Twenty-Six ~

2191 Words

HUMINA ang ulan. Gumaan ang bawat patak sa kanilang katawan. Nasa dating posisyon pa rin sina Adam at Evanna, magkayakap, iginagawad at tinatanggap ang pagpapatawad sa isa't isa. Marami pa silang gustong sabihin. May gustong ipaliwanag. Mga bagay na nais aminin. Subalit sa ngayon ay sapat na muna ang mga yakap na nararamdaman nila. Mas gusto nilang namnamin ang init ng kanilang mga katawan. Nagsimulang humalik ang mga labi ni Adam sa leeg ni Evanna. Sumipsip sa balat nito. Ginamit ang dulo ng dila para tikman ang katawan ng asawang kaytagal siyang pinagdamutan. Nakagat ni Evanna ang ibabang labi. Giniginaw siya, pero ang mainit na labi't dila ng asawa'y sapat na para magningas ang apoy sa kanyang kaibuturan. Malakas ang bawat kabog ng kanyang dibdib. Para siyang mauupusan ng hininga. Nar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD