“Can you just stop? Masyado kayong sweet!” Nagkatinginan kami ni Kenzi, pero alam ko sa tono ng boses ni Percy na nagseselos siya. “Hon! Hayaan mo sila,nakakainggit nga sila. Ang sweet nila.” Sabi ni Claire, napatingin si Percy sa kanya. “You know me, right?” bigla akong kinutuban. Baka bigla silang mag away. “Labas muna kami.” Sabi ni Kenzi, “Buti na lang nasabi niya ‘yon. Kaya lumabas kami ni Kenzi at dumiretso kami sa pool area. Tahimik lang kaming naupo sa mga bench doon. “Okay ka lang?” tanong ni Kenzi at tumango ako. “Oo, hindi ko lang maintindihan. Bakit ganoon si Percy sa atin? Lalo na sa girlfriend niya? Sa harap pa talaga ni Claire?” sabi ko kay Kenzi. “I know. Kawawa nga si Claire.” Hindi rin mapigilang maawa ni Kenzi kay Claire. Mabait naman si Claire at wala akong naki

