Chapter 6: Coffee

1057 Words
Kinabukasan. Maaga akong nagising, pero hindi dahil sa alarm ko. Tahimik ang buong bahay. Walang maingay, walang usapan mula sa baba. Ibig sabihin, maaga pa talaga. Humiga lang ako sandali, nakatitig sa kisame. At tulad ng inaasahan ko, bumalik lahat. Yung boses ni Kuya. “Hindi siya safe para sa’yo.” Napapikit ako, pilit tinutulak palayo ang alaala. Pero mas matigas ‘yon kaysa sa akin. “Babawiin kita.” Bigla akong napaupo. Pagbaba ko, nadatnan ko si Mommy sa kusina. Tahimik siyang naghahanda ng almusal, pero halata sa galaw niya na may iniisip din siya. “Good morning,” bati ko. Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata. “Good morning, anak. Ang aga mo.” Sabi niya habang abala sa pagluluto. Nagtataka naman ako dahil may mga maid kami. Bakit siya pa nagluluto? “Hindi na makatulog, Mommy. Sagot ko at umupo na. Saglit siyang tumango, parang may gustong itanong pero pinigilan. “Coffee?” alok niya. “Yes, please.” Nakangiti kong sabi. Habang inaabot niya sa akin yung tasa, napansin ko. Parang pareho kaming may gustong iwasan pag-usapan. “So…” panimula niya, dahan-dahan. “May lakad ka ba today?” Napatingin ako sa kanya. “Wala naman po.” Tumango siya ulit. “Baka gusto mong lumabas. Magpahangin.”Simple lang yung suggestion niya. Pero parang may ibig sabihin. “Okay,” sagot ko, kahit hindi pa ako sigurado kung saan. By late morning, nasa labas na ako. Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta hanggang sa mapadpad ako sa isang maliit na café na madalas naming puntahan dati. Dati. Kasama siya. Napahinto ako sa labas, nakatingin sa pinto. Why here? Siguro dahil… kahit paano, ito yung lugar na hindi komplikado. Kung saan simple lang lahat. Huminga ako nang malalim bago pumasok. Ganun pa rin ang itsura. Parehong amoy ng kape, parehong music na mahina lang, parehong cozy na pakiramdam. Pero iba na ako. Umupo ako sa may bintana. Yung dating pwesto namin. Napatawa ako nang mahina sa sarili ko. Ang galing mo, Ara. Talagang pinili mo pa yung exact spot. Umorder ako ng kape—yung dati kong favorite. At habang hinihintay, napatingin ako sa labas. People passing by. Normal na araw. Normal na mundo. “Miss, your order.” Sabi ng waiter. “Ah—thank you.” Hinawakan ko yung tasa, pinainit ang kamay ko. Then— “Still the same.” Nanigas ako. Dahan-dahan akong napatingin sa gilid. At doon ko siya nakita. Si Kenzi. Nakatayo lang, hawak ang sariling kape, nakatingin sa akin na parang matagal na niya akong pinapanood. Hindi ako agad nakapagsalita. “Hi,” sabi niya, simple. “Hi,” sagot ko, halos pabulong. “Can I?” tanong niya, tinuturo ang upuan sa tapat ko. Saglit akong nag-alinlangan. Pero tumango rin ako at alangan namang hindi ko siya pansinin? Umupo siya. At biglang Parang bumalik yung lahat ng hindi ko piniling balikan. Tahimik kami sandali. Hindi naman awkward. Parang ninanamnam lang namin yung kape. “So…” siya ang naunang nagsalita. “You still come here.” Napailing ako nang bahagya. “Ngayon lang ulit.” Sagot ko. “Same drink.” Tumango ako. “Some things don’t change,” sabi ko. Tinitigan niya ako. “Yeah,” mahina niyang sagot. “Some don’t.” Pero alam naming pareho na marami na ang nagbago. “At ikaw?” tanong ko, pilit casual. “What are you doing here?” ako naman ang nagtanong. “Coffee,” sagot niya, bahagyang napangiti. Hindi ko napigilang mapairap nang konti. “You know what I mean.” Tumango siya. “I had a meeting nearby.” I nodded. “Convenient.” Sagot niya. Pero this time, hindi na siya nag-antay. “I went to your house.” Nanikip ang dibdib ko. “When?” tanong ko agad. “This morning.” I’m shocked! “What?” nagtataka kong tanong. “Hindi kita naabutan.” Napahigpit ang hawak ko sa tasa. “Why?” Diretso siyang tumingin sa akin. “To talk.”Huminga ako nang malalim. “Kenzi…” “I meant what I said yesterday,” putol niya. “I’m not letting you disappear again.”Napatingin ako sa kanya. “At paano kung gusto ko?” tanong ko. “Then at least be honest about it.” Mas lalong bumigat ang hangin. “Hindi lahat kailangang ipaliwanag,” sabi ko. “Sa akin, oo,” sagot niya agad. Napatigil ako. “Why?” tanong ko, halos pagod na. “Because I was there,” sabi niya, mas mahina pero mas mabigat. “Hindi ako outsider sa buhay mo, Ara. Or at least… I wasn’t.” Masakit pakinggan. Kasi totoo. “But things change,” bulong ko. “Then tell me what changed.” Napapikit ako sandali. Ito na naman. Yung tanong na pilit kong tinatakasan. Tinitigan niya ako.Mas matagal ngayon. Parang hinahanap kung saan ako bibigay. “Is it about your brother?” Nanlaki ang mata ko. “Ano?” mabilis kong tanong. “I met him,” sabi niya. “And I don’t think he likes me.” Mahinang sabi niya. “That’s not new,” sagot ko agad. “But it’s not normal either.” Natahimik ako. “Attracted ka pa rin sa akin?” Nanlaki ulit ang mata ko. “Kenzi—” “Just answer.”Bumilis ang t***k ng puso ko. Parehong tanong. Parehong bigat. “I don’t know,” mahina kong sagot. Tinitigan niya ako. Hindi siya ngumiti. “That’s enough for me.” Napakunot ang noo ko. “What do you mean?” Tumayo siya. “At least it’s not a no.” “At least it’s not a yes either,” sagot ko agad. Bahagya siyang napangiti. “Then I’ll work with that.” Hindi ko alam kung maiinis ako o matatakot. “Kenzi—” Lumapit siya nang konti sa table, bahagyang yumuko para magpantay kami ng tingin. “Alam mo naman si Kuya, diba?” sabi ko at tumango na lang siya. “Yes. Gagawin ko ang lahat para tanggapin niya ako. Look, wala tayong magagawa sa parents natin na ipakasal tayo.” I gulped. Napatingin ako sa labas at parang nakita ko si Kuya Percy! “Ara?” natauhan na lang ako sa boses ni Kenzi. But I know, si Kuya ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD