Nakatayo si Kenzi sa kabilang dulo ng veranda. Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako makahinga habang nakatitig lang siya sa amin ni Percy. Unti-unti akong bumitaw sa pagkakayakap kay Percy. “Kenzi…” mahina kong tawag. Wala siyang sinabi. Tahimik lang siyang nakatingin sa aming dalawa. Medyo natakot ako dahil nakatingin lang siya. Para lang siya nanunuod ng pelikula. Dahil hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. “Kenzi, let me explain—” “Explain what?” Napahinto ako. Mahina ang boses niya pero parang may bumara sa lalamunan ko. “Ano pa bang kailangan mong ipaliwanag, Ara?” Hindi ako nakasagot. Dahil tama siya. Ano pa nga ba? Nakita na niya at alam na niya. At wala nang maitatago pa. Napatingin siya kay Percy. Matigas ang panga nito pero hindi siya umiwas. Hindi rin siya na

