Hindi ako agad nakagalaw matapos niya akong iwan.
Parang may naiwan din sa likod ko.
Hindi lang alaala ng gabing iyon, kundi isang bahagi ng sarili ko na matagal ko nang pilit tinatago.
“Babawiin kita.”
Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Hindi iyon simpleng pangako. Parang… threat siya. At ang mas nakakatakot—alam kong kaya niya ‘yon gawin.
At ako?
Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang pigilan… o hintayin.
KINABUKASAN, parang walang nangyari.
Tahimik ang buong bahay. Normal. Si Mommy busy sa kusina, si Daddy umalis na agad for work.
At siya?
Hindi ko siya nakita.
Hindi siya bumaba. Hindi rin siya nagparamdam. Hinihintay ko ang text messege niya pero wala. And for some reason… mas lalo akong kinabahan
“Samara,” tawag ni Mommy.
“Po?” agad kong sabi at lumapit sa kanya.
“May darating na bisita mamaya, ha. Mag-ayos ka.” Parang alam ko na ‘to. Alam ko na agad kung sino ang dadating.
Kaya naman nag ayos na agad ako. Nagsuot lang ako ng simple na off shoulder dress na kulay itim. Because black is my favorite color.
Hanggang sa natapos na ako mag ayos. Bumalik ako sa sala at nakita ko na nandoon na si Mommy.
Tahimik lang akong nakaupo sa sala habang inaayos ni Mommy ang sarili niya sa tabi ko.
“Samara, smile ka naman,” bulong niya.
“They’re almost here.” Napalunok ako sa sinabi niya.
“I’m smiling,” mahinang sagot ko.
“No, you look like you’re about to attend your own funeral.” Napabuntong-hininga ako.
“Maybe I am.” Mahinang sagot ko.
“Samara,” saway niya.
Bago pa ako makasagot, tumunog ang doorbell.
Kumabog agad ang dibdib ko.
This is it.
The family came in first na magalang, maayos, mayaman ang dating pero hindi mayabang. Bumati ako sa kanila nang nakayuko, pilit pinapakalma ang sarili ko.
Then someone stepped in behind them.
“Hi, Ara.” Nanigas ako. Bakit alam niya ang nickname ko? Lagi si Kuya Percy ang nagtatawag lang sa akin no’n.
Dahan-dahan akong napatingin.
At parang biglang huminto ang mundo ko.
Hindi.
Hindi puwede.
“K-Kenzi?” halos pabulong kong sabi.
Ngumiti siya, pero halata rin ang gulat sa mukha niya.
“Yeah. It’s me.”Napaatras ako nang bahagya.
Si Kenzi.
Best friend ko noong high school. Yung laging kasama ko sa canteen. Yung nagpapatawa sa akin kapag umiiyak ako sa CR. Yung nagbigay sa akin ng bracelet noong graduation bago siya biglang lumipat ng ibang bansa.
Siya ang mapapangasawa ko?
“You two know each other?” tanong ni Daddy, halatang nagulat.
Hindi ako agad nakasagot.
Si Kenzi ang sumagot para sa amin.
“High school,” sabi niya, nakatingin pa rin sa akin.
“We were… close.” Close.
Napangiti ako nang mapait. Close was an understatement. He was my safe place before everything became complicated.
“Ara,” tawag ni Kenzi, mas malambot ang boses.
“I didn’t know it was you.” Halata rin sa boses niya ang pagkagulat.
“Same,” sagot ko, halos walang boses.
Lumapit siya ng isang hakbang, pero agad akong napatingin sa mga magulang namin kaya huminto siya.
“You look different,” sabi niya.
“You too,” sagot ko.
Pero sa isip ko ay hindi lang siya nagbago. Bumalik siya sa panahong hindi ko na kayang balikan.
At ngayon, siya ang lalaking ipipilit nilang maging future ko.
Sa gilid ng mata ko, nakita kong bumukas ang pinto sa itaas.
Nandoon siya.
Kuya Percy
Nakatingin lang sa amin. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa mga mata niya.
Naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko siya sa itaas.
Kuya stood there, silent.
Pero yung tingin niya kay Kenzi.
Hindi na lang selos.
Parang may kinikilalang panganib.
“Anak,” tawag ni Mommy sa kanya.
“Bumaba ka na rin. Meet our guests.” Tawag sa kanya. Hindi siya agad gumalaw.
Then slowly, bumaba siya ng hagdan, bawat hakbang mabigat, bawat tingin diretso kay Kenzi.
Kenzi noticed him.
And for a second, nagbago rin ang expression niya.
“Wait…” Kenzi said, frowning a little.
“Ikaw si—”
“Yeah,” sagot ni Kuya bago pa niya matapos.
“Ako.”Napatingin ako sa kanilang dalawa.
“You know each other?” tanong ko. And I am confused.
Kenzi looked at me, then back at him.
“We’ve met before.” Kuya smirked, pero walang saya.
“Small world, isn’t it?” Hindi ko maintindihan ang tension sa pagitan nila. Parang may bagay silang alam na hindi ko alam.
“Ara,” sabi ni Kenzi, trying to sound calm.
“Can we talk later?” Bago pa ako makasagot, sumabat si Kuya.
“About what?” Nagulat ang lahat.
“Anak,” seryosong sabi ni Daddy.
Pero hindi siya tumingin kay Daddy. Nakatitig lang siya kay Kenzi.
Kenzi smiled politely, pero matigas ang panga niya.
“About high school. We have a lot to catch up on.” Sabi niya sa akin.
“Yeah?” Kuya stepped closer.
“Funny. Ngayon ka lang bumalik.” Dagdag ni Kuya Percy at halos panlakihan ko siya ng mata.
“Kuya,” bulong ko, warning him.
Napalingon siya sa akin.
For a moment, lumambot ang mata niya. Pero saglit lang.
While we are eating dinner, seryoso ang lahat.
Si Kenzi nasa harap ko. Si Kuya nasa dulo ng table, pero ramdam ko pa rin ang tingin niya.
Every time Kenzi would ask me something, Kuya’s eyes would sharpen.
“So, you still like strawberry milk?” Kenzi said softly.
Napatingin ako sa kanya at nagulat.
“You remember that?” gulat kong tanong.
“Of course,” he smiled.
“You used to drink it every lunch break.” Hindi ko napigilan ang maliit na ngiti.
“Grabe. Ang tagal na noon.” Sabi ko sa kanya.
“Not that long,” he said.
“At least, not for me.” Napatigil ako.
May ibig sabihin ba iyon?
Biglang tumunog ang kutsara at tinidor ni Kuya nang ibaba niya ito sa plato.
“Excuse me,” malamig niyang sabi.
“Nawalan ako ng gana.” Kuya said.
Tumayo siya. Tatayo na sana ako.
“Samara,” tawag ni Daddy nang mapatingin ako sa kanya.
“Stay.” Hindi pa man ako nakakatayo, alam na niya.
“Sorry for that. Maybe he is tired, sa work.” Agad na sabi ni Mommy.
Napayuko ako.
Kenzi watched everything quietly.