Pagdating ko sa isang restaurant, nakita ko agad si Claire. Hindi ako nagtataka kung bakit nagustuhan ni Percy si Claire. Payat, mahaba ang buhok, tapos maganda. “Hi, Claire.” Bati ko sa kanya at tumayo siya. Bigla niya akong niyakap, na ikinagulat ko. “Hello, Samara! Sorry, bigla kitang inaya na lumabas. “It’s okay—Kamusta?” tanong ko at umupo na. “Ito, medyo hindi kami nag-uusap ni Percy. Hindi ko ba alam kung bakit ganoon siya bigla sa akin.” Napaiwas ako ng tingin. Bakit niya sa akin sinasabi ‘to? “I want to ask you. Ganoon ba talaga siya?” Napalunok ako sa tanong niya. “Hindi kami masyadong close.” Sinagot ko at ngumiti ako. “Oh? Percy told me that you are super close!” Napakunot ang noo ko. “ ’Wag kang maniwala doon. Joke lang ‘yon. And besides, super nakakairita siya. Magal

