Terrance Sancho De Costales "Cai! Cai!" Napailing ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtawag sa akin ni Cardo. Napakalawak ng kaniyang ngiti habang papalapit sa akin. I know what he will gonna tell me. "Cai! hindi ka maniniwala sa sasabihin ko talaga!" Kadarating ko lang dito sa bar at ito ang salubong niya. Napatingin ako sa baba, sa kaniyang sapatos. "Ganda, ah?" humalukipkip ako at nagtagal ang aking tingin doon. "Ganda nga! alam mo ba na may nagpadala ng mga sapatos sa apartment ko?! walang pangalan, eh! tapos, hindi lang isang parehas, hindi lang dalawa, kung hindi sampu! s-sampung pares, Cai! sayang nga, hindi tayo magkasukat ng paa kasi kung magkasukat tayo ay bibigyan talaga kita!" Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. This man... he i

