Tori’s POV
Bumaba na ang halik ni Israfel sa leeg at naramdaman kong naalis na rin niya ang bra ko. Napagod na akong lumaban at umiyak na lang akong hinayaan siya. Siguro kapag nakuha na niya ang gusto niya ay titigilan na niya ako at hindi na kailan man guguluhin kahit pa ang kapalit ay ang pagk-babae ko.
Mainit ang palad ni Israfel na humagod sa dibdib ko dahilan para mapaiktad ako. Bakit pakiramdam ko nag-iinit ako sa haplos na iyon na hindi naman dapat? Ayoko nang ginagawa niya kaya hindi dapat ako mag-init dahil lang parehas na kaming hubad at hinahaplos niya ako.
“Nakakadiri ka, Israfel!” bulalas ko.
Hindi ko na napigilang ibulalas iyon mula sa bibig ko at napahinto si Israfel sa paghalik sa katawan ko saka puno nang poot na tumingin sa akin.
“K-kailan man hindi ko magugustuhan ang ginagawa mo sa akin, ang halik, paghaplos at pag-angkin mo sa akin ngayong gabi ay pandidirihan ko buong buhay ko. Kung ikaw ay namumuhi sa akin ay mas lamang ako sa’yo dahil kasama ng pagkamuhi ko ay ang pandidiri ko na naangkin ako ng isang kagaya mo!” puno nang poot na sabi ko habang matapang na nakatitig sa kaniya.
Akala ko sasaktan ako ni Israfel dahil mas naging masama ang tingin niya sa akin na parang papatay na ng tao pero marahas siyang tumayo. Nakita ko ang malapad niyang likod at magandang katawan pati na rin ang umbok niya na natatakpan ng boxer short at kahit biglang nag-iba ang pakiramdam ko ay hindi ako nagpahalata at patuloy na ipinakita sa kaniya ang galit ko.
“Sa tingin mo ba hindi rin ganoon ang nararamdaman ko sa’yo, Victoria? Nandidiri rin ako sa’yo dahil para kang lintang sumisipsip sa pamilya namin!” galit na tugon sa akin ni Israfel.
Kinuha ko ang kumot ang itinakip sa hubad kong katawan. “Nandidiri ka pala sa akin pero bakit gustong-gusto mong gawin sa akin ito? Nakakadiri pala ako sa palagay na iyan?” ganting pagpapamukha ko sa kaniya.
Matalim pa rin siyang nakatingin sa akin pero mayamaya ay ngumisi siya.
“Umaasa ka bang kaya ko ginagawa sa’yo ito dahil gusto kita?” tanong ni Israfel at humalakhak na dahilan para makadama ako nang mas matinding galit sa kaniya. “You are beautiful, Victoria, and you look even more beautiful now that you are eighteen years old and have a beautiful body, and I'm just a healthy man, attracted to your physical appearance.
“Pero hanggang doon ka lang, pangkama at hindi pangseryosohan! Kaya huwag kang mag-assume na magugustuhan ko ang hampas-lupang lintang kagaya mo dahil malabo iyon at hindi ikaw ang babaeng maiisip kong magiging karelasyon ko! Ipasok mo iyan sa kukute mo!” pang-iinsulto sa akin ni Israfel na may kasamang ngisi pa.
Pakiramdam ko ay binato ni Israfel ng malaki at napakabigat na bato ang puso ko sa insulto niyang iyon sa akin. Hindi ko nagawang magsalita at napahikbi na lang ako. Iyon ang pinakamasakit na insulto, na narinig ko sa buong buhay ko at kahit alam kong galit sa akin si Israfel ay napakasakit ng salitang iyon na marinig sa kaniya.
Napayakap na ako sa katawan ko habang nakatakip ng kumot at dinakpan ko na rin ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay mababang uri ng babae ako.
“F-ck!” narinig kong tungayaw ni Israfel at nagulat ako nang lumapit siya saka hawakan ang dalawang balikat ko.
“H-huwag kang lumapit! Huwag!” sigaw ko habang umiiyak.
“Victoria!” galit na tawag niya sa akin.
“Huwag mong tawagin ang pangalan ko!” umiiyak na sigaw ko sa kaniya. “Naiintindihan kong magalit ka sa akin d-dahil sa pakiramdam mong inagaw ko sa inyo si Papa Sebastian pero ang bastusin mo ako nang ganito. Ang gawin mo sa akin ito, ay hindi na makatwiran! Sige, pandirihan mo ako, kamuhian at pagsalitaan ng masasakit na salita dahil sa galit mo!
“Pero huwag na huwag mo akong hahawakan, hahalikan at aangkinin dahil masiyado nang malala iyong na parusa para sa nagawa kong kasalanan sa inyo!” Napahagulgol na ako. “Ulila lang ako, na naghahanap ng amang masasandalan dahil nawalan ng ina at nagkataon na dumating si Papa Sebastian, na itinuring akong anak. H-hindi ko ginusto na makasira ng pamilya. H-hindi ako masamang tao.”
“Stop! Stop crying!” utos niya sa akin.
Pero hindi ako tumigil dahil hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang pagsabog ng galit at sama ng loob ko sa puso ko. Hinawakan ni Israfel ang dalawa kong balikat kaya nagpapalag na ako na may halong pagwawala dahil gusto kong makawala sa kaniya, gusto kong bitawan niya ako pero iba ang nangyari sa inaasahan ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatigil ako sa paghagulgol pero patuloy pa rin ang mga luha sa mga mata ko.
“Shh, stop crying,” puno ng kalambingan sabi ni Israfel sa akin habang yakap niya ako.
Nagulat ako at hindi nakapagsalita.
Bakit ako niyakap ni Israfel at inaalo ngayon?
Nagulat na naman ako nang hilahin na niya ako pahiga sa kama kaya nataranta ako pero pinatalikod niya ako saka humiga at niyakap muli ako.
“A-anong ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya.
Hindi nagsalita si Israfel at humigpit lang ang yakap niya sa katawan ko na pakiramdam ko ay ligtas ako sa piling niya. Ganoon lang kami at hindi ko na nagawa pang magsalita, tumahimik na lang ako habang yakap ako ni Israfel.
“Wala kang klase bukas, hindi ba? At sa Wednesday naman ay one pm ang klase mo?” tanong ni Israfel basag niya sa matagal naming katahimikan kanina.
Wala nang mga luha sa mga mata ko at nangangalay na ako sa pwesto namin ngayon na parehong nakatagilid at nakayakap siya sa akin.
“Victoria,” naiinis na tawag sa akin ni Israfel.
“W-wala,” napipilitang tugon ko.
“Dito ka na matulog kasama ko. Wala rin naman ang mga Nanay mo sa bahay at mag-iisa ka lang din doon. Hindi ligtas at babae ka pa naman,” mahinahong sabi ni Israfel.
Nagtaka ako dahil bakit alam niya ang schedule ng klase ko at alam din niya na wala ang mga Nanay ko sa bahay ngayon kaya bumangon na ako pero nakatakip pa rin ang katawan ko ng kumot saka masama siyang tinignan.
“Hindi rin naman ako ligtas kasama ka!” galit na tugon ko. “Saka paano mo nalaman na wala akong pasok bukas at ala-una ang pasok ko sa Wednesday at wala sila Nanay sa bahay? Inaalam mo ba ang lahat sa buhay ko?” tanong ko sa kaniya.
“Oo. Lahat-lahat kaya umayos ka!” galit na tugon ni Israfel sa akin.
Tumayo si Israfel saka kinuha ang cell phone sa bulsa ng pantalon at may tinawagan.
“Buy a dress when you come back here, Nyx. You have seen Victoria and you probably know what fits her,” utos ni Israfel sa kausap sa cell phone, na walang iba kundi si Nyx.
Bigla akong nag-alala dahil naalala ko si Karlos na sina Nyx at Logan ang nagdala sa Ospital.
“S-si Karlos? Nadala ba nila sa Ospital?” nag-aalalang tanong ko.
Masamang tumingin si Israfel sa akin pero wala na akong pakealam pa dahil nag-aalala talaga ako kay Karlos.
“Okay, thanks,” tugon ni Israfel sa kausap saka binaba ang cell phone at seryosong lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako. “He has been taken to the hospital owned by Midnight and Nyx and is being treated by a Doctor. His condition is not serious, and he will not die yet so don't worry about your friend,” sabi ni Israfel sa akin.
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Karlos! Isusumbong kita kay Papa!” galit na banta ko sa kaniya.
Ngayon galit na naman ako dahil naalala ko na naman ang ginawa niya kay Karlos at ang muntikan na niyang pag-angkin sa katawan ko.
“Gawin mo,” nakangising susog sa akin ni Israfel. “Bubugbugin lang ako ni Papa, ipapalayo sa’yo pero hindi naman niya mapipigilan ang maaaring mas malala kong gawin sa Karlos na iyon.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Anong gagawin mo sa kaniya?” kinakabahang tanong ko.
“Higit pa sa ginawa ko sa kaniya ngayon. Hindi mo na siya makikita sa school dahil sisiguraduhin kong mapapalayo na siya sa’yo pero makakapag-enroll pa siya sa iba basta mananahimik ka pero kapag nagsumbong ka—“
“H-hindi ako magsusumbong. Please, h-huwag ka nang gumawa nang masama pa kay Karlos,” umiiyak ko nang sabi.
Umupo sa kama si Israfel at hinaplos ang pisngi ko. “Lagi mong tatandaan na akin ka lang at walang ibang makikinabang sa’yo. Kapalit ka sa lahat ng sama ng loob, galit at kabiguan namin ni Mama dahil mas pinipili ka ni Papa kaysa sa amin. Malayo man ako sa’yo at sisiguraduhin ko na walang iba. Walang ibang aangkin sa’yo.”
Hindi ko alam kung pagbabanta ba ang sinabi ni Israfel o pangako niya iyon sa akin pero dahil natatakot akong baka magalit na naman siya at si Karlos ang mapag-initan niya ay tumahimik na lang ako at hindi na gumanti ng masakit na salita sa kaniya.
End of Flashback
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Ang panaginip na iyon ay isang masamang alaala ko na kasama si Israfel. Ang taong walang ibang ginawa sa akin kundi maging malupit noong kabataan ko hanggang sa nagdalaga ako at natapos lang dahil matapos makapagtapos ng pag-aaral si Israfel, ay umalis na siya at nagpunta sa ibang bansa pero ngayon ay nagbalik dahil sa masamang nangyari sa Mama niya.
Napalinga ako sa paligid at ngayon ay nasa kwarto ako at maliwanag na. Weekend at wala akong pasok kaya hindi ako natatakot na maliwanag na akong nagising. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maligo, mag-toothbrush at magpalit ng damit pangbahay saka bumaba sa kusina para magluto ng agahan.
Muli, ay naalala ko ang naging panaginip ko na alaala nang nakaraan at napailing. Dahil sa mga nangyaring iyon sa buhay ko ay hindi na ko muling pumasok sa bar at hindi ko na rin muling nakita si Karlos dahil lumipat na raw siya ng eskwelahan. Hindi man lang nagbayad si Israfel sa pananakit kay Karlos dahil wala talagang nagsumbong isa sa kaklase ko, na kasama ng gabing iyon dahil sa takot sa pagbabanta ni Midnight hanggang sa naka-graduate si Israfel, nang may mataas pang karangalan, na hindi naman nababagay sa kaniya sa sama ng ugali niya at kahit ang ibang kaklase kong lalake noon, ay nailang na sa akin at hindi na ako nilapitan at kinibo dahil natatakot na baka magaya kay Karlos.
Wala na rin nagtangkang manligaw sa akin noon at lumapit at tanging si Alijah na lang ang nakakalapit sa akin. Kahit wala na si Israfel, ay wala pa ring nagtangkang manligaw sa akin sa school na hindi ko maintindihan pero hindi na rin naman naging problema sa akin iyon at mas tumutok ako sa pag-aaral hanggang sa nakapagtapos ako.
Napabuntonghininga na lang ako habang nagsasandok ng noodles na niluto ko saka inilagay sa mesa at naglagay ng nilagang itlog na kanina ay nilaga ko saka kumain. Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis si Israfel kaya natahimik ang buhay ko at ngayon, ay dumating siya ay bigla akong kinabahan.
“Hindi naman siguro na niya uulitin pinaggagawa niya noong bata pa kami. Matatanda na kami kaya matured na siya ngayon kaysa noon saka sure ko sa gwapo niyang iyon ay may babaeng minamahal na iyon,” sabi ko habang hinahati ang itlog sa noodles ko na may sabaw. “Ang laki ng ikinagwapo niya ngayon, ah,” sabi ko.
Bigla ay natauhan ako dahil pakiramdam ko ay may paghanga pa ang pagkakasabi kong iyon saka napailing.
“Gwapo naman talaga ang magkakapatid na Jimenez kahit si Alijah, mabait pa iyon sa akin saka si Apollo.” Biglang napangiti ako nang maalala si Apollo.
Kahit kasi hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Apollo ay magaan ang pakiramdam ko sa kaniya at may kung ano sa puso ko na natutuwa kapag nakikita siya. Kamukhang-kamukha kasi siya ni Papa kaya nasisiyahan akong makita siya pero hindi naman ibig sabihin ay may pagtingin na ako sa kaniya. Sumasaya lang talaga akong makita ang kamukha ni Papa na anak niya.
Nagulat ako nang tumunog ang cell phone kong nasa lamesa. Paggising ko kasi at matapos maligo ay kinuha ko ang cell phone ko sa mini drawer sa tabi ng kama at isinama pababa ng kusina. Siyempre, cell phone is life kaya kahit sa paggising siya kaagad ang naalala.
Kinuha ko iyon at si Papa ang tumatawag kaya sinagot ko na kaagad.
“Good morning, Tori,” masiglang bati ni Papa sa akin.
“Good morning, Papa,” masayang tugon ko.
“Pwede ba akong humingi ng favor sa’yo? Nasa Ospital kasi ako at nagbabantay sa Tita mo kaya lang mahalaga ang files na iyon at kailangan kong maibigay sa sekretarya ko. Wala naman akong ibang mautusan dahil abala si Alijah at ang sekretarya ko ay abala sa meeting kasama si Apollo,” mahabang sabi ni Papa.
“Ang dami mo namang sinabi, Papa. Kahit ano naman iutos mo sa akin basta hindi masama at illegal ay susundin ko,” natatawang tugon ko sa kaniya.
“Mas mabuti nang ipaalam ko sa’yo ang lahat para kompleto,” aniya na alam kong nakangiti na ngayon.
“Sige po, Papa. Nasaan ba ang papeles mo na iyan at kukunin ko?” tanong ko sa kaniya.