa-pull out bigla ang share ko sa resort,” tugon ni Papa na may malungkot na boses. “Shareholder po kayo ng resort na ito?” gulat na tanong ni Alana. “Oo. Pero nagtaka ako bakit gusto ng may-ari na mag-pull-out ako p-pati ang restaurant na papatayuan ko sana ng restaurant ay nagbago rin ang isip at huwag na raw namin ituloy ang usapan. Nakapirma na kami ng kontrata at ang sabi niya handa raw siyang magbayad ng danyos sa usapan namin basta lang hindi na matuloy usapan namin,” kwento ni Papa. Nakadama ako ng awa kaya umupo ako saka tumabi kay Papa at hinawakan ang kamay niya. “Hayaan mo na, Papa. Huwag mo na iyon masiyadong intindihin. Mas mahalaga naman ang kalusugan mo kaysa sa mga nawala sa’yo. Magpahinga na lang po muna kayo at huwag niyo na munang problemahin iyon,” tugon ko kay Papa. “Oo nga po, Tito, saka isipin mo na lang kapag may nawala ay mas maraming darating kaya maging masaya ka po dahil mas maraming opportunity mas maraming kwarta,” sabat ni Jade na may ngiti pa sa labi. Napangiti naman si Papa sa sinabi ni Jade dahilan para mapangiti rin ako. Lasing pa iyan pero nakapagpayo pa na may halong joke. “Mabuti at nandito kayo baka kung napaano na ako kung wala kayo. Pero, teka, nandito na pala kayo ngayon sa Pilipinas, Alana, Jade?” pansin ni Papa sa dalawa kong kaibigan. “Opo, Tito, para hindi malungkot si Tori dahil wala kami,” nakangiting tugon ni Alana. “Mabuti naman. Talagang nalungkot itong anak ko dahil umalis kayo na hindi siya nakasama,” sabi ni Papa at tumingin sa akin. “Hindi na po kami aalis at magpapatayo kami ng negosyo rito kasama si Tori,” nakangiting tugon ni Jade. “Sige, tutulungan ko kayo,” nakangiting sabi ni Papa. “Sa ngayon, Papa, ay magpahinga ka na muna at uminom ng gamot niyo sa dugo,” sabat ko. Tumingin ako kay Jade at Alana. “Mauna na muna kayo sa kwarto natin, hindi ko maiiwan si Papa kapag ganito kalagayan niya,” sabi ko sa kanila. “Huwag na. Ayos na ako, Tori. Sumama ka na sa mga kaibigan mo at magsaya kayo—“ “Papa, hindi naman kita maiiwan na ganiyan kalagayan mo saka magpapahinga na rin kami sa kwarto namin at bukas na kami magpapatuloy na magsaya,” tugon ko kay Papa na hindi na pinatuloy ang sasabihin sana niya. “Oo nga po, Tito. Inaantok na rin talaga ako,” sabat ni Jade at humikab pa. “Sige po, mauna na kami,” paalam pa niya saka sila umalis. Kinuha ko ang gamot ni Papa sa maleta at dahil alam ko naman ang lagayan niyon ay hindi na ako nahirapan saka kumuha ng tubig at ibinigay kay Papa. Nang makainom na si Papa ay pinahiga ko na siya at nilagyan ng kumot sa katawan saka inalis ang sapatos na suot niya. “Palagi mo na lang talaga akong iniintindi, Tori,” sabi ni Papa na may lungkot sa mga mata. “Kung wala ka baka matagal na rin akong sumuko sa mundo.” “Papa naman! Bakit ka susuko sa mundo, eh, may mga anak?” sita ko sa kaniya. “Sa’yo ko lang nakita ang pagmamahal na hinahanap ko at naging masaya ako dahil sa’yo, Tori,” sabi ni Papa sa akin. Ngumiti ako saka hinaplos ang pisngi ni Papa. Yumukod ako at binigyan ng halik si Papa sa noo at pisngi na sanay ko ng gawin bilang anak sa Papa ko. “Mahal kita, Papa,” sabi ko sa kaniya. “Mahal din kita, Tori,” nakangiting tugon ni Papa sa akin. Israfel’s POV “I did what you asked me to do and your Dad already knows what happened,” sabi ni Jiro sa akin habang nagpa-park ako ng kotse ko sa parking ng isang resort kung saan shareholder si Dad. “By the way, Victoria and her friends are here at the resort and Victoria is with your Dad in the same room,” paalam pa ni Jiro na ikinagulat ko. “Did you get the previous CCTV records of the hotel when Dad checked into that hotel?” tanong ko at hindi muna inintindi ang huling sinabi ni Jiro. “I got it. It's positive that your Dad and Victoria checked in here, but it's just two rooms, but they spend more time together in your Dad's room. Siguro, kaya dalawang room para ipalabas na hindi sila magkasama pero hindi nila naisip na may CCTV,” tugon ni Jiro. “I even put a voice recorder in your Dad's room today. Do you want to hear them talk?” tanong ni Jiro sa akin. “Sige, ipasa mo sa akin,” tugon ko kay Jiro. “I already paid my debt to you, and I took care of it myself because you are my friend, so don't bother me again,” sabi ni Jiro sa akin. “Thanks for your help, Jiro,” tugon ko sa kaniya. Naipasa na ni Jiro sa cell phone ko ang voice recorder ng pag-uusap nila Dad at Victoria matapos naming putuling ang tawag at narinig ko ang naging pag-uusap ng dalawa nang umalis na ang mga kaibigan ni Victoria. Napakapit ang dalawang kamay ko nang mahigpit sa manibela at malakas akong sumigaw saka hinampas sa galit ang manibela. “Mahal kita, Papa. “Mahal kita, Tori. Malalim na talaga ang relasyon ni Dad at Victoria dahilan para mapoot ako nang lubusan hindi lang kay Dad kundi pati na rink ay Victoria. I used to think that Victoria was just innocent and looking for a father's protection and love, but now with all that is happening, I have changed the way I look at her and go back to the way I was when I first saw and met her. Talagang mang-aagaw si Victoria at sisirain ang pamilya namin lalo na ngayon na nasa tamang edad na siya. Kagaya lang ng ginawa dati ng Tiyahin niya, na hindi natuloy dahil namatay ito. Kahit ang mga kaibigan ni Victoria ay pinababayaan lang ang dalaga dahil marahil may napapakinabangan din sila kay Dad kagaya ng pinaplano na lang nilang negosyo na tutulong si Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD